Tao

karaniwang pangalan ng Homo sapiens, espesye na walang katulad ng pamilyang Homo
(Idinirekta mula sa Homo sapiens sapiens)

Ang tao (Homo sapiens) ay isang hayop na primado ng pamilyang Hominidae, at ang tanging nabubuhay na espesye ng henus na Homo.[3][4][5] Ang mga tao ay nagmula sa Aprika kung saan ang mga ito ay umabot sa pagiging moderno sa anatomiya nito mga 200,000 taon ang nakalilipas at nagsimulang magpakita ng buong pagiging moderno sa pag-aasal mga 50,000 taon ang nakalilipas.[6] Ang lipi ng tao ay nag-na diberhente mula sa huling karaniwang ninuno kasama ng pinaka-malapit na nabubuhay nitong kamag-anak na chimpanzee mga limang milyong taon ang nakalilipas na nag-ebolb sa Australopithecines at kalaunan ay sa henus Homo.[7] Ang unang espesyeng Homo na lumisan sa Aprika ang Homo erectus na uring Aprikano na kasama ng Homo heidelbergensis ay itinuturing na agarang ninuno ng mga modernong tao.[8][9] Nagpatuloy na sakupin o ikolonisa ng mga Homo sapiens ang mga kontinente na dumating sa Eurasya noong 125,000 hanggang 60,000 taon ang nakalilipas,[10][11] sa Australia noong mga 40,000 taon ang nakalilipas, sa Amerika mga 15,000 taon ang nakalilipas at sa mga malalayong isla gaya ng Hawaii, Easter Island, Madagascar, atNew Zealand sa pagitan ng mga taong 300 CE at 1280 CE.[12][13] Noong mga 12,000 taon ang nakalilipas, ang mga tao ay nagsimulang magsanay ng sedentaryong agrikultura na domestikasyon ng mga halaman at hayop na pumayag para sa paglago ng kabihasnan. Ang tao ay kalaunang nagtatag ng iba't ibang mga anyo ng pamahalaan, relihiyon at kultura sa buong mundo na nagpaisa ng mga tao sa loob ng isang rehiyon at tumungo sa pagpapaunlad ng mga estado at imperyo. Ang mabilis na pag-unlad ng pagkaunang pang-agham at medikal noong ika-19 at ika-20 siglo ay tumungo sa pagpapaunlad ng mga pinapatakbo ng gatong(fuel) na mga teknolohiya at napabuting kalusugan na nagsanhi sa populasyon ng tao na tumaas ng eksponensiyal. Sa pagkalat sa bawat kontinente maliban sa Antarctica, ang mga tao ay isang kosmopolitanng espesye at sa 2012, ang populasyon ng daigdig ay tinatayang mga 7 bilyon.[14][15] Ang mga tao ay inilalarawan sa pagkakaroon ng malaking utak na relatibo sa sukat ng katawan nito na may isang partikular na mahusay na neokorteks, preprontal na korteks at lobong temporal na gumagawa sa mga ito na may kakayahan sa pangangatwirang abstrakto, wika, instrospeksiyon, paglutas ng problema at kultura sa pamamagitan ng pagkatutong panlipunan. Ang kakayahang pang-isip na ito na sinamahan ng pag-aangkop sa lokomosyong bipedal na nagpapalaya sa mga kanya sa pagmamanipula ng mga bagay ay pumayag sa mga to na gumawa ng mas higit na paggamit ng kasangkapan kesa sa anumang mga ibang nabubuhay na espesye ng daigdig. Ang mga tao ang mga tanging nabubuhay na espesye ng hayop na alam na makagagawa ng apoy at pagluluto gayundin ang tanging mga espesyeng makapagdadamit sa kanilang at lumikha at gumamit ng maraming ibang mga teknolohiya at mga sining. Ang pag-aaral ng mga tao ang disiplinang pang-agham na antropolohiya. Ang mga tao ay walang katulad na labis na may kasanayan sa paggamit ng mga sistema ng komunikasyong simboliko gaya ng wika para sa paghahayag ng sarli, ang pagpapalit ng mga ideya at organisasyon. Ang mga tao ay lumilikha ng mga komplikadong mga istrakturang panlipunan na binubuo ng maraming mga nakikipagtulungan at nakikipagtunggaling mga pangkat mula sa pamilya at ugnayang kamag-anak hanggang sa mga estado. Ang mga interaksiyong panlipunan sa pagitan ng mga tao ay naglatag ng isang sukdulang maluwag na uri ng mga halaga, mga asal panlipunan, at mga ritwal na ang magkakasamang ang bumubuo ng basehan ng lipunang pantao. Ang mga tao ay kilala sa pagnananis ng mga ito na maunawaan at maimpluwensiyahan ang kapaligiran nito na naghahangad na ipaliwag at imanipula ang phenomena sa pamamagitan ng agham, pilosopiya, mitolohiya at relihiyon.

