Spaghetti aglio e olio

putaheng pasta sa lutuing Italyano
(Idinirekta mula sa Aglio e olio)

Ang spaghetti aglio e olio (lit. na 'ispageti [na may] bawang at mantika') ay isang tradisyonal na putaheng pasta mula sa Italyanong lungsod ng Napoles. Isa itong tipikal na ulam sa lutuing Napolitano at napakasikat. Maiuugnay ang katanyagan nito sa kadalian ng paghahanda at sa paggamit nito ng mga mumurahing, madaling bilhin na sangkap na matagal na nabubuhay sa loob ng paminggalan.

Spaghetti aglio e olio
Spaghetti aglio, olio e peperoncino
KursoPrimo (kurso ng pasta sa Italya)
LugarItalya
Rehiyon o bansaCampania
Pangunahing SangkapPasta (kadalasan ispageti), bawang, langis ng oliba, perehil, taliptip na sili
BaryasyonSpaghetti aglio, olio e peperoncino (na may pamintang sili)
Halaga ng nutrisyon
(per paghain)
Protina g
Taba20% g
Karbohidrata80% g

Dati, kilala rin ang putahe sa mga pangalang vermicelli alla Borbonica[1] o vermicelli con le vongole fujute, kapag puting bersiyon ang pinag-uusapan.[2]

Paghahanda baguhin

 
Spaghetti aglio e olio

Sinisimulan ang paggawa ng putahe sa banayad na paggisa ng bawang na hiniwa nang manipis sa langis ng oliba, at minsan dinaragdagan ng tinuyong sili – at kung ganoon, tinatawag itong spaghetti aglio, olio e peperoncino). Isinasalin ang mantika at bawang sa ispageti na niluto sa inasnang tubig. Karaniwan, binubudburan ito ng Italyanong perehil na hiniwa nang pino-pino.

Mga sanggunian baguhin

  1. Maria Rivieccio Zaniboni, Cucina e vini di Napoli e della Campania
  2. "Gli spaghetti alle vongole "fujute" | La ricetta di Pasqualina in cucina". Luciano Pignataro Wine Blog (sa wikang Italyano). 2015-08-05. Nakuha noong 2022-06-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)