Adbentismo

(Idinirekta mula sa Adbentista)

Ang Adbentismo (Ingles: Adventism) ay isang kilusang Kristiyano na nagsimula noong ika-19 na siglo sa konteksto ng revival na Ikalawang Dakilang Pagkamulat sa Estados Unidos. Ang pangalan nito ay tumutukoy sa paniniwala sa nalalapit na Ikalawang pagbabalik ni Hesus. Ito ay sinimulan ni William Miller. Ang kanyang mga tagasunod ay nakilala bilang mga Millerite. Sa kasalukuyan, ang pinakamalaking denominasyon nito ang Iglesiang Ikapitong-araw na Adbentista. Ang pamilyang Adbentista ng mga iglesia ay itinuturing ngayon bilang mga konserbatibong Protestante.[1] Bagaman sila ay may mga karaniwang doktrina, ang kanilang teolohiya ay nag-iiba sa kung ang agarang katayuan ay walang kamalayang pagtulog o may kamalayan, kung ang huling parusa ng masasama ay anihilasyon o walang hanggang pagpapahirap, ang kalikasan ng imortalidad, kung ang masasama ay bubuhaying muli pagkatapos ng milenyo, at kung ang santuwaryo ng Aklat ni Daniel kapitulo 8 ay tumutukoy sa isa na nasa langit o nasa lupa. Ang kilusang ito ay humikayat ng pagsisiyasat ng bibliya na nagtulak sa mga Ikapitong-araw na Adbentista at ilang mga mas maliliit na pangkat na Adbentista na magmasid ng Sabbath.

Kasaysayan

baguhin

Ang Adbentismo ay nagsimula bilang isang kilusang inter-denominasyonal. Ang pinaka-maingay na pinuno nito ay si William Miller. Hinulaan ni William Miller batay sa Aklat ni Daniel 8:14–16 at prinsipyong araw-taon na si Hesus ay magbabalik sa mundo sa pagitan ng Tagsibol ng 1843 at Tagsibol ng 1844. Noong Tag-init ng 1844, ang mga Adbentistang Millerite ay naniwalang si Hesus ay magbabalik noong 22 Oktubre 1844 na kanilang pinakahulugang ang araw na biblikal ng pagtitika para sa taong iyon. Nang hindi ito mangyari, ang karamihan sa kanyang mga tagasunod ay nagkawatak-watak at nagbalik sa kanilang mga pinagmulang iglesia. Ang ilang mga Millerite ay naniwala pa ring ang mga kalkulasyon ni Miller ay tama ngunit ang kanyang interpretasyon ng Aklat ni Daniel 8:1 ay mali dahil pinagpalagay niyang ang mundo ay lilinisin o darating si Hesus upang linisin ang mundo. Ang mga Adbentistang ito ay nagpakahulugang ang Daniel 8:14 ay humula ng pagpasok ni Hesus sa Pinakabanal na Lugar ng santuwaryong makalangit sa halip na kanyang ikalawang pagbabalik. Sa mga sumunod na dekada, ang kanilang interpretasyon ay umunlad sa doktrina ng imbestigatibong paghuhukom na isang eskatolhikal na proseso na nagsimula noong 1844 kung saan ang mga Kristiyano ay hahatulan upang patunayan ang kanilang ang pagiging karapat-dapat sa kaligtasan at ang hustisya ng diyos ay makukumpirma sa harap ng uniberso. Patuloy na naniwala ang mga Adbentista na ang Ikalawang pagbabalik ay malapit na. Kanilang tinutulan ang pagtatakda ng mga karagdagang petsa para sa pangyayaring ito na nagbabanggit ng Aklat ng Pahayag 10:6. Sa pagkakaisa ng maagang kilusang Adbentista, ang tanong sa araw sa bibliya ng pagpapahinga at pagsamba ay itinaas.

