Emperador Akihito

(Idinirekta mula sa Akihito)

Umupo bilang ika-125 Emperador ng Hapon (1989-2019) si Akihito sa Trono ng Krisantemo ng mamatay ang kanyang amang si Hirohito (kilala bilang Emperador Showa) noong 7 Enero 1989. Ang pormal na Seremonya ng Pagluluklok ay ginanap noong 12 Nobyembre 1990 na dinaluhan ng mga dignitaryo gaya ng mga hari at puno ng estado ng 158 na bansa sa buong mundo.

Si Akihito (2005).

Ipinanganak si Emperador Akihito noong 23 Disyembre 1933 sa Tokyo. Siya ang unang anak na lalake nina Emperador Hirohito at ng kanyang asawang si Nagako. Panglima siya sa pitong magkakapatid. Apat ang kanyang ate, lalaki din ang sumunod sa kanya at isang bunsong babae.

Nag-aaral siya ng kanyang elementarya at high school sa Gakushuin, dating paaralan ng Ministeryo ng Bahay Tanggapan ng Imperyo na naging pribadong institusyon. Inilikas siya palabas ng Tokyo sa kalagitnaan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at nasa kabundukan siya ng Nikkō ng matapos ang giyera noong 1945.

Noong 1952, pumasok siya sa departamento ng Agham Pampolitika Naka-arkibo 2008-03-15 sa Wayback Machine. at Ekomiya sa Pamantasang Gakushuin Naka-arkibo 2008-10-21 sa Wayback Machine.. Nang taong ding iyon, ginanap ang Seremonya ng Pagbibinata at kanyang pagkaluklok bilang susunod na tagapagmana ng trono ng Imperyo. Maliban sa kanyang pormal na edukasyon, nag-aral din si Akihito ng Kasaysayan ng Hapon at Saligang Batas.

Noong 10 Abril 1959, pinakasalan niya si Binibining Michiko Shoda, anak ng negosyanteng si Hidesaburo Shoda. Nagtapos si Binibining Shoda sa Kagawaran ng Wikang Banyaga at Panitikan sa Pamantasang ng Banal na Puso Naka-arkibo 2008-12-26 sa Wayback Machine..

Ang kanilang mga naging supling ay sina Prinsipe Naruhito na ipinanganak noong ika 23 Pebrero 1960, si Prinsipe Akishino (Fumihito) na ipinanganak noong ika 30 Nobyembre 1965 at si Prinsesa Sayako na ipinanganak noong ika 18 Abril 1969.

Dahil wala namang gaanong ginagawa ang Emperador ng Japan sa kadahilang ang kapangyarihang pampolitika ay nasa Punong Ministro, at ayon sa kanilang Saligang Batas ang Emperador ay isang sagisag lamang ng estado at pagkakaisa ng mga tao, nauubos ang panahon ni Emperador Akihito sa pag-aaral ng isdang goby. Sa katunayan isa siyang eksperto dito at halos 30 aklat, at mga kasulatan ang kanyang nailathala. Kabilang si Emperador Akihito sa Icthyological Society of Japan.

2019 successor Emperador Naruhito.