Tao[1]
Temporal na saklaw: 0.195–0 Ma
Pleistoseno-Kamakailan
Mga taong mula sa Timog Silangang Asya
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham edit
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Mammalia
Orden: Primates
Suborden: Haplorhini
Infraorden: Simiiformes
Pamilya: Hominidae
Subpamilya: Homininae
Tribo: Hominini
Sari: Homo
Espesye:
H. sapiens
Pangalang binomial
Homo sapiens
Linnaeus , 1758
Subspecies

Homo sapiens idaltu White et al., 2003
Homo sapiens sapiens

Sakop ng Homo sapiens (luntian)
Kasingkahulugan

Kasaysayan ng tao

baguhin

Ebolusyon

baguhin

Ang siyentipikong pag-aaral ng ebolusyon ng tao ay nag-aaral ng pag-unlad ng henus na Homo na nagsasagawa ng rekonstruksiyon ng diberhensiyang ebolusyonaryo ng lipi ng tao mula sa ibang mga hominini(na pinagsasaluhang ninuno ng mga tao at mga chimpanzee), mga hominid(dakilang mga ape) at mga primado. Ang mga modernong tao ay inilalarawan bilang kabilang sa espesyeng Homo sapiens na sa spesipiko ay sa isang umiiral sa kasalukuyang subespesyeng Homo sapiens sapiens.

Ebidensiya mula sa biolohiyang molekular

baguhin
 
Isang puno ng pamilya na nagpapakita ng mga umiiral sa kasalukuyang hominoid: mga tao (henus Homo), mga chimpanzee at bonobos (henus Pan), mga gorilya (henus Gorilla), mga orangutan (henus Pongo), at mga gibbon (apat na henera ng pamilyang Hylobatidae: Hylobates, Hoolock, Nomascus, at Symphalangus). Ang lahat ng mga ito maliban sa mga gibbon ay mga hominid.

Ang pinaka-malapit na nabubuhay na mga kamag-anak ng mga tao ang mga gorilya at mga chimpanzee.[16] Sa pagsesekwensiyang henetiko ng parehong genome ng tao at chimpanzee, ang kasalukuyang mga pagtatantiya ng pagkakatulad ng mga sekwensiyang DNA ng mga tao at chimpanzee ay sa pagitan ng 95% at 99%.[16][17][18] Sa pamamagitan ng paggamit ng pamamaraang tinatawag na orasang molekular na nagtatantiya ng panahong kinakailang para sa bilang diberhenteng mutasyon na matipon sa pagitan ng dalawang mga lipi, ang tinatayang petsa para sa paghihiwalay sa pagitan ng mga lipi ay makukwenta. Ang mga gibbon (hylobatidae) at mga orangutan (henus Pongo) ang mga unang pangkat na humiwalay mula sa linyang ebolusyon na tumutungo sa mga tao at pagkatapos ay mga gorilya(henus gorilla) na sinundan ng mga chimpanzee at mga bonobo(henus Pan). Ang petsang paghihiwalay sa pagitan ng mga liping tao at chimpanzee ay inilagay sa mga 4 hanggang 8 milyong taon ang nakalilipas sa epoch na Mioseno.[19][20][21]

