Florence Kelley
Si Florence Kelley (Setyembre 12, 1859 – Pebrero 17, 1932) ay isang Amerikanang repormistang panlipunan at pampulitika. Naging aktibo siya sa kilusan na ukol sa pabahay at sakop na lupa (settlement house movement). Pinamunuan niya ang masulong na mga reporma sa mga kalagayang pangmanggagawa para sa kababaihan at mga bata.[1] Laban siya sa mga "pabrika ng pawis" o mga sweatshop, mga pabrika na karaniwang pagawaan ng mga damit kung saan ang mga manggagawa ay kumikita lamang ng napakababang sahod habang nagtatrabaho nang mahahabang oras at nasa mga kalagayang kalugmok-lugmok. Ipinaglaban niya ang karapatan ng mga manggagawa na makatanggap ng minimum wage (pinakamababang pasahod na naaayon sa batas), pagtatrabaho nang walong oras lamang sa loob ng isang araw,[2] at mga karapatan ng mga bata[3] na malawakang kinikilala sa kasalukuyang panahon. Magmula sa pagkakatatag ng National Consumers League (Pambansang Liga ng mga Tagakonsumo) noong 1899, naglingkod sa Kelley bilang unang pangkalahatang kalihim ng ligang ito. Noong 1909, tumulong si Kelley sa paglikha ng National Association for the Advancement of Colored People (NAACP, "Pambansang Asosasyon para sa Pagsulong ng mga Taong May Kulay").
Florence Kelley | |
---|---|
Kapanganakan | 12 Setyembre 1859 |
Kamatayan | 17 Pebrero 1932 | (edad 72)
Trabaho | Amerikanang repormistang panlipunan |
Asawa | Lazare Wischnewetzky |
Magulang | William D. Kelley at Caroline Bartram-Bonsall |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R113.
- ↑ Kathryn Kish Sklar, "Florence Kelley", Women Building Chicago, 1790-1990: A Biographical Dictionary, Rima Lunin Schultz and Adele Hast, mga patnugot., Indiana University Press, Bloomington, Indiana, 2001, p. 463
- ↑ Margolin, C.R. (1978) "Salvation versus Liberation: The Movement for Children's Rights in a Historical Context," Social Problems. 254. (Abril), pp. 441-452