Desmond Doss
Si Desmond Thomas Doss (Pebrero 7, 1919 - Marso 23, 2006) ay isang kabo ng Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos na nagsilbi bilang isang combat mediko sa isang kumpanya ng impanterya sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dalawang beses siyang ginawaran ng Medalyang Bronze Star para sa mga aksyon niya sa Guam at Pilipinas. Si Doss ay karagdagang nakilala sa Labanan ng Okinawa sa pamamagitan ng pagligtas ng 75 na mga sundalo.[a] Siya lamang ang tanging conscientious objector na iginawaran ng prestihiyosong Medalya ng Karangalan para sa kanyang mga aksyon sa panahon ng digmaan. [b] Ang kanyang buhay ay naging paksa ng mga libro, ang dokumentaryong The Consciousious Objector, at ang pelikulang Hacksaw Ridge noong 2016.
Serbisyo sa Digmaan
baguhinBago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, si Doss ay nagtatrabaho bilang isang karpintero sa isang pagawaan ng bapor sa Newport News, Virginia . Pinili niya ang serbisyong militar sa kabila na inalok siya ng pagpapaliban dahil sa kanyang pagpapagawa ng barko noong Abril 1, 1942, sa Camp Lee, Virginia. Ipinadala siya sa Fort Jackson sa South Carolina para sa pagsasanay kasama ang muling naaktibo na Ika-77 na Sangay ng Impanterya . Samantala, ang kanyang kapatid na si Harold ay nagsilbi sa USS Lindsey .
Tumanggi si Doss na pumatay ng isang sundalong kaaway o magdala ng sandata sa labanan dahil sa kanyang personal na paniniwala bilang isang Adbentistang Pang-ikapitong Araw Dahil dito naging tagagamot siya na nakatalaga sa Ikalawang Pulutong, Kompanya B, Unang Batalyon, Ika-307 na impanterya, Ika-77 na Sangay ng Impanterya.
Habang naglilingkod kasama ang kanyang pulutong noong 1944 sa Guam at Pilipinas, iginawad sa kanya ang dalawang Medalyang Bronze Star na may kasamang aparatong "V", para sa pambihirang lakas ng loob sa pagtulong sa mga sugatang sundalo. Sa Labanan ng Okinawa, nailigtas niya ang buhay ng 50-100 na sugatang mga impanterya sa ibabaw ng lugar na tinatawag ng Ika-96 na Dibisyon bilang Maeda Escarpment o Hacksaw Ridge. Si Doss ay nasugatan ng apat na beses sa Okinawa, at inilikas noong Mayo 21, 1945, sakay ng USS Awa . Si Doss ay nagtamo ng bali sa kaliwang braso mula sa bala ng isang tirador at sa isang punto ay may labing pitong pirasong bubog na nakapasok sa loob ng kanyang katawan. Ginawaran siya ng Medalya ng Karangalan dahil sa kanyang mga aksyon sa Okinawa.
Karagdagang Nota
baguhin- ↑ Although the exact number is unknown, estimates range from 50 to 100 since 55 of the 155 soldiers involved in the action were able to retreat without assistance.[1]
- ↑ Conscientious objectors Thomas W. Bennett and Joseph G. LaPointe Jr. were posthumously awarded the Medal of Honor during the Vietnam War.
Mga Sanggunian
baguhin- ↑ "Desmond T. Doss". HomeOfHeroes.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 19, 2016. Nakuha noong Enero 10, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)