Arnulfo Fuentebella

Pilipinong politiko

Si Arnulfo P. Fuentebella (29 Oktubre 1945 – 9 Setyembre 2020) ay dating Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula 2000 hanggang 2001. Siya ay ang dating Kinatawan ng Ikatlong Distrito ng Camarines Sur na mas kilala sa tawag na Distrito Partido.


Arnulfo P. Fuentebella
Ika-19 na Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas
Nasa puwesto
Nobyembre 13, 2000 – Enero 24, 2001
PanguloJoseph Estrada (2000–2001)
Gloria Macapagal-Arroyo (2001)
Nakaraang sinundanManuel Villar, Jr.
Sinundan niFeliciano Belmonte Jr.
Diputadong Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula sa Luzon
Nasa puwesto
Hulyo 23, 2007 – Hunyo 30, 2013
Kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan mula sa Ikatlong Distrito ng Camarines Sur
Nasa puwesto
Hunyo 30, 2004 – Hunyo 30, 2010
Nakaraang sinundanFelix William "Wimpy" B. Fuentebella
Sinundan niLuis Villafuerte
Nasa puwesto
Hunyo 30, 1992 – Hunyo 30, 2001
Nakaraang sinundanEduardo P. Pilapil
Sinundan niFelix William "Wimpy" B. Fuentebella
Kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan mula sa Ikaapat na Distrito ng Camarines Sur
Nasa puwesto
Hunyo 30, 2016 – Hunyo 30, 2019
Nakaraang sinundanFelix William "Wimpy" B. Fuentebella
Sinundan niArnulf Bryan Fuentebella
Nasa puwesto
Hunyo 30, 2010 – Hunyo 30, 2013
Nakaraang sinundanFelix Alfelor, Jr.
Sinundan niFelix William "Wimpy" B. Fuentebella
Personal na detalye
Isinilang29 Oktubre 1945(1945-10-29)
Goa, Camarines Sur
Yumao9 Setyembre 2020(2020-09-09) (edad 74)
San Fernando, Pampanga
KabansaanPilipino
Partidong pampolitikaNationalist People's Coalition
United Nationalist Alliance
AsawaEvelyn Buquid Fuentebella
AnakPatricia Rinah F. Aldaba
Felix William "Wimpy" B. Fuentebella
Arnulf Bryan "Arnie" B. Fuentebella
Pamela Rinah B. Fuentebella
John Vincent B. Fuentebella
Eugene Adrian B. Fuentebella
TahananAbo, Tigaon, Camarines Sur (panlalawigan)
Lungsod Quezon (Kalakhang Maynila)
Alma materPamantasan ng Pilipinas
PropesyonAbogado

Maagang Buhay at Edukasyon

baguhin

Si Arnulfo "Noli" Fuentebella ay ipinanganak noong ika-29 ng Oktubre, taong 1945 sa Camarines Sur kay dating Kinatawan at Gobernador Felix A. Fuentebella at Rita Palma.

Siya ay natuto sa kanyang kinalakihang lalawigan at iginugol ang kanyang buong buhay sa pagiging scout hanggang siya ay maging Life Scout . Sa edad na 15, si Fuentebella ay naging kasapi ng delegasyon ng Pilipinas sa ika-50 anibersaryo ng Boy Scouts ng Amerika noong 1960.

Nag-aral siya ng abogasya sa Pamantasan ng Pilipinas noong 1970 at nagtapos bilang ika-7 sa kanyang klase at nakapasa sa Bar Exams noong 1971.

Pulitikal at Propesyonal na Karera

baguhin

Matapos siyang makapasa sa Bar Exams, si Fuentebella ay nagsimula ng kanyang sariling pamilya kasama ang kanyang kabiyak na si Evelyn at nagpursigi sa karera sa abogasya at pagbabangko, sa pag-asang makakalagpas siya sa tigre ng pulitika na nakakabit sa kanyang pangalan.

Ngunit nang si Pangulong Ferdinand E. Marcos ay nagdeklara ng batas militar at nagtawag ng halalan sa Interim Batasang Pambansa (IBP), si Noli ay napili ng Pangulo na lumaban sa Kongreso upang maging kinatawan ng Partido.

Siya ay nanalo sa halalan at nagsilbi bilang mambabatas sa IBP mula 1978 hanggang 1984. Subalit, hindi siya nagwagi sa 1984 Regular Batasang Pambansa at ginamit ang mga panahong ito upang gamitin ang kanyang nalalaman sa abogasya sa New York, kung saan siya napabilang sa State Bar. At nangyari ang EDSA Rebolusyon at si Pangulong Marcos ay lumipad sa Hawaii. Dahil ang mga Fuentebella ay naging kilala kasama ang mga Marcos, si Noli ay hindi lumaban noong mga taon ni Cory Aquino.

Noong 1992, ang mga kaalyado sa pulitika ay kinumbinsi siyang lumaban muli sa Kongreso. Bumalik si Noli sa pulitika at nanalo ng tatlong magkakasunod na termino bilang Mambabatas (1992-2001).

Pagkakahalal bilang Ispiker

baguhin

Matapos ipasa ni noo'y Ispiker Manuel Villar, Jr. ang mga Artikulo ng Impeachment ni Pangulong Joseph Estrada sa Senado, si Fuentebella ay nahalal bilang Ispiker matapos na mag-mosyon ang mga kaalyado ni Estrada sa Kapulungan ng mga Kinatawan na gawing bakante ang lahat ng mga posisyon sa Kapulungan; nagwagi si Fuentebella sa nominasyon.

Noong Enero 20, 2001 sa EDSA Rebolusyon ng 2001, iniwan ni Estrada ang Palasyo ng Malacañan at naluklok sa pagkapangulo si Pangalawang Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo sa Dambana ng EDSA ni Punong Mahistrado Hilario Davide, Jr. Kasama ni Davide ay ang mga pinuno ng mga kapulungan sa Kongreso, sina Aquilino Pimentel, Jr.  at Fuentebella. Makalipas ang apat na araw, noong Enero 24, ang mga kaalyado ni Arroyo ay nakakuha ng sapat na boto upang alisin si Fuentebella sa puwesto, na pinalitan ng kinatawan ng Lungsod Quezon na si Feliciano Belmonte, Jr.

Pagkatapos ng pagka-Ispiker

baguhin

Nang si Noli ay nakapagsilbi ng mahigit sa tatlong magkakasunod na termino bilang mambabatas, ang kanyang anak na si Felix William/Wimpy ang humalili sa kanya sa loob ng isang termino (2001-2004). Sa mga panahong ito, kumuha si Noli ng post-graduate courses sa Kennedy School of Governance sa Harvard University. Muling lumaban si Noli sa Kongreso at nanalo ng tatlong magkakasunod na termino (2004-2013).

Siya ay napaka-instrumental sa napipintong pagbubuo sa bagong lalawigan na tatawaging Nueva Camarines, na bubuuin ng Ikaapat at Ikalimang Distrito ng Camarines Sur.

Sa ika-14 na Kongreso ng Pilipinas, si Fuentebella ay nahalal bilang Deputy Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa Pilipinas sa Luzon.

baguhin