Ang ginintuang trutsa (Ingles: golden trout ; pangalang pang-agham: Oncorhynchus aguabonita) ay isang espesye ng trutsa na itinuturing bilang isang kabahaging espesye ng trutsang bahaghari. Malapit nitong kahawig ang bata pang trutsang bahaghari. Ang isdang ito ay nakikilala rin bilang ginintuang trutsa ng California (California Golden Trout) at katutubo sa Golden Trout Creek (Ilat o Sapa ng Ginintuang Trutsa), Volcano Creek at South Fork Kern River. Isa pang baryante, ang O. m. whitei, ay makasaysayang matatagpuan lamang sa Little Kern River subalit matatagpuan na ngayon sa iba pang kalapit na mga sapa rin. Ang trutsang ginintuan ay pangkaraniwang matatagpuan sa mga elebasyong 10,000 talampakan (3,000 m) na angat sa antas ng dagat, at katutubo sa California. Dating nakalagay sa espesyeng Oncorhynchus aguabonita, karamihan sa mga taksonomista ngayon ang nag-uuri sa ginintuang trutsa bilang kabahaging espesye ng trutsang bahaghari (Oncorhynchus mykiss,[1][2] na naglalagay sa isdang ito sa piling ng ilang mga kabahaging espesye na karaniwang nakikilala bilang trutsang may pulang paha (Ingles: redband trout; pangalang pang-agham: Oncorhynchus mykiss ssp.).

Trutsang ginintuan
Katayuan ng pagpapanatili
Di sinuri (IUCN 3.1)
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
O. aguabonita
Pangalang binomial
Oncorhynchus aguabonita
(D. S. Jordan, 1892)

Paglalarawan

baguhin

Ang ginintuang trutsa ay mayroong ginintuang biyas (apad o tagiliran) na may mga pahang pula at pahalang sa kahabaan ng mga guhit na pagilid sa bawat isang gilid at tinatayang 10 madirilim, patayo, at tabas-itlog na mga marka (tinatawag na mga "markang parr") sa bawat gilid. Ang mga palikpik sa palaypay ng likod, sa gilid, at sa puwitan ay may mapuputing mga pangunahing mga talim o bingit. Sa katutubo nilang mga tirahan, ang mga adulto ay humahangga magmula 6–12 pulgada (15–30 cm) ang haba. Ang mga isdang mahigit sa 10 pulgada (25 cm) ay itinuturing na malaki. Ang ginintuang trutsa na inilipat sa mga lawa ay naitalang nagkaroon ng umaabot sa 11 lb (5 kg) ang timbang. Ang rekord na pangmundo na ginintuang trutsa ay nahuli ni Charles S. Reed, noong Agosto 5, 1948, mula sa Lawang Cook sa Wind River Range, na may 28 pulgada (70 cm) ang haba at tumitimbang ng 11.25 lb (5.1 kg).[3] Ang tamang temperatura ng tubig para sa isdang ito ay 58–62 °F (14–17 °C).[kailangan ng sanggunian]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Oncorhynchus aguabonita". Integrated Taxonomic Information System. Nakuha noong 24 Enero 2006.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Oncorhynchus aguabonita". FishBase. Ed. Ranier Froese and Daniel Pauly. Pebrero 2012 version. N.p.: FishBase, 2012.
  3. Wyoming Game and Fish Department (http://gf.state.wy.us/fish/fishing/stats/records/index.asp Naka-arkibo 2009-03-15 sa Wayback Machine.)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Isda ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.