2 Broke Girls ay isang komedya na ipinapalabas sa hilagang Amerika. Pinasinayaan ito sa CBS sa panahon ng 2011–12 na season sa telebisyon. Ipinalabas ang unang episode sa ganap na ika-9:30 ng gabi pagkatapos ng serye na Two and a Half men noong 19 Setyembre 2011. Ang mga sumunod na episodes ay ipinalabas pagkatapos ng seryeng How I Met Your Mother tuwing Lunes sa ganap na ika- 8:30 ng gabi. Ito ay mula sa panulat nila Michael Patrick King at Whitney Cummings para sa Warner Bros. Television. Noong 5 Oktubre 2011, binigyan ng CBS ang serye na ito ng isang buong season.

2 broke girls
UriAmerican television sitcom
GumawaMichael Patrick King, Whitney Cummings
DirektorMichael Patrick King, Whitney Cummings
Pinangungunahan ni/ninaKat Dennings, Beth Behrs, Matthew Moy, Jonathan Kite, Jennifer Coolidge, Nick Zano, Steven Weber, Ryan Hansen, Garrett Morris, Austin Falk, Gilles Marini, Sandra Bernhard, Marsha Thomason, Shoshana Bush, Travis Van Winkle, Carla Gallo, Laura Spencer, Dale Dickey, D. C. Douglas, Josh Pais, Tracy Vilar, Cedric the Entertainer, Chad Michael Collins, Sean Moran, Allison Dunbar, Missi Pyle, Mary Jo Catlett, Lindsay Lohan, William Schallert, Hal Linden, Elizabeth Ho, Annet Mahendru, Eric André, Nick Jameson, Mary Lynn Rajskub, Bruno Amato, Vincent M. Ward, Mitch Silpa, Connie Sawyer, Valerie Harper, Jeff Garlin, Josie Totah, Diane Delano, Mary Scheer, Anne De Salvo, Karen Maruyama, Craig Anton, Lindsey Stoddart, Kevin Christy, Mindy Sterling
Bansang pinagmulanEstados Unidos ng Amerika
WikaIngles
Bilang ng season6
Bilang ng kabanata138 (list of 2 Broke Girls episodes)
Paggawa
Prodyuser tagapagpaganapMichael Patrick King, Whitney Cummings
Patnugotmultiple-camera setup
Ayos ng kameramultiple-camera setup
Oras ng pagpapalabas22 minuto
KompanyaWarner Bros. Television Studios, MPK Productions
DistributorWarner Bros. Television Studios
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanCBS
Picture format16:9
Audio formatDolby Digital
Orihinal na pagsasapahimpapawid19 Setyembre 2011 (2011-09-19) –
17 Abril 2017 (2017-04-17)
Website
Opisyal

Maikling Buod

baguhin

Ang palabas na ito ay umiikot sa buhay ng dalawang serbidora sa isang kainan sa Williamsburg, isang purok sa Brooklyn, New York—Si Max (Kat Dennings), na galing sa isang mahirap na pamilya (at nagtatrabaho para sa adisyonal na kita bilang tagapagalaga ng dalawang sanggol ng isang brat na Manhattan socialite), at si Caroline (Beth Behrs), na galing sa isang mayaman na pamilya ngunit ngayon ay naghirap dahil sa pagkakadawit ng kanyang ama sa isang pandaraya. Sila ay naging magkaibigan at nangarap na balang araw ay makakapagpatayo ng isang tindahan ng cupcakes (kung saan kailangan nilang makaipon ng $250,000), bagama’t hindi nila kayang makabili ng kahit ano dahil sa liit ng sweldo na natatanggap nila mula sa pagiging serbidora ay kailangan pa rin nilang magpatuloy na maghanap ng paraan para matupad ang kanilang pangarap. Ilan pa sa mga kasama nila sa trabaho ay ang kanilang amo na si Han Lee (Matthew Moy); Oleg (Jonathan Kite), isang masigasig na kusinero galing Ukrain; at si Earl (Garret Morris), ang kahero. Sa simula ng bawat episode, si Max ay ipinapakita na nagsisilbi sa bawat kustomer at sa katapusan ng bawat episode, isang talaan ang ipinapakita upang malaman kung magkano na ang kanilang naiipon.

