Lutuing Italyano

mga pagkaing patok sa panlasa ng Italyano

Ang lutuing Italyano (Italyano: cucina italiana, pagbigkas [kuˈtʃiːna itaˈljaːna]) ay isang lutuing Mediteraneo[1] na binubuo ng mga sangkap, resipi at paraan sa pagluluto na nilinang sa Tangway ng Italya at nang maglaon ay kumalat sa buong mundo sa pagdagsa ng diasporang Italyano.[2][3][4] Inangkat ang ilan sa mga pagkain na ito mula sa mga ibang kultura. Malaki ang nagbago dahil sa kolonisasyon ng Kaamerikahan at pagpapakilala ng patatas, kamatis, sili, mais at sugar beet — ipinakilala nang maramihan ang huling binanggit noong ika-18 siglo.[5][6] Isa ito sa mga pinakakilala at pinakapinahahalagahan na gastronomiya sa buong mundo.[7]

Paikot sa kanan mula sa kaliwang itaas; ilan sa mga pinakasikat na pagkaing Italyano: pizza (Margherita), pasta (carbonara), espresso, at gelato

Kabilang sa lutuing Italyano ang mga mga tradisyong malalim ang pagkakaugat na karaniwan sa buong bansa, pati na rin ang mga gastronomiyang panrehiyon, na magkaiba sa isa't isa, lalo na sa hilaga, gitna at timog ng Italya, na may patuloy-tuloy na pagpapalitan.[8][9][10] Kumalat ang maraming pagkain na dating panrehiyon lamang, at nagkaroon ang mga ito ng mga baryasyon sa buong bansa.[11][12] May kasaganaan ng lasa sa lutuing Italyano, at isa ito sa mga pinakasikat at pinakakinokopya sa buong mundo.[13] Naging impluwensiya ang lutuin sa mga iba pang lutuin sa mundo, lalo na sa lutuin ng Estados Unidos.[14]

Isa sa mga pangunahing katangian ng lutuing Italyano ang pagiging simple nito. Gawa sa kaunting sangkap lamang ang karamihan ng mga putahe, kaya madalas na umaasa ang mga Italyanong kusinero sa kalidad ng mga sangkap, sa halip na sa kasalimuotan ng paghahanda.[15][16] Lutuing Italyano ang pinagmulan ng entrega ng higit sa 200 bilyon sa buong mundo.[17] Sa paglipas ng mga siglo, malimit na inilikha ang mga pinakasikat na pagkain at resipi ng mga ordinaryong tao higit sa mga kusinero, kaya maraming mga resiping Italyano na bagay para sa pambahay at pang-araw-araw na pagluluto. Nirerespto rin ang mga partikularidad ng mga rehiyon, sa tanging paggamit ng mga likas na materyales at sangkap mula sa pinagmulang rehiyon ng putahe at pagpepreserba ng kapanahunan nito.[18][19][20]

Naging batayan ng lutuing Italyano ang diyetang Mediteraneo, na mayaman sa pasta, isda, prutas at gulay.[21] Mga sentro sa lutuing Italyano ang keso, salumi at alak, at kasama ng pizza at kape (lalo ng ang espresso) ang nagbubuo ng bahagi ng Italyanong kultura sa gastronomiya.[22] May isang mahabang tradisyon ang mga panghimagas sa paghahalo ng mga lokal na lasa katulad ng bungang sitrus, pistatso at almendras sa mga matatamis na keso katulad ng mascarpone at ricotta o mga kakaibang lasa katulad ng kakaw, baynilya, at kanela. Kabilang sa mga pinakasikat na Italyanong panghimagas, keyk at pastelerya ang gelato,[23] tiramisù[24] at cassata. Lubusang dumidepende ang lutuing Italyano sa mga produktong tradisyonal; marami ang tradisyonal na espesyalidad ng bansa na pinoprotektahan ng batas ng EU.[25] Ang Italya ay ang pinakamalaking prodyuser ng alak, pati na rin ang bansa na may pinakasari-saring baryante ng katutubong punong ubas sa buong mundo.[26][27]

