Daniel Bernoulli

Si Daniel Bernoulli FRS ( /bərˈnli/; Suwisong Aleman: [bɛʁˈnʊli];[1] 8 Pebrero 1700 – 17 Marso 1782) ay isang Suwisong matematiko at pisiko at isa sa mga naging nangungunang matematiko mula sa mag-anak na Bernoulli. Partikular siyang naaalala dahil sa kaniyang paggamit o paglalapat ng matematika sa mekanika, natatangi na sa mekanika ng pluwido, at dahil sa kaniyang mapagpanimulang gawain sa probabilidad at estadistika. Ang gawain ni Bernoulli ay pinag-aaralan pa rin nang malawakan sa maraming mga paaralan ng agham sa buong mundo.

Daniel Bernoulli
Daniel Bernoulli 001.jpg
Si Daniel Bernoulli.
Kapanganakan8 Pebrero 1700
Namatay17 Marso 1782 (edad 82)
Nakilala saPrinsipyo ni Bernoulli,
sinaunang teoriyang kinetiko ng mga gas,
termodinamika
Pirma
Daniel Bernoulli Signature.svg

Mga sanggunianBaguhin

  1. Mangold, Max (1990) Duden — Das Aussprachewörterbuch. 3. Auflage. Mannheim/Wien/Zürich, Dudenverlag.