Hilario Lara
Si Doktor Hilario Lara ( Enero 15 , 1894 - Disyembre 18 , 1987) ay kinikilala bilang ang Ama ng Modernong Pampublikong Pangkalusugan sa Pilipinas,
Trabaho at mga Kontribusyon
baguhinSi Dr. Hilario Lara ay kinilala bilang tagapagtaguyod sa mga pananaliksik sa kalusugan ng publiko sa Pilipinas. Inilaan niya ang higit sa limang dekada ng kanyang buhay sa pag-aaral at paglalapat ng kaalaman hinggil sa epidemiyolohiya, pag-iwas, at pagkontrol sa mga epidemya tulad ng cholera, typhoid, lagnat, disentery, tigdas, at dipterya sa bansa.
Bilang isang kilalang mediko, si Dr. Lara ay nagtatag din ng Institute of Public Health, Unibersidad ng Pilipinas. Isinaayos din niya ang unang medikal na silid-aklatan sa bansa at nagtatag ng mga Community Health Demonstration Center sa buong bansa.
Para sa kanyang pagsisikap, si Dr. Lara ay nakatanggap ng maraming mga pagkilala, kasama ang isang Plaque of Honor mula sa Bureau of Health noong 1959, at ang Aurora Aragon Gold Medal of Merit mula sa Philippine National Red Cross noong 1959. Siya ay ipinagkaloob bilang isang Pambansang Alagad ng Agham noong 1985 ni Dating Pangulong Ferdinand Marcos