Ebidensiya mula sa fossil rekord

baguhin

May kaunting ebidensiya ng fossil para sa diberhensiya ng mga liping gorilya, chimpanzee at hominin.[22][23] Ang pinaka-unang mga fossil na iminungkahing mga kasapi ng liping hominin ang Sahelanthropus tchadensis na may petsang mula 7 milyong taon ang nakalilipas, ang Orrorin tugenensis na may petsang mula 5.7 milyong taon ang nakalilipas at ang Ardipithecus kadabba na may petsang 5.6 milyong taon ang nakalilipas. Ang bawat isa sa mga ito ay ikinatwirang ninunong bipedal ng kalaunang mga hominin ngunit sa bawat mga kaso, ang mga pag-aangkin ay tinutulan. Posibleng alinman sa mga espesyeng ito ang mga ninuno ng isa pang sanga ng mga Aprikanong ape o ang mga ito ay kumakatawan sa isang pinagsaluhang ninuno sa pagitan ng mga hominin at iba pang mga ape. Ang tanong ng relasyon sa pagitan ng mga sinaunang espesyeng fossil na ito at ng mga liping hominin ay nilulutas pa rin. Mula sa mga sinaunang espesyeng ito, ang Australopithecines ay lumitaw sa fossil rekord mga 4 milyong taon ang nakalilipas at nag-diberhente sa mga sangang matipunong austrolapithecine(na tinatawag ring Paranthropus) at matikas na austrolapithecine na ang isa(na posibleng ang A. garhi )ay nagpatuloy na maging mga ninuno ng henus na Homo. Ang pinaka unang mga kasapi ng henus na Homo ang Homo habilis na nag-ebolb noong mga 2.3 milyong taon ang nakalilipas. Ang Homo habilis ang unang espesye na may mga positibong ebidensiya ng paggamnit ng mga kasangkapang bato. Ang mga utak ng mga sinaunang hominin na ito ay tulad ng sukat ng sa chimpanzee at ang pangunahing pag-aangkop ng mga ito ang bipedalismo(dalawang paa) bilang pag-aangkop sa pamumuhay pang-lupain. Sa sumunod na milyong mga taon, ang isang proseso ng ensepalisasyon ay nagsimula at sa pagdating fossil rekord ng Homo erectus, ang kapasidad na pang-bungo ay dumoble. Ang Homo erectus ang unang hominina na lumisan sa Aprika at ang mga espesyeng ito ay kumalat sa Aprika, Asya at Europa sa pagitan ng 1.3 hanggang 1.8 milyong taon ang nakalilipas. Ang isang populasyon ng H. erectus na minsan ring inuuri bilang isang hiwalay na espesyeng Homo ergaster ay nanatili sa Aprika at nag-ebolb sa Homo sapiens. Pinaniniwalaang ang mga espesyeng ito ang una na gumamit ng apoy at mga komplikadong kasangkapan. Ang pinaka unang mga fossil na transisyonal sa pagitan ng H. ergaster/erectus at '' Archaic H. sapiens ay mula sa Aprika gaya ng Homo rhodesiensis ngunit ang mga tila anyong transisyonal ay natagpuan rin sa Dmanisi, Georgia. Ang mga inapo ng mga Aprikanong H. erectus na ito ay kumalat sa buong Eurasya mula ca. 500,000 taon ang nakalilipas at nag-ebolb sa H. antecessor, H. heidelbergensis atH. neanderthalensis. Ang pinaka unang mga fossil ng anatomikong modernong mga tao ay mula sa Gitnang Paleolitiko gaya ng mga labing Omo ng Ethiopiya. Ang mga kalaunang mga fossil mula sa Skhul sa Israel at Katimugang Europa ay nagsimula noong mga 90,000 taon ang nakalilipas.