Kumperensiyang Albany

baguhin

Ang Kumperensiyang Albany noong 1845 na dinaluhan ng mga 61 delegado ay ipinatawag upang tangkaing tukuyin ang hinaharap ng kilusang Millerite. Pagkatapos ng pagpupulong naito, ang mga "Millerite" ay nakilala bilang mga "Adbentista" o mga "Ikalawang Adbentista". Gayunpaman, ang mga delegado ay hindi magkasundo sa ilang mga interpretasyong teolohikal. Ang apat na pangkat ay umahon mula sa kumperensiyang ito: Ang The Evangelical Adventist, The Life and Advent Union, the Advent Christian Church, at Seventh-day Adventist Church. Ang pinakamalaking pangkat ay pinangasiwaan ng American Millennial Association na ang isang bahagi ay kalaunang nakilala bilang Evangelical Adventist Church. Ang kanilang bilang aybumagsak at noong 1916, ang kanilang pangalan ayhindi lumitaw sa United States Census of Religious Bodies. Ito ay lumiit sa halos hindi pag-iral ngayon. Ang kanilang pangunahing publikasyon ang Advent Herald at si Sylvester Bliss ang editor nito hanggang sa kanyang kamatayan noong 1863. Ito ay kalaunang tinawag na Messiah’s Herald. Ang Life and Advent Union ay itinatag ni George Storrs noong 1863 at nagtatag ng Bible Examiner noong 1842. Ito ay sumanin sa Adventist Christian Church noong 1964. Ang Advent Christian Church ay opisyal na nabuo noong 1861 at mabilis na lumago sa simula. Ito ay lumiit rin noong ika-20 siglo. Kanilang inilimbag ang mga apat na magasin na Advent Christian Witness, Advent Christian News, Advent Christian Missions at Maranatha. Sila ay nagpatakbo ng isang koleying liberal na sining sa Aurora, Illinois at isang taong Bible College sa Lenox, Massachusetts na tinawag na Berkshire Institute for Christian Studies. Ang primitibong Advent Christian Church ay kalaunang humiwalay mula sa ilang mga kongregasyon sa West Virginia. Ang Seventh-day Adventist Church ay opisyal na nabuo noong 1863. Ito ay naniniwala sa kabanalan ng Sabbath bilang banal na araw ng pagsamba. Ito ay naglimbag ng Adventist Review at Sabbath Herald. Ito ang kasalukuyang pinakamalaking denominasyon ng Adbentismo.

Si William Miller ay hindi sumali sa alinman sa mga denominasyong ito at gumugol ng kanyang mga huling araw ng kanyang buhay para sa pagkakaisa ng mga ito bago namatay noong 1849.

 
Pag-unlad ng mga sangay ng Adbentismo noong ika-19 na siglo

Mga denominasyon ng Adbentismo

baguhin

Mga Christadelphian

baguhin

Ang Christadelphians ay itinatag noong 1844 at may tinatayang mga 25,000 kasapi at 170 iglesia noong 2000 sa Amerika.

Iglesia Advientista Cristiana

baguhin

Ang Iglesia Advientista Cristiana o Advent Christian Church ay itinatag noong 1860 at may 25,277 kasapi sa 302 iglesia noong 2002 sa Amerika. [kailangan ng sanggunian] Ito ay isang "unang-araw" na katawan ng mga Adbentistang Kristiyano na itinatag sa mga katuruan ni William Miller. Kinuha nito ang doktrinang kondisyonal na imortalidad nina Charles F. Hudson at binuo ni George Storrs ang Advent Christian Association sa Salem, Massachusetts noong 1860.

Primitive Advent Christian Church

baguhin

Ang Primitive Advent Christian Church ay isang maliit na pangkat na humiwalay mula sa Advent Christian Church. Ito ay iba mula sa magulang na katawan nito sa dalawang mga punto. Ang mga kasapi nito ay nagmamasid ng paghuhugas ng paa bilang rito ng iglesia at nagtuturo na ang mga nabawing mga bumalik sa pagkakasala ay dapat bautismuhan kahit pa nakaraan silang nabautismuhan. Ito ay minsang tinatawag na rebaptism.

Seventh-day Adventist

baguhin

Ang Seventh-day Adventist Church ay itinatag noong 1863, at may mga 17,210,000 kasapi. Ito ay kilala sa pagtuturo ng pagmamasid ng Sabado at kaya kilala bilang mga Sabadista.

