Langgam

pamilya ng mga insekto
(Idinirekta mula sa Guyam)

Ang mga langgam o guyam[1] ay mga eusocial na insekto ng pamilyang Formicidae at, kasama ng mga magkakaugnay na putakti at bubuyog, ay nabibilang sa orden na Hymenoptera. Lumilitaw sa fossil record ang mga langgam sa iba't-ibang mga panig ng mundo nang may dibersidad na konsiderable noong pinakahuling Early Cretaceous at noong pinakamaagang Late Cretaceous, na nagpapahiwatig na maaaring may mas maaga pang pinagmulan. Nag-ebolb ang mga langgam mula sa mga ninuno na mga vespoid na putakti noong panahong Cretaceous, at mas lalong nagdiversify pagkatapos ng paglago ng mga halamang namumulaklak. Naiklasipika na ang higit pa sa 13,800 ng tinatayang kabuoan na 22,000 mga espesye. Madali silang matukoy sa kanilang mga geniculate (elbowed) na antena at ang natatanging estruktura na parang node na bumubuo sa kanilang mga baywang na baling-kinitan.

Langgam
Meat eater ant feeding on honey02.jpg
Karniborong langgam (meat eater ant) na nanginginain ng pulot
Katayuan ng pagpapanatili
NAR
Klasipikasyong pang-agham e
Kaharian: Animalia
Kalapian: Arthropoda
Hati: Insecta
Orden: Hymenoptera
Superpamilya: Formicoidea
Pamilya: Formicidae
Latreille 1809
Mga subpamilya
Langgam na galing sa Mt. Isarog
Isang kolonya ng mga langgam sa mga dahon.
isang spy na langgam
Mga masisipag na langgam sa dapit hapon

Dulot ng asidong pormiko, na tinuturok o ini-iniksiyon ng langgam kapag nangangagat, ang hapding sanhi ng kagat ng langgam. Sa Latin, formica ang katawagan para sa langgam.[2]

AntasBaguhin

  • Sila ay mga artropodang may anim na paa, dalawang mata at dalawang antena sa ulo.

Tingnan dinBaguhin

Mga sanggunianBaguhin

  1. English, Leo James, Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
  2. Robinson, Victor, pat. (1939). "Ant bite". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 38.

Mga kawing panlabasBaguhin