Buhay pampagtatalik
Sa seksuwalidad ng tao, ang buhay na seksuwal o buhay na pampagtatalik ay isang bahagi ng pang-araw-araw na pag-iral ng tao na maaaring kasangkutan ng mga gawaing seksuwal o kumakatawan sa kawalan ng gawaing seksuwal. Sa pangkalahatang paraan ng pagsasalita, ang kataga ay maaaring magkaroon ng maraming mga kabahaging kahulugan at mga sapin na panglipunan, subalit pangkalahatang kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Ang indibiduwal ay may kakayanan, maaaring regular o bahagyang regular, na pumapasok sa kusang napagkasunduan at konsensuwal na mga sitwasyon na kinasasangkutan ng gawaing seksuwal na may kapareha, na iyong hindi nagsosolo sa gawaing seksuwal na katulad ng masturbasyon. Likas na taglay nito ang kahulugan na mayroong hindi bababa sa isang tao sa bawat kalagayan, na mayroon o walang gawaing seksuwal, at walang kinalaman kung ang mga gawaing ito ay monogamo o hindi; iyon bang ang isang buhay na pampagtatalik ay maaari ring mayroong isang pangmatagalang panahon na katambal sa pagtatalik o kaya ay may maraming mga kapareha sa loob ng mabilis na pagpapalit sa loob ng isang panahon ng buhay. Ang ideya ng isang regular o medyo regular na buhay pampagtatalik ay iba't iba, ngunit ang pagkakategorya ng isang indibiduwal na hindi kusang hindi makapag-asawa (o hindi kusang umaayaw sa pang-aasawa; na kabaligtaran ng absitensiyang boluntaryo o abstinensiyang seksuwal) bilang mayroong buhay na seksuwal ay hindi tumpak.
- Sa pagpapalagay na ang mga nabanggit sa itaas ay likas na totoo, ang indibiduwal na mayroong isang buhay na seksuwal sa kung gayon ay maaaring manaliksik at palalimin ang kaniyang mga kasanayang seksuwal, at gayon din - kung nanaisin niya - ay maaaring magkaroon ng pagkakataon na matuto ng bago pang mga kasanayanan at umunlad pa bilang isang seksuwal na nilalang.
- Ang indibiduwal ay maaari, dahil sa mga bagay na ito, na magkaroon ng isang "lugar" sa kaniyang buong "buhay" na kinasasangkutan ng pagtatalik sa isang paraan na tila kahalintulad sa kung paanong ang mga atleta ay mayroong isang "pook" sa kanilang mga buhay na kinasasangkutan ng palakasan o sa kung paanong ang mga musikero ay mayroong isang "lugar" sa kanilang mga buhay na kinasasangkutan ng musika. Ang isang tao na mayroong matatag at palagiang umuunlad na buhay na seksuwal ay likas na maaaring ituring ang kanilang seksuwalidad bilang isang masiglang bahagi ng kanilang mga sarili, at bagaman ang isang matatag na buhay na seksuwal ay hindi talagang nangangahulugan na ang isang tao ay palaging makakadama ng pagtitiwala sa sarili o seksuwal na kabigha-bighani, ang palagiang pagkakaroon ng pagkakataong makipagtalik at ang kakayanan na mapalalim at mapalawak ang kaniyang mga kasanayang seksuwal ay nakapagbibigay ng isang tiyak na kasiguruhan ng kawilihang seksuwal o sex appeal na wala ang mga taong walang buhay na seksuwal.
Mayroong mga sanggunian na nagsasabi na sa mga tao ang anumang kadalasan ng pakikipagtalik ay maaaring humangga mula sa wala hanggang sa 15 o 20 mga beses sa loob ng isang linggo.[1] Sa Estados Unidos, ang karaniwang dalas ng pagtatalik para sa mga magkakaparehang kasal ay 2 hanggang 3 mga beses sa loob ng isang linggo.[2] Pangkalahatang kinikilala na ang mga babaeng nasa yugtong pagkatapos ng menopause (postmenopause) ay nakakaranas ng pagbaba ng dalas ng pakikipagtalik[3] at ang karaniwang dalas ng pagtatalik ay bumababa ayon sa pagsulong ng edad. Ayon sa Kinsey Institute, ang karaniwang dalas ng interkursong seksuwal sa Estados Unidos ay 112 na mga ulit sa bawat taon sa edad na 18-29, 86 na mga beses bawat taon sa edad na 30-39, at 69 na mga ulit bawat taon sa edad na 40-49.[4]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Sexual health: An interview with a Mayo Clinic specialist
- ↑ Varcarolis, E.M. (1990). Foundations of Psychiatric Mental Health Nursing. New York: W.B. Saunders Company. pp. 787. ISBN 0-7216-1976-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ACOG 2003 Poster, Sociosexual Behavior in Healthy Women". Nakuha noong 2009-01-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Frequently asked questions to the Kinsey Institute for Research in Sex, Gender, and Reproduction (Kinsey Institute)". Nakuha noong 2009-01-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)