Mga Tauhan

baguhin

Pangunahing Tauhan:

  • Kat Dennings bilang Max Black
  • Beth Behrs bilang Caroline Channing
  • Garret Morris bilang Earl
  • Jonathan Kite bilang Oleg
  • Matthew Moy bilang Han “Bryce” Lee

Umuulit na Tauhan:

  • Nick Zano bilang Johnny
  • Brooke Lyons bilang Peach
  • Jennifer Coolidge bilang Sophie

Pagbuo at Produksiyon

baguhin

Bago pa man ito maging isang serye, matagal na itong pinaagawan ng iba’t ibang mga network ngunit nakuha nga ito ng CBS noong ikaw-10 Disyembre 2010, at inutos na ito ay magsimula noong 13 Mayo 2011. Ito ay kabilang sa dalawang palabas na kinumisyon para sa 2011–12 TV season kung saan si Whitney Cummings ang magsisilbing produser, ang isa pa ay ang seryeng Whitney na nakuha naman ng NBC.

Si Dennings ay unang nakuha bilang gumanap sa papel Max noong 18 Pebrero 2011. Noong 25 Pebrero 2011, matapos ang isang linggo, si Behrs naman ang nanalo sa awdisyon para sa papel na Caroline at tinalo niya dito ang ibang magagaling na aktres. Sila Moy, Morris at Kite ang huling nakuha para gumanap sa kani-kanilang papel noong 16 Marso 2011.

Pagtanggap sa Palabas

baguhin

Ang serye ay nakatanggap ng markang “C” mula sa The Washington Post. Ayon kay Hank Stuever, hindi ito masyadong nakakatawa at higit sa lahat ay isang matamlay na bersiyon ng seryeng “The Odd Couple”.

Nakatanggap naman ito ng gradong “B” mula sa The Boston Globe. Ayon sa TV critic na si Matthew Gilbert, siya ang naimpress sa mga cast and produksiyon.

Nakakuha naman ito ng mga magagandang komento galing sa Entertainment Weekly, pinuri nito sila Dennings at Behrs para sa kanilang pag-arte at kemistri.

Si Alan Pergament, na dating kritiko sa The Buffalo News, ay nagbigay naman ng 3 stars out of four.

Ang 2 Broke Girls ay nakakuha ng nominasyon para sa kategoryang Favorite New TV Comedy sa 38th People’s Choice Awards.

Rating

baguhin

Ang unang episode ay pinanood ng 19.2 milyon katao na nagsilbing pinakamataas na marka para sa isang komedya na ipinalabas mula noong Fall 2011. Nakakuha ito ng 7.1 na grado mula sa mga taong may edad 18-49.

International broadcasts

baguhin

Ipapalabas ang serye na ito sa iba’t ibang bansa kabilang ang:

  • Canada, sa network na Citytv, ipapalabas ito sa parehong araw ngunit ibang oras. Ika-9:30 ng gabi sa Toront, Vancouver at Winnipeg, ika-10:30 naman ng gabi sa Calgary at Edmonton.
  • Britain, ipapalabas ito sa E4.
  • Australia, sa pamamagitan ng Nine Network.
  • Brazil, Venezuela, Argentina at Guatemala, mapapanood ito sa Warner Channel.
  • Spain, sa network na TNT España
  • Philippines, iipapalabas sa ETC

References

baguhin

Seidman, Robert (29 Hunyo 2011). "CBS Announces Fall 2011 Premiere Dates". TV By the Numbers. Retrieved 29 Hunyo 2011. Naka-arkibo 2011-07-01 sa Wayback Machine.

"CBS 2 Broke Girls' Gets Full-Season Order" from The Hollywood Reporter (5 Oktubre 2011)

Andreeva, Nellie (2011-10-26). "Jennifer Coolidge Joins CBS’ ’2 Broke Girls’". deadline.com. Retrieved 2011-10-27.

"CBS Nabs Michael Patrick King/Whitney Cummings Multi-Camera Comedy" from Deadline.com (10 Disyembre 2010)

""Person of Interest," "Two Broke Girls" First to Series at CBS; Sarah Michelle Gellar-Led "Ringer" Shifts to The CW" from the Futon Critic (13 Mayo 2011)

Updated: NBC Picks Up "Smash", "Prime Suspects" and Two More Sitcoms to Series, TV By the Numbers, 11 Mayo 2011 Naka-arkibo 2011-05-13 sa Wayback Machine.

‘Friends with Benefits’ and ‘Broke Girls’ premiere on ETC The Manila Times.net Retrieved 2011-11-23. Naka-arkibo 2011-11-30 sa Wayback Machine.

"Scott Porter To Star In CW's 'Hart Of Dixie', More Actors Board Pilots" from Deadline.com (16 Marso 2011)