Panghuhuwad

(Idinirekta mula sa Forgery)

Ang panghuhuwad o pagpapalsipika ay ang proseso ng paggawa, adaptasyon, o paggaya ng mga bagay, estadistika, o dokumento kasama ang tangkang manlinlang para sa kapakanan ng pagbago ng pagkaunawa ng publiko, o upang kumita sa pamamagitan ng pagbenta ng mga huwad na gamit. Ang mga kopya, sipi (replica) at reproduksyon ay hindi tinuturing na panghuhuwad, bagaman sa kalaunan, maari din maging panghuhuwad sa pamamagitan ng alam at sinadyang misrepresentasyon.

Sa Ingles, tinatawag na counterfeiting ang pamemeke o panghuhuwad ng salapi o pananalapi. Ngunit ang mga produktong pang-mamimili ay maaari din tawaging mga counterfeit kung ang mga ito ay hindi ginawa ng talagang prodyuser na malaman sa tatak nito o tatak-pangkalakal (trademark). Tinatawag na palsipikadong dokumento ang isang tala o dokumentong huwad.