Diyosesis ng San Pablo

diyosesis ng Simbahang Katolika sa Pilipinas

Ang Diyosesis ng San Pablo (English: Diocese of San Pablo,Latin:Dioecesis Sancti Pauli in Insulis Philippinis) isang diyosesis ng Katoliko Romano at isang supragan ng Arkidiyosesis ng Maynila. Ang patron nito ay si San Pablo, ang unang ermitanyo. Ito ang tanging diyosesis sa lalawigan ng Laguna.

Diyosesis ng San Pablo
Sancti Pauli in Insulis Philippinis
Kinaroroonan
NasasakupanLungsod ng San Pablo at Lalawigan ng Laguna
Lalawigang EklesyastikoArkidiyosesis ng Maynila
Kabatiran
RituRoman
Itinatag na
- Diyosesis

Nobyembre 28, 1966
KatedralKatedral ng San Pablo, Unang Ermitanyo
Kasalukuyang Pamunuan
PapaFrancisco
ObispoBuenaventura Famadico
Kalakhang ArsobispoLuis Antonio Tagle

LokasyonBaguhin

Ang diyosesis ay binubuo ng lungsod ng San Pablo at ng lalawigan ng Laguna. Ito ay napapaligiran ng Arkidyosesis ng Lipa at Diyosesis ng Lucena. Matatagpuan sa puso ng Lunsod ng San Pablo, ito ay ang tanging diyosesis sa Laguna.

KasaysayanBaguhin

Itinatag ni Juan de Salcedo bilang kaharian ng "Sampaloc". Ang mga paring Agustino ay nagtayo ng simbahan noong ikalabinganim na dantaon. At noong 1586 ito ay naitataga bilang isang parokya at tinawag na "Parokya ng San Pablo delos Montes". Taong 1910 nang ito ay naging bahagi ng Arkidiyosesis ng Lipa at noong Ika-28 ng Nobyembre, 1966 ito ay naging hiwalay na diyosesis bilang supragan ng Arkidiyosesis ng Maynila. Ika-18 ng Abril, 1967 naitalaga si Obispo Pedro N. Bantigue bilang unang obispo.

NasasakupanBaguhin

Sa kasalukuyan ang diyosesis ay may 80 na parokya (7 ay sa loob ng San Pablo City), 163 na mga pari at mga relihiyoso; may 43 institusyong Katoliko at 49 na naiulat na BEC at komunidad ng pananampalataya.

Kakulangan ng mga pariBaguhin

Dahil sa pagkakaroon ng kakulangan at pag-unti ng mga pari sa Diyosesis kaya ang ginawang solusyon ay ang pagbubukas ng isang mataas na paaralan na seminaryo noong 1968. Subalit ang seminaryong ito ay tumagal lamang ng labingtatlong taon. Taong 1981 ang seminaryo ng Saint Peter's College ay itinatag na matatagpuan sa Brgy. Concepcion, San Pablo.

Buhay Katoliko at Kasalukuyang sitwasyonBaguhin

Ang mga San Pableños ay itinuturing na mga taong mapagmahal sa Diyos. Maraming mga ministro nang simbahan ang lumalahok sa mga gawaing simbahan. Tuwing Linggo ang simbahan ay puno ng mga tao. Tinatayang umaabot sa 1,900,000 na tao ang nasasakupan nito. Sa ngayon sa bisa ng kautusan ni Papa Benedikto XVI ay itinalaga niyang obispo si Buenaventura Famadico.

Mga Panlabas na KawingBaguhin