Boksing
Ang suntukan o boksing (Ingles: boxing) ay isang laro sa larangan ng palakasan kung saan dalawang magkatunggali na may parehong timbang ang naglalaban sa pamamagitan ng kanilang mga kamao o buntalan sa natakdang oras sa loob ng boksingan.[2]
Kilala rin bilang | Kanluraning Boksing, Pagsusuntukan, Pugilato See note.[1] |
---|---|
Pokus | Suntok, Hampas |
Bansang pinagmulan | Sinaunang-panahon |
Pagkamagulang | Bare-knuckle boxing |
Palaro sa Olympiko | 688 BK (Sinaunang Gresya) 1904 (moderno) |
Ang pambaguhang boksing ay palarong Olimpiko and palaro sa Komonwelt at mahahanap sa karamihan ng mga pandaigdigang palaro—mayroon din itong sariling Pandaigdigang Kampeonato. Pinangangasiwaan ang boksing ng isang reperi sa mga interbal mula isa hanggang tatlong minuto na tinatawag na mga raun.
Disidido ang resulta kapag itinuring na ang kalaban ay hindi na makakatuloy ayon sa reperi, diskuwalipikado dahil sumuway, o sumuko sa pamamagitan ng paghagis ng isang tuwalya. Kapag nakumpleto ang mga nakatadang raun ng isang laban, pinapasya ang panalo batay sa mga iskorkard ng mga tagahatol pagwakas ng palighasan. Kung sakaling pantay ang iskor ng dalawang katunggali mula sa mga tagahatol, itinuturing na tabla ang mga propesyonal na takda. Sa Olimpikong boksing, dahil kailangan magdeklara ng panalo, pinagkakalooban ng mga tagahatol ang isang manlalaban batay sa mga pamantayang teknikal.
Mga kilalang boksingero
baguhinTingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Note: The Encyclopædia Britannica Eleventh Edition notes as different pugilism and boxing. Vol. IV "Boxing" (p. 350)[1]; Vol. XXII "Pugilism" (p. 637)[2] Consulted April 17, 2017.
- ↑ Grabianowski, Ed. How Boxing Works, HowStuffWorks.com (sa Ingles)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Palakasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.