Mga sanggunian baguhin

  1. David, Elizabeth (1988) [1950]. A Book of Mediterranean Food. Dorling Kindersley [John Lehmann]. pp. 101–103. ISBN 978-0-14-027328-1.
  2. "Italian Food" [Pagkaing Italyano]. Life in Italy (sa Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 8 Mayo 2017. Nakuha noong 15 Mayo 2017. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)
  3. "The History of Italian Cuisine I" [Ang Kasaysayan ng Lutuing Italyano I]. Life in Italy (sa Ingles). 30 Oktubre 2019. Nakuha noong 16 Abril 2020.
  4. Thoms, Ulrike. "From Migrant Food to Lifestyle Cooking: The Career of Italian Cuisine in Europe Italian Cuisine" [Mula Pagkain ng Migrante hanggang Pamumuhay ng Pagluluto: Ang Karera ng Lutuing Italyano sa Europa]. EGO (http://www.ieg-ego.eu) (sa Ingles). Nakuha noong 17 Abril 2020.
  5. "The Making of Italian Food...From the Beginning" [Ang Paggawa ng Pagkaing Italyano...Mula Pasimula] (sa Ingles). Epicurean. Nakuha noong 24 Abril 2010.
  6. Del Conte 2004, pp. 11-21.
  7. For example, in 2019, the American network CNN ranked first in a ranking of the best cuisines in the world; see: "Which country has the best food?". Nakuha noong 14 November 2021.. According to a survey conducted by the British company of market analysis YouGov, out of 24 countries, Italian cuisine was the most internationally appreciated gastronomy with 84% of total preferences; see: "Sondaggio YouGov:l'84% delle persone nel mondo preferisce la cucina italiana". Nakuha noong 14 November 2021.
  8. Related Articles (2 Enero 2009). "Italian cuisine" [Lutuing Italyano]. Britannica Online Encyclopedia (sa Ingles). Britannica.com. Nakuha noong 24 Abril 2010.
  9. "Italian Food – Italy's Regional Dishes & Cuisine". Indigo Guide. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2 January 2011. Nakuha noong 24 April 2010.
  10. "Regional Italian Cuisine". Rusticocooking.com. Nakuha noong 24 April 2010.
  11. "Cronistoria della cucina italiana" (sa Italyano). Nakuha noong 13 November 2021.
  12. "Piatti regionali a diffusione nazionale" (sa Italyano). Nakuha noong 13 November 2021.
  13. "How pasta became the world's favourite food". bbc. 15 June 2011. Nakuha noong 28 September 2014.
  14. Freeman, Nancy (2 Marso 2007). "American Food, Cuisine" [Amerikanong Pagkain, Lutuin] (sa Ingles). Sallybernstein.com. Nakuha noong 24 Abril 2010.
  15. "Intervista esclusiva allo chef Carlo Cracco: "La cucina è cultura"" (sa Italyano). Nakuha noong 5 Enero 2020.
  16. "Storia della cucina italiana: le tappe della nostra cultura culinaria" (sa Italyano). 25 Mayo 2019. Nakuha noong 5 Enero 2020.
  17. "La cucina italiana nel mondo: un business da 229 miliardi" (sa Italyano). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 14 Agosto 2020. Nakuha noong 5 Enero 2020.
  18. "Individualità territoriale e stagionalità nella cucina italiana" (sa Italyano). Nakuha noong 5 Enero 2020.
  19. "Regole e stagionalità della cucina italiana" (sa Italyano). 2 Disyembre 2016. Nakuha noong 5 Enero 2020.
  20. "Nonne come chef" (sa Italyano). Nakuha noong 5 Enero 2020.
  21. The Silver Spoon [Ang Kutsarang Pilak] (sa wikang Ingles) ISBN 88-7212-223-6, 1997 ed.
  22. Marshall, Lee (30 Setyembre 2009). "Italian coffee culture: a guide" [Kulturang kape ng Italya: isang gabay]. The Daily Telegraph (sa Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Oktubre 2013. Nakuha noong 5 Setyembre 2013.
  23. Jewkes, Stephen (13 Oktubre 2012). "World's first museum about gelato culture opens in Italy" [Unang museum tungkol sa kultura ng gelato sa mundo, nagbukas sa Italya]. Times Colonist (sa Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Oktubre 2013. Nakuha noong 5 Setyembre 2013.
  24. Squires, Nick (23 Agosto 2013). "Tiramisu claimed by Treviso" [Tiramisung inangkin ni Treviso]. The Daily Telegraph (sa Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Agosto 2013. Nakuha noong 5 Setyembre 2013.
  25. Keane, John. "Italy leads the way with protected products under EU schemes" [Italya, nangunguna sa protektadong produkto sa ilalim ng eskema ng EU] (sa Ingles). Bord Bia. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 29 Marso 2014. Nakuha noong 5 Setyembre 2013.
  26. "L'Italia è il maggiore produttore di vino" (sa Italyano). Nakuha noong 11 Nobyembre 2021.
  27. "L'Italia è il paese con più vitigni autoctoni al mondo" (sa Italyano). 3 Hunyo 2017. Nakuha noong 11 Nobyembre 2021.

Mga panlabas na kawing baguhin