Enûma Eliš

(Idinirekta mula sa Enuma Elish)

Ang Enûma Eliš (Kuneypormang Akkadiano: 𒂊𒉡𒈠𒂊𒇺) ang mito ng paglikha ng kabihasnang Babilonya. Ito ay natuklasan ni Austen Henry Layard noong 1849 sa anyong pragmentaryo sa nawasak na aklatan ni Ashurbanipal sa Nineveh (Mosul, Iraq) at inilimbag ni George Smith noong 1876. Ito ay naglalaman ng mga isang libong linya at itinala sa Lumang Babylonyo sa pitong putik na mga tableta na ang bawat isa ay naglalaman ng sa pagitan ng 115 at 170 mga linya ng teksto. Ang karamihan ng Tabletang V ay hindi natuklasan ngunit sa kabila ng lacuna na ito, ang teksto ay halos kumpleto. Ang kopya ng Tabletang V ay natagpuan sa Sultantepe sa matandang Huzirina na matatagpuan sa modernong bayan ng Şanlıurfa sa Turkey. Ang epikong ito ay pinakamahalagang pinagkukunan ng pagkaunawa sa pananaw pangmundo ng kabihasnang Babilonya na nakasentro sa pagiging suprema ng Diyos na si Marduk at ang paglikha ng sangkatauhan para sa paglilingkod sa mga Diyos. Gayunpaman, ang pangunahing layunin nito ay hindi ang paghahayag ng teolohiya o teogoniya kundi ang pagtataas kay Marduk na pangunahing Diyos ng Babilonya sa iba pang mga diyos ng Mesopotamia. Ang Enûma Eliš ay umiiral sa iba't ibang mga kopya mula sa Babilonya at Asirya. Ang bersiyon mula sa aklatan ni Ashurbanipal ay may petsang nagmumula sa ika-7 siglo BCE. Ang komposisyon ng teksto ay malamang nagmula sa panahong Tanso hangganang sa panahon ni Hammurabi o marahil ay sa simulang panahon ng Kassite(mga ika-19 hanggang ika-16 siglo BCE) bagaman ang ilang mga skolar ay pumapabor sa kalaunang petsa na ca. 1100 BCE.

Kaugnayan sa Bibliya

baguhin

Ang Enûma Eliš ay nakilala ng mga skolar na nagtataglay ng malapit na kaugnayan sa mito ng paglikha ayon sa Aklat ng Genesis sa Bibliya(Tanakh) ng mga Hudyo. Ang unang pagkakalimbag nito noong 1876 ang mahalagang hakbang sa pagkilala ng mga ugat ng salaysay na matatagpuan sa Bibliya sa sinaunang mito ng Sinaunang Malapit na Silangan(Cananeo at Mesopotamiano). Ang ilan sa mga pagkakatulad ng Enuma Elis at Aklat ng Genesis ang sumusunod:

  • Ang anim na araw ng paglikha sa Aklat ng Genesis ay tumutugma sa anim na henerasyon ng mga diyos sa Enuma Elis. Sa Enuma Elis, nilikha ng ikaanim na henerasyong diyos na si Marduk ang tao bilang alipin upang ang ibang mga diyos ay makapagpahinga. Sa Aklat ng Genesis, nilikha ni Elohim ang tao sa ikaanim na araw upang ang diyos ay magpahinga.
  • Ang Enuma Elis at Aklat ng Genesis ay parehong nagmumula sa isang yugto ng magulong katubigan bago ang paglikha ng anumang bagay. Sa parehong Enuma Elis at Aklat ng Genesis, ang isang nakapirmeng hugis domo(dome) na kalangitan(firmament) ay naghahati ng mga tubig mula sa matitirhang lupa.
  • Ang pagkakasunod nito ay tumutugma rin sa pagkakasunod ng paglikha sa Aklat ng Genesis: Ang simula ay isang kaguluhan, pagkatapos ay nilikha ang liwanag, pagkatapos ay nilikha ang kalangitan o firmament na isang domo, pagkatapos ay nilikha ang tuyong lupain, pagkatapos ay nilikha ang araw, buwan at mga bituin, pagkatapos ay nilikha ang tao at pagkatapos ay nagpahinga ang mga Diyos.

Tignan din

baguhin