San Mateo, Rizal
Ang San Mateo ay isang unang klaseng urbanong bayan ng Lalawigan ng Rizal sa Pilipinas. Nakalagak ito sa pulo ng Luzon, at isa sa 13 mga munisipalidad at isang kabiserang lungsod na bumubuo sa Lalawigan ng Rizal, Rehiyon 4-A (Rehiyon ng Calabarzon) sa Katimugang Katagalugan ng Pilipinas. Kabahagi ang San Mateo ng Paikot na Urbanong Lansangan ng Metro Luzon (Metro Luzon Urban Beltway). Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 273,306 sa may 64,054 na kabahayan.
San Mateo Bayan ng San Mateo | |
---|---|
Mapa ng Rizal na nagpapakita ng lokasyon ng San Mateo | |
Mga koordinado: 14°41′49″N 121°07′19″E / 14.69694°N 121.12194°E | |
Bansa | Pilipinas |
Rehiyon | Calabarzon (Rehiyong IV-A) |
Lalawigan | Rizal |
Distrito | Pangalawang Distrito ng Rizal |
Mga barangay | 15 (alamin) |
Pagkatatag | 29 Pebrero 1908 |
Pamahalaan | |
• Punong-bayan | Cristina C. Diaz |
• Pangalawang Punong-bayan | Jose Rafael E. Diaz |
• Manghalalal | 110,276 botante (2022) |
Lawak | |
• Kabuuan | 55.09 km2 (21.27 milya kuwadrado) |
Populasyon (Senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 273,306 |
• Kapal | 5,000/km2 (13,000/milya kuwadrado) |
• Kabahayan | 64,054 |
Ekonomiya | |
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng bayan |
• Antas ng kahirapan | 6.64% (2021)[2] |
• Kita | (2022) |
• Aset | (2022) |
• Pananagutan | (2022) |
• Paggasta | (2022) |
Kodigong Pangsulat | 1850 |
PSGC | 045811000 |
Kodigong pantawag | 2 |
Uri ng klima | Tropikal na monsoon na klima |
Mga wika | wikang Tagalog |
Websayt | sanmateo.gov.ph |
Kasaysayan
baguhinMay dalawang magkaibang salaysay tungkol sa pagkakatatag ng San Mateo. Ang una, ayon kay Padre Gaspar de San Agustin sa kanyang aklat na Conquistas de las Islas Filipinas, ay ang pagtatatag ng mga Agustino sa bayan noong 1572. Sa ikalawang salaysay, sinasabing ipinadala ni Miguel López de Legazpi ang kanyang pamangking si Juan de Salcedo dalawang taon bago siya lumapag sa Maynila. Ito ay upang paghandaan ang pagpapasinaya ng lungsod na ginawa noong 24 Hunyo 1571.
Taong 1596 ng unang magkaroon ang bayan ng simbahan bagamat may salaysay na nagsasabing naitatag na ang Parokya ng San Mateo noon pang 1572. Ayon sa kasaysayang isinulat ng Agustinong nagngangalang Padre Cavada, taong 1596 ng itayo ang unang simbahan sa bansa sa katimugan ng kasalukuyang poblacion ng San Mateo. Ang apostol na si San Mateo ang naging patron ng simbahang ito.[3]
Isa pang salaysay ukol sa pagbibinyag ng pangalang San Mateo ay nagmula sa kuwento ng pagkakatagpo sa lugar na ngayon ay kinatatayuan ng bayan. Isa sa mga Kastilang nagliligid at marahil ay isang kapatas sapagkat siya ay may hawak na aklat sa isang kamay at panulat sa kabila ay nakatayo na animo'y isang imahen ng santo. Sa gayon, ang isang kasama ay tumawag at nagsabing,
"Kaibigan, sa ayos mong iyan ay kamukha mo si San Mateo."
Si San Mateo, sapagka't isa sa sinasabing sumulat ng Ebanghelyo, ay inilalarawan na may hawak na aklat at pluma sa mga kamay.
Heograpiya
baguhinAng bayan ng San Mateo ay matatagpuan sa Lambak ng Marikina. Binabagtas ng Ilog Marikina ang kanlurang bahagi ng bayan samantalang ang Ilog Nangka ay dumadaloy sa timog. Tinatayang nasa 24 kilometro hilagang-silang ng Lungsod ng Maynila ang San Mateo. Kinahahanggan ng bayan sa hilaga ang bayan ng Rodriguez, sa kanluran ang Lungsod Quezon, sa silangan ang lungsod ng Antipolo, at sa timog ang lungsod ng Marikina.[4]
Ang malaking bahagi ng bayan ay kinatatayuan ng mga pamayanan habang ang silangang bahagi ay binubuo ng matataas ng lugar na nasa paanan ng kabundukan ng Sierra Madre.
