Den (paraon)
Si Den na kilala rin bilang Hor-Den, Dewen at Udimu ang pangalang Horus ng isang paraon na namuno sa Unang dinastiya ng Ehipto. Siya ang pinaka-pinatutunayang pinuno ng panahong ito. Siya ay sinasabing nagdala ng kasaganaan sa kanyang nasasakupan at ang maraming mga inobasyon ay itinuturo sa kanyang paghahari. Siya ang unang gumamit ng titulong "Hari ng Mababa at Itaas na Ehipto" at ang una na inilalarawan na nagsuot ng dobleng korona(pula at puti). Ang sahig ng kanyang libingan sa Umm el-Qa'ab malapit sa Abydos ay gawa sa pula at itim na granito na unang pagkakataon sa Ehipto na ang matigas na batong ito ay ginamit na pantayong materyal. Sa panahon ng kanyang mahabang paghahari, kanyang itinatag ang mga pattern ng korteng ritwal at pang-hari na ginamit ng mga kalaunang pinuno.
Den | |
---|---|
Udimu, Dewen | |
Pharaoh | |
Paghahari | 42 years (1st Dynasty) |
Coregency | Merneith |
Hinalinhan | Djet, Merneith |
Kahalili | Anedjib |
Konsorte | Semat, Nakht-Neith ? Qua-Neith ? |
Ama | Djet |
Ina | Merneith |
Libingan | Tomb T, Umm el-Qa'ab |