Bakang Stroganoff
Ang bakang Stroganoff o bakang Stroganov (Ruso: бефстроганов befstróganov[1]) ay isang Rusong putahe ng mga ginisang piraso ng karneng-baka na inihahain sa sarsa na may smetana (kremang asim). Mula sa mga pinanggalingan nito sa kalagitnaan ng ika-19 na siglo ng Rusya, naging sikat ito sa buong mundo at nagkaroon ng mga pagkakaiba-iba mula sa orihinal na reseta.
Kurso | Pangunahing putahe |
---|---|
Lugar | Rusya |
Rehiyon o bansa | Silangang Europa |
Ihain nang | Mainit |
Pangunahing Sangkap | Baka, smetana (kremang asim) |
Baryasyon | Manok na Stroganoff, longganisang Stroganoff |
|
Kasaysayan
baguhinIpinangalanan ang ulam sa isa sa mga miyembro ng maimpluwensyang pamilyang Stroganov,[2][3] at karaniwang iniugnaya ng pag-imbento nito sa mga Pransesong kusinero na nagtatrabaho sa kanilang pamilya.[4][5]
Ibinibigay ng klasikong Rusong aklat-panluto ni Elena Molokhovets Isang Regalo sa mga Batang Maybahay ang unang kilalang reseta para sa Govjadina po-strogonovski, s gorchitseju, "Baka à la Stroganov, na may mustasa", sa kanyang 1871 edisyon.[6][7][3] Gumagamit ang reseta ng mga kubong baka (hindi mga makitid na piraso) na hinaharina nang kaunti at ginigisa, sinarsa na may inihandang mustasa at sabaw, at ipinabaibabaw ng kakaunting kremang asim: walang sibuyas, walang kabute at walang alkohol. Paminsan-minsan nababanggit ang isang kumpetisyon na sinasabing naganap noong 1890 sa kasaysayan ng ulam, ngunit umiiral na ang reseta at pangalan bago noon. Ang isa pang recipe mula sa 1909, ay nagdagdag ng mga sibuyas at sarsang kamatis, at naghahain nito kasama ng mga malulutong na istro ng patatas na itinuturing na tradisyonal na pamutat para sa bakang Stroganoff sa Rusya.[6][8] Ang bersyon sa 1938 Larousse Gastronomique ay may kasamang mga makitid na piraso ng karneng-baka, at mga sibuyas, na may kasamang alinman sa mustasa o masang kamatis na opsyonal.
Matapos ang pagbagsak ng Saristang Rusya, ang reseta ay tanyag na inihain sa mga otel at restawran ng Tsina bago magsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[9] Ang mga Rusong at Tsinong imigrante, pati na rin ang mga sundalo ng US na nakaistasyon sa pre-Komunistang Tsina, ay nagdala ng ilang mga uri ng putahe sa Estados Unidos na maaaring dahilan para sa katanyagan nito noong mga dekada 1950. Dumating ito sa Hong Kong sa huling bahagi ng dekada '50, sa paghahain ng mga Rusong restawran at otel ng putahe na may bigas ngunit walang kremang asim.
Sa buong mundo
baguhinNag-iiba nang malaki ang paghahanda ng Bakang Stroganoff hindi lamang batay sa heograpiya at ngunit batay rin sa mga iba pang salik, tulad ng hiwa ng karne at ng mga napiling panimpla. Ang karne para sa putahe ay maaaring ihiwa sa iba't ibang paraan: dinais, kinubo, o hinihiwa-hiwa. Kinabibilangan sa ilang mga uri ang mga kabute at sibuyas o mga iba pang gulay at mga iba't ibang mga panimpla tulad ng asukal, asin, paminta, at mga de-boteng panimpla (lalo na ang sarsang Worcestershire) at mga pahirin.[10]
Sa bersyong madalas na inihahanda sa Estados Unidos ngayon sa mga restawran at otel, binubuo ito ng mga pira-piraso ng karneng baka na may kasamang kabute, sibuyas, at sarsa ng kremang asim, at inihahain sa ibabaw ng kanin o pansit. Sa Reyno Unido at Australya, sumikat ang isang reseta na halos kapareho ng karaniwang matatagpuan sa Estados Unidos na inihahain kasama ng bigas at kung minsan ay may pasta tulad ng mga inihandang pagkaing komersyal.[11] Sa ngayon, karaniwang inihahain ang ulam sa malawak o baluktot na nudel sa Estados Unidos. Karaniwang naghahain ang mga Britanong bahay-aliwan n bersyon na may makremang sarsang bino-blangko, samantalang ang mga mas "tunay" na bersyon ay kadalasang mga pulang nilaga na may sandok ng kremang asim na inihahain nang hiwalay sa tuktok.[kailangan ng sanggunian]
Inilista ng Larousse Gastronomique ang Stroganov bilang reseta ng krema, paprika, sabaw ng guyo at bino-blangko. Ang Brasilenyong baryante ay may kasamang bakang dinais o pira-piraso ng karneng baka (karaniwang filet mignon) na may sarsang kamatis, sibuyas, kabute at purong krema. Inihahanda rin ng mga Brasilenyo ang Stroganoff sa manok o kahit na hipon sa halip ng karneng-baka. Karaniwang inihahain ito na may kasamang pamutat na mahahabang piraso ng patatas at puting kanin. Sa Portuges ng Brasil tinawag itong Strogonoff o Estrogonofe.
