Imperyo ng Maurya

(Idinirekta mula sa Dinastiyang Maurya)

Ang Imperyong Maurya ang isang malawak sa heograpiyang panahong Bakal na kapangyarihang historikal sa Sinaunang India na pinamunuan ng Dinastiyang Mauryano mula 322 BCE hanggang 185 BCE. Ito ay nagmula mula sa kaharian ng Magadha sa mga kapatagang Indo-Gangetiko(modernong Bihar), silanganing Uttar Prades at Bengal sa silanganing panig ng subkontinenteng Indiyano. Ang kabisera ng imperyong ito ay sa Pataliputra (modernong Patna).[1][2] Ang Imperyong Maurya ay itinatag noong 322 BCE ni Chandragupta Maurya na nagpatalsik sa Dinastiyang Nanda at mabilis na nagpalawak ng kanyang kapangyarihan pakanluran sa ibayong sentral at kanluraning India na sumantala sa mga pagkagambala ng mga kapangyarihang lokal kasunod ng pagurong pakanluranin ng mga hukbong Griyego at Persa (Persian) ni Dakilang Alejandro. Noong 320 BCE, ang imperyo ay buong sumakop sa Hilagang-kanlurang India na tumalo at sumakop sa mga satrap na naiwan ni Dakilang Alejandro.[3] Ito ay may lawak na 1 bilyong acre at isa sa pinaka-malaking mga imperyo sa panahon nito at ang kailanman pinakamalaki sa subkontinenteng Indiano. Sa pinakamalaking saklaw nito, ang imperyo ay sumaklaw sa hilaga kasama ng mga natural na hangganan ng mga Himalaya at sa silangan na sumasaklaw sa ngayong Assam. Sa kanluran, ito ay sumakop ng lagpas sa modernong Pakistan na nagdagdag ng Balochistan, timog silangang mga bahagi ng Iran at karamihan ng ngayong Afghanistan kabilang ang modernong mga probinsiyang Herat at Kandahar. Ang imperyo ay lumawak sa mga rehiyong sentral at katimugan ng mga emperador na sina Chandragupta at Bindusara ngunit hindi isinama ang isang maliit na bahagi ng hindi nagalugad na mga rehiyong pang-tribo at magubat malapit sa Kalinga(modernong Odisha) hanggang sa masakop ito ni Emperador Ashoka. Ang pagbagsak nito ay nagsimula pagkatapos ng 60 taon ng matapos ang pamumuno ni Ashoka at nagwakas noong 185 BCE sa pagkakatatag ng Dinastiyang Sunga sa Magadha.

Imperyong Mauryano
322 BCE–185 BCE
Maurya Empire at its maximum extent (Dark Blue), including its vassals (Light Blue).
Maurya Empire at its maximum extent (Dark Blue), including its vassals (Light Blue).
KabiseraPataliputra (Modern day Patna)
Karaniwang wikaOld Indic Languages (e.g. Magadhi Prakrit, Other Prakrits, Sanskrit)
Relihiyon
Hinduism
Buddhism
Jainism
Ājīvika
PamahalaanAbsolute Monarchy as described in the Arthashastra
Samraat (Emperor) 
• 320–298 BCE
Chandragupta Maurya
• 187–180 BCE
Brhadrata
PanahonAntiquity
• Naitatag
322 BCE
• Binuwag
185 BCE
Lawak
4,000,000 km2 (1,500,000 mi kuw)
SalapiPanas
Pinalitan
Pumalit
Nanda Empire
Mahajanapada#Magadha
Sunga Empire
Satavahana dynasty
Indo-Scythians
Kushan Empire
Bahagi ngayon ng India
 Afghanistan
 Bangladesh
 Bhutan
 Iran
 Maldives
 Myanmar
 Pakistan

Sa ilalim ni Chandragupta, ang imperyong Maurya ay sumakop sa rehiyong trans-Indus na nasa ilalim ng pamumuno ng mga Macedonian. Pagkatapos ay tinalo ni Chandragupta ang pananakop na pinamunuan ng Griyegong heneral mula sa hukbo ni Dakilang Alejandro na si Seleucus I Nicator. Sa ilalim ni Chandragupta at mga kahalili nito, ang panloob at panlabas na kalakalan, mga gawaing agrikultura at ekonomiko ay lahat yumabong at lumawak sa ibayong India dahil sa pagkakalikha ng isa at maiging sistema ng pinansiya, pamamahala at seguridad. Pagkatapos ng Digmaang Kalinga, ang imperyo ay nakaranas ng kalahating siglong kapayapaan at seguridad sa ilalim ni Ashoka. Ang Mauryanong India ay nagtamasa rin ng panahon ng pagkakaisang panlipunan, pagbabagong panrelihiyon at paglawak ng mga agham at kaalaman. Ang pagyakap ni Chandragupta Maurya sa Jainismo ay nagpataas ng muling pagbabagong panlipunan at panrelihiyon at reporma sa buong lipunan samantalang ang pagyakap ni Ashoka sa Budismo ay naging saligan ng paghahari ng kapayapaang panlipunan at pampolitika at kawalang-karahasan sa buong India. Tinangkilik at itinaguyod ni Ashoka ang pagpapalaganap ng Budismo sa Sri Lanka, Timog silangang Asya, Kanlurang Asya at Europang Mediterraneo[3]

Ang populasyon ng imperyogn Maurya ay tinatayang mga 50 hanggang 60 milyong na gumagawa sa imperyong ito na isa sa pinakamataong mga imperyo sa panahong ito.[4][5]

Sa arkeolohiya, ang panahon ng pamumunong Mauryano sa Timog Asya ay nahuhulog sa mga kapanahunang Northern Black Polished Ware (NBPW). Ang Arthashastra at Mga kautusan ni Ashoka ang mga pangunahing sanggunian sa kapanahunang Mauryano. Ang Leong Kapital ni Ashoka sa Sarnath ang ginawang pambansang emblem ng India.

Ang mapa ng Imperyong Maurya sa panahon ng paghahari ni Asoka.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Kulke, Hermann; Rothermund, Dietmar (2004), A History of India, 4th edition. Routledge, Pp. xii, 448, ISBN 0-415-32920-5{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Thapar, Romila (1990), A History of India, Volume 1, New Delhi and London: Penguin Books. Pp. 384, ISBN 0-14-013835-8{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Rajadhyaksha, Abhijit (2009-08-02). "The Mauryas: Chandragupta". Historyfiles.co.uk. Nakuha noong 2012-03-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. The First Great Political Realist: Kautilya and His Arthashastra - Roger Boesche - Google Books. Books.google.co.in. Nakuha noong 2012-03-01.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Encyclopedia of population - Google Books. Books.google.co.in. Nakuha noong 2012-03-01.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)