Ang Magkakapatid na Marx

Ang Magkakapatid na Marx (Ingles: The Marx Brothers) ay isang Hudyo-Amerikanong mag-anak na mga komedyante, orihinal na nagmula sa Lungsod ng New York, na natamo ang tagumpay sa vaudeville, Broadway, at pelikula noong unang bahagi ng dekada 1900 hanggang mga 1950. Napili ng Amerikanong Instituto ng Pelikula (American Film Institute) ang lima sa labing-tatlong tanghal na pelikula ng Magkakapatid na Marx bilang kasama sa 100 pelikulang komedya, at napasama sa 12 matataas ang dalawa sa kanila (Duck Soup at A Night at the Opera).

Ang Magkakapatid na Marx

Ang tatlong mas nakakatandang kapatid, Chico, Harpo, at Groucho, ang pangunahing gumaganap ng komedya; na labis na pinainam ang kanilang natatanging katauhan sa entablado. Hindi naman napainam sa kaparehong antas ng dalawang mas nakakabatang kapatid, Gummo at Zeppo, ang kanilang katauhan sa entablado, at nang kalaunan, iniwan ang pagganap at napunta sa ibang karera.

Groucho, Gummo, Minnie (ina), Zeppo, Frenchy (ama), Chico at Harpo, sa oras na kanilang pagganap sa "Fun in Hi Skule" noong 1913.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.