Sikat din ang Stroganoff sa mga bansang Nordiko. Sa Suwesya, isang karaniwang baryante ang korv-stroganoff (longganisang Stroganoff)(sv), na gumagamit ng lokal na longganisang falukorv bilang alternatibo sa karneng-baka. Sa Pinlandiya, makkara-stroganoff ang tawag sa putahe; tumutukoy ang makkara sa anumang uri ng longganisa. Gayunpaman, isang pangkaraniwang ulam din ang bakang stroganoff. Isa ring karaniwang sangkap ang mga tinasik na atsarang hiniwa sa Stroganoff ng Pinlandiya.
Umaabot ang katanyagan ni Stroganoff sa Japan, kung saan karaniwang inihahain ito na may kasamang puting kanin, o puting kanin na tinimplahan ng perehil at mantikilya. Tumaas nang husto ang katanyagan nito sa pagpapakilala ng koporasyong S&B sa "agarang sarsang kubo". Ito ay mga kubo na may mga pinatuyong panimpla at pampalapot na maaaring dagdagan ng tubig, sibuyas, baka, at kabute upang makagawa ng mala-Stroganoff na sarsa. Bilang karagdagan, ang mga resetang bahay ng mga Hapon para sa Stroganoff ay madalas na nagsasama ng mga "di-tradisyonal" na sangkap-Hapon, tulad ng kaunting toyo. [kailangan ng sanggunian]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ В. В. Лопатин, pat. (1999). "Бефстроганов". Русский орфографический словарь. Москва: Азбуковник.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) [V. V. Lopatin, pat. (1999). "Beef Stroganov". Russian Orthographic Dictionary (sa wikang Ruso). Moscow: Azbukovnik.{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)] - ↑ Вильям Похлёбкин (2002). Кулинарный словарь. Москва: Центрполиграф. ISBN 5227004609.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) [William Pokhlyobkin (2002). Culinary Dictionary (sa wikang Ruso). Moscow: Centrpoligraph.{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)] - ↑ 3.0 3.1 Olga Syutin; Pavel Syutkin (2015). CCCP COOK BOOK: True Stories of Soviet Cuisine. Fuel Publishing. ISBN 978-0993191114.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jennifer Eremeeva (2019-02-20). "The Definitive Beef Stroganoff". Moscow Times.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sara Moulten (2017-01-25). "Amped-Up Beef Stroganoff is ideal dish for Valentine's Day". Detroit Free Press.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 Елена Молоховец. Подарок молодым хозяйкам (sa wikang Ruso). Санкт-Петербург. A Gift to Young Housewives, English translation: Joyce Stetson Toomre (1998). Classic Russian Cooking: Elena Molokhovets' a Gift to Young Housewives. Indiana University Press. ISBN 9780253212108.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) First edition of the book by Molokhovets was issued in 1861. Beef Stroganoff first appeared in the 1871 edition, as specified in Volokh, 1983, and Syutkin, 2015. The 1912 recipe mentioned by Toomre is in Alekandrova-Ignatieva, 1912, p. 611, but was also published in earlier editions. - ↑ Anne Volokh, Mavis Manus,The Art of Russian Cuisine. New York: Macmillan, 1983, p. 266, ISBN 978-0026220903
- ↑ Александрова-Игнатьева, Пелагея Павловна (1909). Практические основы кулинарного искусства. Санкт-Петербург. p. 595.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location missing publisher (link) [Pelageya Alexandrova-Ignatieva (1909). The Practical Fundamentals of Cookery Art (sa wikang Ruso). St. Petersburg.{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location missing publisher (link)] - ↑ Frank Dorn, The Dorn Cookbook. Chicago: Henry Regnery Company, 1953, pp. 126–127
- ↑ "The Food Lab: Rethinking Beef Stroganoff". Serious Eats. Nakuha noong 15 Enero 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lean Cuisine's Beef Stroganoff with Pasta[dead link]
Mga kawing panlabas
baguhin- May mga sipi ang Food Timeline tungkol sa ulam.
- Beef Stroganoff Naka-arkibo 2017-10-29 sa Wayback Machine. nangongolekta at nagbabahagi ng lahat ng mga kilalang reseta ng Beef Stroganoff.