Mga pag-aangkop na pang-anatomiya

baguhin

Ang ebolusyon ng tao ay inilalarawan ng isang bilang ng mga pagbabagong morpolohikal, pang pag-unlad, pisiolohikal at pang-asal na nangyari simula ng paghihiwalay sa pagitan ng huling karaniwang ninuno ng mga tao at chimpanzee. Ang pinaka mahalaga sa mga pag-aangkop(adaptations) na ito ang bipedalismo, lumaking sukat ng utak, humabang ontoheniya(hestasyon at pagiging sanggol) at nabawasang dimorpismong seksuwal. Ang relasyon sa pagitan ng lahat ng mga pagbabagong ito ay paksa ng nagpapatuloy na debate ng mga siyentipiko.[24] Ang iba pang mahalagang mga pagbabagong morpolohikal ay kinabibilangan ng malakas at tumpak na paghawak na isang pagbabagong unang nangyari sa Homo erectus.[25] Ang bipedalismo o paglakad gamit ang dalawang paa ang basikong pag-aangkop ng linyang Hominin at itinuturing na pangunahing sanhi sa likod ng isang hanay ng mga pagbabagong pang-kalansay na pinagsasaluhan ng lahat ng mga bipedal na hominin. Ang pinaka unang Hominin na bipedal ay itinuturing na ang Sahelanthropus[26] o ang Orrorin. Ang Ardipithecus na isang buong bipedal ay kalaunang dumating. Ang mga naglalakad gamit ang bukod(gorilya at chimpanze) ay nag-diberhente sa mga parehong panahon at maaaring ang Sahelanthropus o ang Orrorin ang huling pinagsasaluhang ninuno ng tao sa gorilya at chimpanzee. Ang mga sinaunang bipedal ay kalaunang nag-ebolb sa Australopithecines at kalaunan ay sa henus na Homo. May ilang mga teoriya ng halagang pag-aangkop ng bipedalismo. Posibleng ang bipedalismo ay pinaboran dahil ito ay nagpalaya sa mga kamay sa pag-aabot at pagdadala ng pagkain, dahil ito ay nagtipid ng enerhiya sa lokomosyon, dahil pumayag sa mahabang distansiyang pagtakbo at pangangaso o isang stratehiya sa pag-iwas ng hipertermiya sa pamamagitan ng pagbabawas ng surpasiyong nalalantad sa direktang araw. Ang espesye ng tao ay nagpaunlad ng isang mas malaking utak kesa sa ibang mga primado na tipikal ay 1,330 cc sa mga modernong tao na higit dalawang beses ng sukat ng isang chimpanzee o gorilya.[27] Ang paterno ng ensepalisasyon ay nagsimula sa Homo habilis na sa tinatayang 600 cc ay may isang utak na katamtamang mas malaki sa utak ng chimpanzee, Ang ensepalisasyong ito ay nagpatuloy sa Homo erectus (800-1100 cc) at umabot sa pinakamataas sa mga Neandertal na may aberaheng sukat ng 1200-1900cc na mas malaki kahit sa mga Homo sapiens. Ang paterno ng pagkatapos ng kapanganakang paglago ng utak ay iba mula sa ibang mga ape(heterokroniya) at pumapayag para sa tumagal na panahong pagkatutong panlipunan at pagkakamit ng wika sa mga batang tao. Gayunpaman, ang mga pagkakaiba ng istraktura ng utak ng tao at sa ibang mga ape ay maaaring mas mahalaga kesa sa mga pagkakaiba sa sukat.[28][29][30][31] Ang pagtaas sa bolyum ng utak sa paglipas ng panahon ay umapekto sa iba't ibang mga area sa utak ng hindi pantay. Ang lobong temporal na naglalaman ng mga sentro para sa pagpoproseso ng wika ay tumaas ng hindi proporsiyonal gayundin ang preprontal na korteks na nauugnay sa komplikadong pagggawa ng desisyon at nagpapagaan ng pag-aasal ng panlipunan.[27] Ang ensepalisasyon ay naiugnay sa tumataas na pagbibigay diin sa diyeta[32][33] o sa pag-unlad ng pagluluto,[34] at iminungkahi na ang katalinuhan ay tumaas bilang tugon sa tumaas na pangangailangan para sa paglutas ng mga problemang panlipunan habang ang lipunang pantao ay naging mas masalimuot. Ang nabawasang digri ng dimorpismong seksuwal ay pangunahing makikita sa isang pagbabawas ng ngiping kanino ng lalake relatibo sa ibang mga epesye ng ape(maliban sa mga gibbon). Ang isa pang mahalagang pagbabagong pisiolohikal na nauugnay sa seksuwalidad ng tao ang ebolusyon ng tagong estrus. Ang mga tao ang tanging mga ape kung saan ang babae nito ay mapupunlayan sa buong taon kung saan ay walang mga espesyal na hudyat ng pertilidad na nalilikha ng katawan gaya ng pamamaga ng organong seksuwal sa estadong estrus. Gayunpaman, ang mga tao ay nagpapanatili ng isang digri ng dimorpismong seksuwal sa distribusyon ng buhok ng katawan at taba sa balat at sa kabuuang sukat na ang mga lalake ay mga 25% mas malaki kesa mga lalake. Ang mga pinagsamang pagbabagong ito ay pinakahulugang resulta ng isang tumaas na pagbibigay diin sa bigkis ng magkapares bilang isang posibleng solusyon sa pangangailangan ng pamumuhunang pang-magulang sanhi ng tumagal na pagkasanggol ng supling nito.

