Pormulang kemikal

(Idinirekta mula sa Chemical formula)

Ang pormulang kemikal ay ang malinaw na paraan upang ipakita ang impormasyon tungkol sa mga atom na bumubuo sa isang partikular na kompuwesto. Ito ay tinatawag ding pormulang molekular. Nagpapakita ito ng bawat elemento (sa pamamagitan ng kanyang simbolo kemikal) at bilang ng mga atom na bumubuo sa bawat molekula ng kompuwesto. Ang bilang ng atom (kung mas malaki sa isa) ay ipinakikita sa pamamagitan ng suskrito (subscript). Sa mga di-molekulang mga material, ipinakikita ang tagway ng mga elemento sa pormulang empirikal. Ito ay tinatawag na pormulang panglahat kung ang pagkakaiba ng isang serye ng kompuesto ay naiiba lamang sa isa’t isa sa pamamagitan ng isang constant unit. Any seryeng ito ay tinatawag na homologous series at homolog naman ang tawag sa mga kasapi nito.

Pormulang molekular at estruktural

baguhin

Halimbawa, ang methane, ay isang simpleng molekula na binubuo ng isang atom ng karbon na nakakawing sa apat na atom ng hydrogen na may pormulang kemikal na:

CH4

At ang glukosa ay binubuo ng anim na atom ng karbon, labing-dalawang atom ng idroheno at anim na atom ng oksiheno na may pormulang kemikal na:

C6H12O6.

Ang isang pormula ay makapagbibigay din ng impormasyon tungkol sa uri at ayos ng kawing ng isang kemikal. Nguni’t hindi ito nagbabadya ng tunay na isomer (ayos sa espasyo). Halimbawa, ang ethane ay binibuo ng dalawang karbon na may isang kawing sa isa’t isa at tatlong hydrogen sa bawat karbon. Ang kanyang pormulang kemikal ay CH3CH3. Kung may dalawang kawing sa pagitang ng dalawang atom ng karbon (at mangyaring dalawang hidroheno lamang ang nakakawing sa bawat karbon), ang pormula nito ay isinusulat ng CH2CH2. Sa pormulang ito, ang dalawang kawing sa pagitan ng dalawang karbon unawa na. Ngunit mas malinaw at tama kung ito’y isusulat ng H2C:CH2 o kaya ay H2C=CH2. Ang dalawang tuldok o linya ay pakahulugang may dalawang kawing na nagkakabit sa pagitan nito.

Ang tatlong kawing ay maipakikita sa paggamit ng tatlong tuldok o linya. At kung may pagkalito, isang tuldok o linya ay maaaring gamitin upang ipakita ang isang kawing. Ang mga molekulang may maraming grupong punsiyonal na magkapareho ay maipakikita sa ganitong paraan: (CH3)3CH. Ngunit ito’y nagpapakita ng kakaibang estruktura sa ibang molekulang maaring mabuo rin parehong bilang ng atom nito. Ang pormulang (CH3)3CH ay nagpapakita ng isang kadena ng tatlong atom ng karbon na kung saan ang gitnang karbon ay nakakawing sa tatlong karbon at ang mga natitirang kawing ay mga atom ng idrohenong nakakabit sa karbon. Gayunpaman, parehong bilang ng mga atom (10 idroheno at 4 karbon, o C4H10) ang ginagamit upang makabuo ng isang tuwid na kompuesto nito: CH3CH2CH2CH3.

Ang alkene ng 2-butene ay may dalawang isomer na hindi ipinakikita ng pormulang CH3CH=CHCH3. Ang relatibong posisyon ng dalawang grupo ng methyl ay maipakikita sa paggamit ng dagdag na notasyon kung saan naroon ito – magkatabi sa isang gilid (cis o Z) o magkasalungat (sa magkabilang gilid) sa isa’t isa (trans o E) ng dobleng kawing ng karbon.

Mga polimero

baguhin

Panaklong ang inilalagay sa paulit-ulit na yunit ng polymer. Halimbawa, ang molekula ng isang hydrocarbon ay maipakikita ng ganito: CH3(CH2)50CH3, isang molekulang may 50 paulit-ulit na yunit. Kung ang bilang ng paulit-ulit na yunit ay di-alam o nagbabago, ang letrang n ang ginagamit upang maipakita ito: CH3(CH2)nCH3.

Mga iono

baguhin

Ang karga ng isang ionic atom ay maipakikita sa pamamagitan ng superscript sa kanan ng simbolo nito. Halimbawa: Na+, o Cu2+. Ang kabuuang karga ng isang charged molecule o isang ionikong polyatomiko ay maipakikita rin ng ganito. Halimbawa, hydronium, H3O+ or sulfato, SO42-.

Mga isotopo

baguhin

Ang iba’t ibang mga isotope ay maipakikita sa paggamit ng pakaliwang superscript sa isang pormulang kemikal. Halimbawa, ang isang ionic phosphate ay may radioactive phosphorus-32 ay ipinakikita ng ganito 32PO43-. At ang isang pag-aaral ng isang panatag ng tagway ng dalawang isotope ng oxygen maipakikita ng ganito: 18O:16O.

Pormulang empirikal

baguhin

Sa kimika, ang pormulang empirikal ng isang kemikal ay isang payak na ekspresyon ng relatibong bilang ng bawat atom o tagway ng mga elementong bumubuo rito. Ang pormulang empirikal ay standard sa mga kompuestong ioniko tulad ng CaCl2 at sa mga makromolekulang tulad ng SiO2. Hindi nito ipanakikita ang kanyang isomerismo, estruktura o absolutong bilang ng mga atom. Ang katagang empirikal ay mula sa proseso ng kilatis elemental (elemental analysis), isang paraan ng kimika analitika na kung saan inaalam ang relatibong porsyento ng komposisyong elemental ng isang purong kimika.

Halimbawa, ang hexane ay may isang pormulang kemikal ng CH3CH2CH2CH2CH2CH3, na nagpapakita na ito ay isang tuwid na kadena ng estruktura, 6 na atom ng karbon, at 14 na atom ng hidroheno. Ang pormulang empirikal nito ay C3H7.

Mga sanggunian

baguhin