Binondo
Ang Binondo ay isang distrito sa Maynila na pangunahing tinitirahan ng mga imigranteng Tsino sa Pilipinas. Ito ang pinakamatandang Chinatown o Barrio Chino sa buong mundo. Ayon sa kasaysayan, ang pook na pinangalanang Parían na malapit sa Intramuros ay ang pook na tinitirahan ng mga imigranteng Tsino (binansagang sila bilang Sangley ng mga Hispano) at ang Binondo ang tahanan ng mga mestizos de sangley o mestizong Tsino (ngayon ay "Tsinoy"). Ang Parían ay binabantayan ng maigi ng mga Hispano at tinututukan ng kanyon para hindi maghimagsik ang mga Tsino laban sa kanila.
Binondo | |
---|---|
Transkripsyong iba | |
• Chinese | 岷倫洛區 |
![]() Tanawin ng Binondo mula sa himpapawid. | |
Palayaw: | |
![]() Kinaroroonan ng Binondo sa Maynila | |
Bansa | Pilipinas |
Rehiyon | Pambansang Punong Rehiyon |
Lungsod | Maynila |
Distritong Pambatas | ika-3 distrito ng Maynila |
Barangays | 10 |
Lawak | |
• Kabuuan | 0.66 km2 (0.26 milya kuwadrado) |
Populasyon (2010[1]) | |
• Kabuuan | 12,985 |
• Kapal | 20,000/km2 (50,000/milya kuwadrado) |
Binondo | |||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Tradisyonal na Tsino | 岷倫洛區 | ||||||||||||||
Pinapayak na Tsino | 岷伦洛区 | ||||||||||||||
|
Ang Binondo ay matatagpuan sa hilaga ng ilog Pasig at ito ang Tsinataun ng Maynila. Ang distrito ang pook ng pangangalakal ng lahat ng uri ng trabaho na pinapatakbo ng mga mangangalakal na Intsik. Pinaniniwalaan din na ang Binondo ang pook kung saan ang mga mangangalakal na Intsik ay nagnenegosyo na bago pa man dumating ang mga Hispano noong 1571.
GaleriyaBaguhin
Tanawin ng Binondo mula Tulay ng Jones.
TalasanggunianBaguhin
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.