Paglitaw ng mga Homo sapiens

baguhin
 
Ang landas na sinundan ng mga tao sa kurso ng kasaysayan.

Sa pagsisimula ng panahong Itaas na Paleolitiko mga 50,000 taon bago ang kasalukuyan, ang buong pagiging moderno ng pag-aasal kabilang ang wika, musika at ibang mga pangkalahatang kultural ay umunlad.[35][36] Habang ang mga modernong tao ay kumakalat mula sa Aprika, ang mga ito ay naka-enkwentro ng ibang mga hominin gaya ng mga Neandertal, at mga Denisovan na maaaring nag-ebolb mula sa mga populasyon ng Homo erectus na lumnisan sa Aprika noong mga 2 milyong taon ang nakalilipas. Ang kalikasan ng interaksiyon sa pagitan ng mga sinaunang tao at mga espesyeng ito na Neandertal at Denisovan ay matagal ng pinagdedebatihan. Ang tanong ay kung ang mga tao ay pumalit sa mga mas naunang espesyeng ito o ang mga ito ay sapat na magkatulad upang magtalik, na sa kasong ito, ang mga mas naunang populasyong ito ay maaaring nag-ambag ng materyal na henetiko sa mga modernong tao.[37] Ang mga kamakailang pag-aral ng mga genome ng tao at Neandertal ay nagmumungkahi ng isang paglipat ng gene sa pagitan ng mga sinaunang Homo sapiens at mga Neandertal at Denisovan.[38][39][40] Ang migrasyong ito na mula sa Aprika ay tinatayang nagsimula noong mga 70,000 taon bago ang kasalukuyan. Ang mga modernong tao ay kalaunang kumalat sa daigdig na pumalit sa mga mas naunang hominin na maaaring sa pamamagitan ng kompetisyon o hibridisasyon. Ang mga ito ay tumira sa Eurasya at Oceania noong mga 40,000 tao bago ang kasalukuyan at sa Amerika ng hindi bababa sa 14,500 taon bago ang kasulukuyan.[41][42]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Groves, C.P. (2005). Wilson, D.E.; Reeder, D.M. (mga pat.). Mammal Species of the World: A Taxonomic and Geographic Reference (ika-3rd (na) edisyon). Baltimore: Johns Hopkins University Press. ISBN 0-801-88221-4. OCLC 62265494. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Global Mammal Assessment Team (2008). Homo sapiens Naka-arkibo 2010-01-24 sa Wayback Machine.. In: IUCN 2009. IUCN Red List of Threatened Species. Version 2009.2. <www.iucnredlist.org>. Downloaded on 03 March 2010.
  3. Goodman M, Tagle D, Fitch D, Bailey W, Czelusniak J, Koop B, Benson P, Slightom J (1990). "Primate evolution at the DNA level and a classification of hominoids". J Mol Evol. 30 (3): 260–266. doi:10.1007/BF02099995. PMID 2109087.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  4. "Hominidae Classification". Animal Diversity Web @ UMich. Nakuha noong 2006-09-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. hŏmo săpĭens, săpĭo. Charlton T. Lewis and Charles Short. A Latin Dictionary on Perseus Project.
  6. McHenry, H.M (2009). "Human Evolution". Evolution: The First Four Billion Years. Cambridge, Massachusetts: The Belknap Press of Harvard University Press. p. 265. ISBN 978-0-674-03175-3. {{cite book}}: Unknown parameter |editors= ignored (|editor= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Tattersall, Ian & Jeffrey Schwartz. 2009. Evolution of the Genus Homo. Annual Review of Earth and Planetary Sciences. Vol. 37: 67-92. DOI: 10.1146/annurev.earth.031208.100202
  8. Antón, Susan C. & Carl C. Swisher, III. 2004. Early Dispersals of homo from Africa. Annual Review of Anthropology. Vol. 33: 271-296. DOI: 10.1146/annurev.anthro.33.070203.144024
  9. Trinkaus, Erik. 2005. Early Modern Humans. Annual Review of Anthropology. Vol. 34: 207-30 DOI: 10.1146/annurev.anthro.34.030905.154913
  10. "Hints Of Earlier Human Exit From Africa". Science News. doi:10.1126/science.1199113. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-10-03. Nakuha noong 2011-05-01. {{cite web}}: Check |doi= value (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Paul Rincon Humans 'left Africa much earlier' BBC News, 27 January 2011
