Bagong Hukbong Bayan

grupong sibilyang hukbo lumalaban para sa rebolusyong komunista ng Pilipinas

Ang Bagong Hukbong Bayan[1] (Wikang Ingles: New People's Army) o NPA, ay isang grupo ng sibilyang hukbo na lumalaban para sa rebolusyong komunista ng Pilipinas. Ito ay itinatag noong 29 Marso 1969. Ang NPA ay lumalaban ng isang "digmang bayan" bilang isang militar na braso ng Partido Komunista ng Pilipinas (CPP).

Ang Pagkatatag

baguhin

Ang NPA ay nagmula sa Hukbalahap, ang grupong sandatahang ng maka-Sobyet na Partido Komunista ng Pilipinas. Ang mga Huks ay lumaban muna sa mga Hapon na sumakop sa Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa pamumuno ni Luis Taruc at ng sekretarya heneral ng partido komunista na si Jose Lava, ang Hukbalahap ay patuloy na lumaban sa mga kalaliyado ng Estados Unidos noong mga sinaunang gobyerno bago sumuko ang marami nito kay Presidente Ramon Magsaysay noong 1954. Sa kaagahan ng 1960s, ang komunistang pakikibaka ng Huk ay humina.

Matapos ang paghihiwalay ng Tsina at USSR, ang mga partidong komunista sa iba't ibang bahagi ng daigdig ay naghiwalay sa dalawang grupo na maka-USSR at maka-Maoist. Ang Partido Komunista ng Pilipinas ay humiwalay mula sa nakatatandang Partido Komunista ng Pilipinas-1930 noong 26 Disyembre 1968. Matapos ang tatlong buwan, noong 29 Marso 1969, naglatag ng reporma sa lumang militia ng partido (Hukbong Mapagpalaya ng Bayan) ang CPP at pinalitan ang pangalan nito (Bagong Hukbong Bayan) sa anibersaryo ng pagtatag ng isang gerilyang hukbo laban sa Hapon noong 1942. Ang grupo ay naitatag noong si José María Sison at si Benito Tiamzon ay nakipagkita sa dating pinuno ng Huk na si Bernabe "Dante" Buscayno.

Ang NPA ay sumusunod sa Maoismo, at sinasabing lumalaban para sa ideolohiyang konsepto na tinatawag na "Makabagong Demokrasya." Nagsimula sa 60 na mandirigma at 34 na riple, ang NPA ay mabilis kumalat sa Pilipinas noong panahon ng diktadurya ni Ferdinand Marcos. Matapos ang deklarasyon ng Martial Law noong 1972, libo-libong estudyante ang sumali sa hukbong ito.

Sa ikatuktok ng pagsibol nito, tinatayang mahigit-kumulang sa 25,000 ang nakasapi dito noong kaagahan ng 1980.

Ngunit sa kalagitnaan ng 1970s, ang mga pinuno ng CPP ay ikinulong at kabilang rito si Jose Maria Sison. Ang mga natirang pinuno ng NPA ang nagpatuloy sa pakikidigmang gerilya subalit nagsimula na silang lumabag sa karapatang pantao, gumamit ng paraang ekstorsyon, panunukot ng tao at rebelyon. Napalayo ang NPA sa kanilang linyang pampolitika ng kanilang gerilyang pakikidigma at kanilang mga gawang pangmasa sa mga kalalawigan.

Sa pag-upo ni Corazon Aquino bilang Pangulo ng Pilipinas noong 1986, ay gumamit siya ng mga bagong taktika para masupil ang NPA. Sa pagpapanumbalik ng demokrasya at sa paggamit ng estratehiyang tinatawag na CHOD (Control, Hold, Operate, Develop), sinira ni Cory ang baseng politikal ng NPA at matagumpay niyang napahina ang mga rebeldeng komunista.[2] Ang NPA ay naitala bilang isang terroristang grupo ng gobyerno ng Pilipinas, ng Estados Unidos, at ng European Union.[1] Naka-arkibo 2009-02-05 sa Wayback Machine.

Ang Ikalawang Pagtutuwid ng Landas

baguhin

Noong dekada 90, ang Ikalawang Pagtutuwid ng Landas ay isinagawa upang subukang itama ang mga pagkakamali sa loob ng organisasyon noong dekada 80. Ito ay nagsimula noong 1992 at natapos ito sa pangkalahatan noong 1998. Nagbunga ito ng muling pagbangon ng kanilang rebolusyon sa Pilipinas. Dahil dito, natapos ang malawakang pagbabawas sa loob ng organisasyon na nagdulot ng pagkamatay ng libo-libong miyembro sa akusasyon ng pagiging isang deep penetration agent ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at ng komunidad ng intelihensiya ng Pilipinas. Ang dating mandirigma ng NPA na si Robert Francis Garcia ay isinulat ang nangyaring mga pagpatay sa kanyang librong To Suffer Thy Comrades at itinatag ang Peace Advocates for Truth, Healing and Justice (PATH), isang grupo na kinabibilangan ng mga nakaligtas sa "pagbabawas", mga pamilya ng biktima, kanilang mga kaibigan at mga sumusuporta sa kanila.

Inihayag ng NPA na sila ang responsable sa pagpaslang kay Colonel Nick Rowe ng Hukbong Estados Unidos na siyang nagtatag ng isang kurso noong 1989 na kung tawagin ay U.S. Army Survival, Evasion, Resistance, and Escape. Si Colonel Rowe ay parte ng isang programang pagtulong militar sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Mga sanggunian

baguhin
  1. PIA Sorsogon (30 Hunyo 2006). "BHB Sorsogon nangakong di mangguulo sa Mt. Bulusan". Philippine Information Agency. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 6 Marso 2016. Nakuha noong 25 Agosto 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. http://www.philstar.com/Article.aspx?articleid=643271[patay na link]
baguhin