Ang Eunoia ang pinakamaikling salitang Ingles na naglalaman ng lahat ng patinig. Ito ay nagmula sa salitang Griyegong εὔνοια, na nangangahulugang "magandang pagiisip". Ito rin ay ginagamit paminsan sa larangan ng medisina patukoy sa normal na estado ng kalusugang pang-isipan.

Sa retorika, ang eunoia ay ang mabuting hangaring nililinang ng tagapagsalita sa kanyang manonood, isang kondisyon ng kahandaang tumanggap. Sa ika-walong libro ng Nicomachean Ethics, gumamit si Aristoteles ng isang salitang sumasangguni sa mabuti't mapagkawanggawang damdamin ng matapat na kaloobang mayroon ang isang asawa na siyang bumubuo sa basehan ng wastong batayan ng buhay ng tao. Isinasalin ni Ciceron sa Latin ang eunoia sa salitang "benevolentia".

baguhin
  • Ang Eunoia ay likha ng isang makata na si Christian Bök na naglalaman ng limang kabanata kung saan bawa't isa'y gumagamit ng iisang patinig lamang.
  • Sa seryeng pantelebisyon na "Earth: Final Conflict", Eunoia ang ibinigay na pangalan sa inang-wika ng lahing Taelon. Si Bök ay isang kasangguni sa seryeng iyon at siyang tumulong sa paglinang ng naturang lengguwahe.

Eunoia: Ang Libro

baguhin

Ito ay isang libro ng makatang taga-Canada na si Christian Bök na naglalaman ng mga kabanatang isinulat gamit ang mga salitang limitado sa iisang patinig. Ang librong ito ay nailathala noong 2001 ng Coach House Books.

Sa pangunahing bahagi ng libro, ang bawat kabanata ay gumagamit ng iisang patinig lamang. Halimbawa (sa Ingles) ay ito:

Awkward grammar appals a craftsman. A Dada bard as daft as Tzara damns stagnant art and scrawls an alpha (a slapdash arc and a backward zag) that mars all stanzas and jams all ballads (what a scandal).

Sa pabalat nito ay itinatampok ang kromatikong pagsasakatawan ng soneto ni Arthur Rimbaud na "Voyelles" kung saan bawat patinig ay nakatakda sa isang partikular na kulay at ang mga katinig ay ipinapakitang kulay-abo.

Napanalunan nito ang 2002 Canadian Griffin Poetry Prize at ang Canongate Books ay nagpalimbag ng British edisyon noong 2008. Ang librong ito ay tinangkilik sa UK kaya naman ito ay nakasali la listahan ng Top 10 na libro ayon sa The Times at naging pinakamabentang libro ng mga tula sa Britanya. Naniniwala ang may akda na "ang kanyang libro ay isang patunay na bawat patinig ay mayroong sariling personalidad, at nagpapakita ng kakayahang makiayon at mabago ng wikang Ingles."