Pangkat (matematika)

(Idinirekta mula sa Hanay (matematika))

Sa matematika, ang isang pangkat (Ingles: set) ay isang koleksyon ng mga natatanging elemento.[1][2][3] Maaring kahit anumang bagay ang mga elementong binubuo ng isang pangkat: mga tao, mga titik ng alpabeto, mga bilang, mga punto sa espasyo, mga guhit, mga hugis pang-heometriya, mga baryabol, o kahit ibang mga pangkat.[4] Magkatumbas ang dalawang pangkat kung at kung lamang sila ay mayroong tumpak na mga parehong elemento.[5]

Isang pangkat ng mga poligono sa isang Diagramang Euler

Nasa lahat ng dako ng makabagong matematika ang mga pangkat. Sa katunayan, ang teorya ng pangkat, mas partikular ang teorya ng pangkat ng Zermelo–Fraenkel, ay naging pamantayang paraan upang magbigay ng mahigpit na mga pundasyon para sa lahat ng sangay ng matematika simula pa noong unang kalahati ng ika-20 dantaon.[4]

Mga sanggunianBaguhin

  1. P. K. Jain; Khalil Ahmad; Om P. Ahuja (1995). Functional Analysis (sa wikang Ingles). New Age International. pa. 1. ISBN 978-81-224-0801-0.
  2. Samuel Goldberg (1 Enero 1986). Probability: An Introduction (sa wikang Ingles). Courier Corporation. pa. 2. ISBN 978-0-486-65252-8.
  3. Thomas H.. Cormen; Thomas H Cormen; Charles E Leiserson; Ronald L Rivest; Clifford Stein (2001). Introduction To Algorithms (sa wikang Ingles). MIT Press. pa. 1070. ISBN 978-0-262-03293-3.
  4. 4.0 4.1 Halmos 1960, p. 1.
  5. Stoll, Robert (1974). Sets, Logic and Axiomatic Theories (sa wikang Ingles). W. H. Freeman and Company. mga pa. 5.


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.