Seventh Day Adventist Reform Movement

baguhin

Ang Seventh Day Adventist Reform Movement ay isang supling ng isang hindi kilalang bilang ng mga kasapi ng Seventh-day Adventist Church na sanhi ng hindi pagkakasunduan sa paglilingkod militar tuwing Sabado noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Davidian Seventh-day Adventist Association

baguhin

Ang Davidians (orihinal na pinangalanang Shepherd's Rod) ay isang maliit na supling ng isang hindi kilalang bilang ng mga kasapi na pangunahing binubuo ng mga boluntaryong tiniwalag na mga kasapi ng Seventh-day Adventist Church.

Branch Davidians
baguhin

Ang mga Branch Davidian ay humiwalay o sumanga mula sa mga Davidian. Marami sa kanila ang napahamak sa Paglusob ng Waco noong 1993.

Church of God (Seventh Day)

baguhin

Ang Church of God (Seventh-Day) ay itinatag noong 1863 at may tinatayang mga 11,000 kasapi sa mga 185 iglesia noong 1999 sa America. Ang mga tagapagtatag nito ay humiwalay noong 1858 mula sa mga Adbentistang naugnay kay Ellen G. White. Ang Church of God (Seventh Day) ay nahati noong 1933 na lumikha ng dalawang mga katawan: isang may headquarters sa Salem, West Virginia na nakilala bilang Church of God (7th day) - Salem Conference at isa na may headquarters sa Denver, Colorado at nakilala bilang General Conference of the Church of God (Seventh-Day).

Church of God and Saints of Christ

baguhin

Ang Church of God and Saints of Christ ay itinatag noong 1896 at may tinatayang mga 40,000 kasapi sa mga 200 kongregasyon noong 1999 sa America.

Church of God General Conference

baguhin

Ang karamihan ng mga denominasyong kilala bilang "Church of God" ay may pinagmulan sa Adbentismo.

Ang Church of God General Conference ay itinatag noong 1921 at may 7,634 kasapi sa 162 iglesia noong 2004 sa America. Ito ay isang katawang Adventist Christian na kilala rin bilang Church of God of the Abrahamic Faith at Church of God General Conference (Morrow, GA).

United Seventh-Day Brethren

baguhin

Ang United Seventh-Day Brethren ay isang maliit na Sabbatarianong katawan na Adbentista. Noong 1947, ang ilang mga indibidwal at dalawang mga independiyenteng kongregasyon sa loob ng kilusang Church of God Adventist ay bumuo ng United Seventh-Day Brethren.

Worldwide Church of God

baguhin

Ang Worldwide Church of God ay itinatag noong 1933 at may tinatayang 63,000 kasapi sa buong mundo noong 2004.

United Church of God

baguhin

Kasunod ng malaking mga pagbabago sa doktrina sa Worldwide Church of God, ang mga maraming pangkat ay humiwalay dito upang mapanatili ang isang mas tradisyonal na sistema. Ang United Church of God ay itinatag noong 1995 at ang pinakamalaking supling nito.

Ibang malilit na pangkat Adbentista

baguhin

Ibang mga kaugnayan

baguhin

Ang Bible Students movement na itinatag ni Charles Taze Russell sa maagang pag-unlad nito ay may malapit na mga kaugnayan sa kilusang Millerite at mga tagpagtaguyod nito. Bagaman ang mga Saksi ni Jehovah na lumitaw noong 1931 kasunod ng isang paghahati sa kilusang Bible Students movement at ang mga natitirang Bible Students ay hindi pangkalahatang itinuturing na bahagi ng kilusang Adbentistang Millerite, si Russel ay dumalo at kalaunang nanguna sa isang pag-aaral ng bibliya na nakahilig sa Adbentismo mula 1870–74.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Adventist and Sabbatarian (Hebraic) Churches" section (p. 256–276) in Frank S. Mead, Samuel S. Hill and Craig D. Atwood, Handbook of Denominations in the United States, 12th edn. Nashville: Abingdon Press