Ang Certosa di Pavia ay isang monasteryo at complex sa Lombardy, hilagang Italya, na matatagpuan malapit sa isang maliit na bayan na may parehong pangalan sa Lalawigan ng Pavia, 8 km hilaga ng Pavia. Itinayo noong 1396–1495, ito ay dating matatagpuan sa hangganan ng isang malaking parke para sa pangangaso na kabilang sa pamilyang Visconti ng Milano, kung saan ngayon ay nagkalat na lamang ang mga nanatiling bahagi. Ito ang isa sa pinakamalaking monasteryo sa Italya.

Ang Certosa di Pavia na tanaw mula sa maliit na klaustro

Ang simbahan, ang huling edipisyo ng complex na itatayo, ay ang magiging mausoleong pampamilya ng mga Visconti. Idinisenyo ito bilang isang engrandeng estruktura na may nabe at dalawang pasilyo, isang uri na hindi karaniwan para sa Ordeng Cartuho. Ang nabee, sa estilong Gotiko, ay natapos noong 1465.

Kasaysayan

baguhin
 
Ang looban ng simbahan.

Iniatas ni Gian Galeazzo Visconti, namamana na panginoon at unang Duke ng Milan, ang pagtatayo ng Certosa kay arkitektong si Marco Solari, pinasinayaan ang mga gawa at inilatag ang pundasyong bato noong Agosto 27, 1396, gaya ng naitala ng isang bas-relief sa patsada. Ang lokasyon ay madiskarteng pinili sa pagitan ng Milan at Pavia, ang pangalawang lungsod ng Dukado, kung saan isinasagawa ng Duke ang kaniyang hukuman.

 
Tanaw sa patsada.

Mga tala

baguhin