Mga Barangay
baguhinBinubuo ng 15 barangay and San Mateo.[5]
Barangay | Lawak (km²) | Populasyon (2010) | Kapal ng Populasyon (/km²) |
---|---|---|---|
Ampid 1 | 1.316 | 27,365 | 20,794.07 |
Ampid 2 | 0.245 | 3,685 | 15,040.82 |
Banaba | 1.382 | 21,553 | 15,595.51 |
Dulong Bayan 1 | 0.5879 | 5,030 | 8,555.88 |
Dulong Bayan 2 | 4.3 | 6,837 | 1,590 |
Guinayang | 2.73 | 7,167 | 2,625.27 |
Guitnang Bayan 1 | 4.12 | 24,707 | 5,996.84 |
Guitnang Bayan 2 | 6.14 | 13,680 | 2,228.01 |
Gulod Malaya | 1.394 | 8,564 | 6,143.47 |
Malanday | 3.53 | 13,544 | 3,836.83 |
Maly | 5.65 | 14,905 | 2,638.05 |
Pintong Bukawe | 7.53 | 4,080 | 541.83 |
Silangan | 7.655 | 33,942 | 4,433.96 |
Sta. Ana | 0.8 | 9,176 | 11,470 |
Sto. Niño | 0.8711 | 11,020 | 12,650.67 |
Ekonomiya
baguhinKomersyo
baguhinAng sentro ng komersyo ng San Mateo ay matatagpuan sa gitna ng maraming pamayanan. Ang isa sa sa mga pook pangkomersyo ay nagsisimula sa pampublikong pamilihan sa Barangay Guitnang Bayan II at dinadaanan ng lansangan patungong Rodriguez at ng kalye ng Daangbakal. Ang lugar ay kinaroroonan ng mga institusyong pinansyal, pampublikong pamilihan, restawran at maliliit na kainan, at mga tindahan.[4]
Isa pang maituturing na pook pangkomersyo ay ang kanto ng Delos Santos at Gen. Luna sa Barangay Ampid I, gayundin ang lugar malapit sa pamilihan sa Barangay Banaba at ang kanto ng Patiis at Gen. Luna sa Barangay Malanday.[4]
Mga Pook na Interesante
baguhinSinasabing ang unang larawan ng Nuestra Señora de Aranzazu ay dinala sa Pilipinas lulan ng barkong galyon mula sa Oñate, Espanya kung saan sinasabing nagpakita ang Birhen ng Aranzazu. Sa kasalukuyan, matatagpuan sa San Mateo ang natatanging parokya sa Pilipinas na ipinangalan sa Birhen ng Aranzazu. Noong 4 Hunyo 2004, inihayag ang simbahan ng Aranzazu bilang Pangdiyosesis na Dambana ng Mahal na Birhen ng Aranzazu.[6]
Matatagpuan naman sa Pintong Bukawe ang Camp Sinai kung saan matatanaw ang Sierra Madre, Laguna de Bay, at ang kalunsuran. Dito rin makikita ang mga tableta ng Sampung Utos na kasalukuyang pinakamalaki sa mundo.[6]
Demograpiko
baguhinTaon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1903 | 4,510 | — |
1918 | 4,841 | +0.47% |
1939 | 6,134 | +1.13% |
1948 | 6,811 | +1.17% |
1960 | 12,044 | +4.86% |
1970 | 29,183 | +9.24% |
1975 | 38,955 | +5.96% |
1980 | 51,910 | +5.91% |
1990 | 82,310 | +4.72% |
1995 | 99,217 | +3.56% |
2000 | 135,603 | +6.93% |
2007 | 184,860 | +4.37% |
2010 | 205,255 | +3.88% |
2015 | 252,527 | +4.03% |
2020 | 273,306 | +1.57% |
Sanggunian: PSA[7][8][9][10] |
Mga sanggunian
baguhin- ↑
"Province: Rizal". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ News5 Everywhere - TAGA-SAN MATEO, RIZAL KA BA?. TV5 NETWORK, INC. Hinango noong 11 Hulyo 2016.
- ↑ 4.0 4.1 4.2 About Us Naka-arkibo 2013-08-31 sa Wayback Machine.. Municipality of San Mateo, Rizal. Hinango noong 10 Hulyo 2016.
- ↑ Municipality: San Mateo Naka-arkibo 2015-11-27 sa Wayback Machine.. PSGC Interactive. Makati City, Philippines: National Statistical Coordination Board. Hinango noong 10 Hulyo 2016.
- ↑ 6.0 6.1 Rizal Provincial Government Official Website Naka-arkibo 2016-07-09 sa Wayback Machine.. Provincial Government of Rizal. Hinango noong 10 Hulyo 2016.
- ↑
Census of Population (2015). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population and Housing (2010). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Censuses of Population (1903–2007). "Region IV-A (Calabarzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: url-status (link) - ↑
"Province of Rizal". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)