Ang Abenida Meralco (Ingles: Meralco Avenue) ay isang lansangan sa Lundayang Ortigas sa Pasig, Kalakhang Maynila, Pilipinas. Dumadaan ito mula Abenida Ortigas sa Barangay Ugong sa hilaga hanggang Bulebar Shaw sa Barangay Oranbo sa timog. Hinahangganan nito ang kanlurang gilid ng Valle Verde sa Ugong. Ang haba nito ay 1.6 kilometro (1.0 milya).

Abenida Meralco
Meralco Avenue
Abenida Meralco sa hilaga ng Bulebar Shaw.
Impormasyon sa ruta
Haba1.6 km (1.0 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa hilaga N60 (Abenida Ortigas) sa Barangay Ugong
 
Dulo sa timog N141 (Bulebar Shaw) sa Oranbo
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas


Ipinangalan ito sa Manila Electric Company (o Meralco), na nakahimpil sa sangandaan nito sa Abenida Ortigas. Ilan sa mga iba pang kilalang negosyo sa abenida ay ang UnionBank Plaza, Metrowalk, at ang Capitol Commons, isang mixed-use development na matatagpuan sa dating lupain ng kapitolyo ng lalawigan ng Rizal sa sangandaan ng abenida sa Bulebar Shaw.[1] Sa abenida rin matatagpuan ang Kagawaran ng Edukasyon, sa may sangandaan nito sa Kalye Kapitan Henry Javier.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Capitol Commons". Ortigas & Company Limited Partnership. Nakuha noong 31 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°34′54″N 121°3′49″E / 14.58167°N 121.06361°E / 14.58167; 121.06361