Estasyon ng Himpilang Sentral ng LRT

ay isang himpilan sa Manila LRT Yellow Line (LRT-1)
(Idinirekta mula sa Estasyon ng Himpilang Sentral)

Ang Estasyon ng Himpilang Sentral ng LRT (Ingles: Central Terminal LRT station), na minsang tinawag na Estasyong Sentral ng LRT (Central LRT station) at Estasyong Arroceros ng LRT (Arroceros LRT station), ay isang estasyon sa Manila LRT (Unang Linya ng LRT). Katulad ng iba pang mga estasyon ng LRT-1, nakaangat sa lupa ang estasyong Himpilang Sentral. Matatagpuan ito sa distrito ng Ermita sa Maynila. Isang sikat na pangalan ng estasyon ay Arroceros, na mula sa pangalan ng Kalye Arroceros na kung saang matatagpuan ang estasyon. Ang kinalalagyan ng estasyon ay isang dating kinalalagyan ng isang planta ng pagpo-proseso ng yelo na kilala noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano.

 Himpilang Sentral
Central Terminal 

Sistema ng Magaang Riles Panlulan ng Maynila
LRT Central Terminal.jpg
Estasyong Himpilang Sentral
Estadistika ng estasyon
Direksiyon Arroceros Street, Ermita, Maynila
Linya Unang Linya ng LRT
Istruktura Biyadukto
Plataporma Gilid ng plataporma
Riles 2
Iba pang impormasyon
Binuksan Mayo 12, 1985
Kodigo CT
Pagmamay-ari ng Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon
Light Rail Transit Authority
Mapa
Unang Linya ng LRT
aprobadong
pagpapahaba
North Avenue  MRT-3 
Roosevelt
Balintawak
North Luzon
Expressway
Malvar
Monumento
5th Avenue
R. Papa
Abad Santos
Blumentritt  PNR 
Tayuman
Bambang
Doroteo Jose  MRT-2 
Carriedo
Ilog Pasig
Central Terminal
United Nations
Pedro Gil
Quirino
Vito Cruz
Gil Puyat
Libertad
EDSA  MRT-3 
Silungan
Baclaran
Redemptorist
planadong pagpapahaba
Manila International AirportNinoy Aquino International Airport
Asia World
Ninoy Aquino
Dr. Santos
Manuyo Uno
Las Piñas
Zapote
Talaba
Niog
Serbisyo
Huling estasyon   Manila LRT   Susunod na estasyon
toward Roosevelt
LRT-1
toward Baclaran

Ang Himpilang Sentral ay ang huling estasyon ng Unang Linya ng LRT sa timog ng Ilog Pasig at nagsisilbi bilang pansiyam na estasyon para sa mga treng patungo sa Roosevelt at ang panlabing-dalawang estasyon para sa mga treng patungo sa Baclaran.

Mapapansin na ang Himpilang Sentral ay isa sa apat na mga estasyon sa buong sistema ng Unang Linya ng LRT na nagpapahintulot sa mga mananakay na kumuha ng isang treng papunta sa salungat na direksiyon nang hindi na kailangang magbayad ng bagong pasahe dahil sa pagkakaayos ng himpilan; ang tatlong ibang mga estasyon ay Carriedo, Balintawak at Roosevelt.

Labas ng Estasyon ng Himpilang Sentral

Mga nilalaman

Mga kalapit na pook-palatandaanBaguhin

Malapit ang Estasyong Sentral sa ilang mga kilalang pook-palatandaan ng Maynila, tulad ng Mga Hardin ng Mehan at ang Tanghalang Pangkalakhan ng Maynila. Malapit din ito sa Gusaling Panlungsod ng Maynila, Punong Tanggapan ng Koreo ng Maynila, Bulwagan ng Katarungan ng Maynila, Liwasang Bonifacio at ang Pambansang Museo ng Sining. Magiging masaya rin ang mga mamimili dahil sa kalapit na SM City Manila.

Dahil sa kinaroroonan nito sa Sinturon ng mga unibersidad ng Maynila, malapit ang estasyon sa mga institusyong pan-edukasyon tulad ng Colegio de San Juan de Letran, Pamantasang Normal ng Pilipinas, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila na pag-aari ng lungsod, Unibersidad ng Mapúa at Pamantasang Liseo ng Pilipinas. Maliban sa Pamantasang Normal ng Pilipinas, lahat ng mga institusyong ito ay nasa loob ng mga pader ng Intramuros.

Mga kawing pangpanlalakbayBaguhin

Dahil sa pangalan nito, ang Himpilang Sentral ay isang pangunahing sentro ng transportasyon para sa mga mananakay ng LRT-1. Malapit sa estasyon ang isang terminal ng bus na dumadaan sa rutang Abenida Taft. Makakakuha rin ang mga mananakay ng mga taksi, dyipni at sasakyang de-padyak papunta at mula sa estasyon. Malapit din ang Estasyong Lawton ng Pasig River Ferry Service.

Pagkakaayos ng estasyonBaguhin

L3
Mga plataporma
Gilid ng plataporma, magbubukas ang mga pintuan sa kanan
Plataporma A Unang Linya ng LRT patungong Roosevelt
Plataporma B Unang Linya ng LRT patungong Baclaran
Gilid ng plataporma, magbubukas ang mga pintuan sa kanan
L2 Lipumpon Mga faregate, bilihan ng tiket, sentro ng estasyon
L1 Daanan Mga tindahan, Aklatang Panlungsod ng Maynila, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Kagawaran ng Katarungan, Kagawaran ng Edukasyon, Komisyon sa Halalan

Tingnan dinBaguhin