Network ng daloy
Sa teoriya ng grapo, ang flow network o network ng daloy ay isang may direksiyong grapo kung saan ang bawat gilid ay may isang kapasidad at ang bawat gilid ay tumatanggap ng daloy. Ang halaga ng daloy sa isang gilid ay hindi lumalagpas sa kapasidad ng gilid. Kadalasan, sa pagsasaliksik ng mga operasyon, ang may direksiyong grapo ay tinatawag na isang network, ang mga berteks ay tinatawag na mga nodo at ang mga gilid ay tinatawag na mga arko o arc. Ang isang daloy ay dapat sumapat sa restriksiyon na ang halaga ng daloy tungo sa isang nodo ay katumbas ng halaga ng daloy na lumalabas dito malaiban kung ito ay isang source na may mas maraming lumalabas na daloy o sink na may mas maraming pumapasok na daloy. Ang isang network ay maaaring gamitin upang imodelo ang trapiko sa isang kalye, mga pluido sa mga tubo, mga kuryente sa sirkito at iba pa.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.