Si Hendrik Antoon Lorentz[1] (ipinanganak 18 Hulyo 1853 sa Arnhem, Netherlands; namatay 4 Pebrero 1928 sa Haarlem, Netherlands) ay isang pisikong Dutch na nagwagi ng 1902 Gantimpalang Nobel para sa Pisika noong 1902, kasama at kahati ni Pieter Zeeman para sa pagkakatuklas at teoretikal na pagpapaliwanag ng epektong Zeeman. Siya rin ang humango ng mga ekwasyon ng transpormasyon (o transpormasyong Lorentz) na ginamit ni Albert Einstein sa kalaunan para ilarawan ang espasyo at panahon.

Hendrik Antoon Lorentz
Hendrik Antoon Lorentz
Kapanganakan18 Hulyo 1853(1853-07-18)
Kamatayan4 Pebrero 1928(1928-02-04) (edad 74)
NasyonalidadNetherlands
NagtaposPamantasan ng Leiden
Kilala saTeorya ng radyasyong EM
ParangalPremyong Nobel para sa Pisika (1902)
Karera sa agham
LaranganPisika
InstitusyonPamantasan ng Leiden
Doctoral advisorPieter Rijke
Doctoral studentGeertruida L. de Haas-Lorentz
Adriaan Fokker
Leonard Ornstein

Talambuhay baguhin

Marami siyang naging ambag sa larangan ng pisika, kung saan ang teoriya ng liwanag ang siyang pinakanatatangi. Ginantimpalaan siya, kasama ng isang dating estudyanteng si Pieter Zeeman, ng Gantimpalang Nobel sa pisika noong 1902 dahil sa kaniyang pag-aaral sa kung paano naaapektuhan ng daloy na magnetiko (magnetic field) ang kahabaan ng alon (wavelength) o daloy ng liwanag. Higit siyang kilala dahil sa teoriyang tinatawag na kontraksiyon o galaw na Lorentz-Fitzegarld (Lorentz-Fitzgerald contraction), na nagsasabing "ang gumagalaw na bagay ay gumagalaw alinsunod (o patungo) sa direksiyon (o patutunguhan) ng mosyon (o kilos)."[1][2]

Sanggunian baguhin

  1. 1.0 1.1 "Hendrik Antoon Lorentz". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
  2. Salin mula sa Ingles: (...) "a moving body contracts in the direction of motion. (...)