  12. Lowe, David J. (2008). "Polynesian settlement of New Zealand and the impacts of volcanism on early Maori society: an update" (PDF). University of Waikato. Nakuha noong 29 Abril 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Tim Appenzeller, Nature Human migrations: Eastern odyssey 485, 24–26 doi:10.1038/485024a 02 May 2012
  14. "World Population Clock". Census.gov. United States Census Bureau, Population Division. Nakuha noong 2012-09-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Roberts, Sam (31 Oktubre 2011). "U.N. Reports 7 Billion Humans, but Others Don't Count on It". The New York Times. Nakuha noong 2011-11-07.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. 16.0 16.1 Wood, Bernard; Richmond, Brian G. (2000). "Human evolution: taxonomy and paleobiology". Journal of Anatomy. 197 (1): 19–60. doi:10.1046/j.1469-7580.2000.19710019.x. PMC 1468107. PMID 10999270.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  17. Ajit, Varki and David L. Nelson. 2007. Genomic Comparisons of Humans and Chimpanzees. Annu. Rev. Anthropol. 2007. 36:191–209: "Sequence differences from the human genome were confirmed to be ∼1% in areas that can be precisely aligned, representing ∼35 million single base-pair differences. Some 45 million nucleotides of insertions and deletions unique to each lineage were also discovered, making the actual difference between the two genomes ∼4%."
  18. Ken Sayers, Mary Ann Raghanti, and C. Owen Lovejoy. 2012 (forthcoming, october) Human Evolution and the Chimpanzee Referential Doctrine. Annual Review of Anthropology, Vol. 41
  19. Ruvolo, M. 1997. Genetic Diversity in Hominoid Primates. Annual Review of Anthropology , Vol. 26, (1997), pp. 515-540
  20. Ruvolo, Maryellen (1997). "Molecular phylogeny of the hominoids: inferences from multiple independent DNA sequence data sets". Molecular Biology and Evolution. 14 (3): 248–265. PMID 9066793.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Dawkins R (2004) The Ancestor's Tale. ^ "Query: Hominidae/Hylobatidae". Time Tree. 2009. Retrieved December 2010.
  22. Begun, David R. 2010. Miocene Hominids and the Origins of the African Apes and Humans. Annual Review of Anthropology, Vol. 39: 67 -84
  23. Begun, David R., Mariam C. Nargolwalla, Laszlo Kordos. 2012. European Miocene Hominids and the Origin of the African Ape and Human Clade. Evolutionary Anthropology. 21:1 10-23. DOI 10.1002/evan.20329
  24. Boyd, Robert; Silk, Joan B. (2003). How Humans Evolved. New York, New York: Norton. ISBN 0-393-97854-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  25. Brues, Alice M.; Snow, Clyde C. (1965). "Physical Anthropology". Biennial Review of Anthropology. 4: 1–39.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  26. Brunet, M.; Guy, F.; Pilbeam, D.; Mackaye, H.; Likius, A.; Ahounta, D.; Beauvilain, A.; Blondel, C.; Bocherens, H.; Boisserie, J.; De Bonis, L.; Coppens, Y.; Dejax, J.; Denys, C.; Duringer, P.; Eisenmann, V.; Fanone, G.; Fronty, P.; Geraads, D.; Lehmann, T.; Lihoreau, F.; Louchart, A.; Mahamat, A.; Merceron, G.; Mouchelin, G.; Otero, O.; Pelaez Campomanes, P.; Ponce De Leon, M.; Rage, J.; Sapanet, M.; Schuster, M.; Sudre, J.; Tassy, P.; Valentin, X.; Vignaud, P.; Viriot, L.; Zazzo, A.; Zollikofer, C. (2002). "A new hominid from the Upper Miocene of Chad, Central Africa". Nature. 418 (6894): 145–151. doi:10.1038/nature00879. PMID 12110880.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  27. 27.0 27.1 P. Thomas Schoenemann (2006). "Evolution of the Size and Functional Areas of the Human Brain". Annu. Rev. Anthropol. 35: 379–406.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. Park, Min S.; Nguyen, Andrew D.; Aryan, Henry E.; U, Hoi Sang; Levy, Michael L.; Semendeferi, Katerina (2007). "Evolution of the human brain: changing brain size and the fossil record". Neurosurgery. 60 (3): 555–562. doi:10.1227/01.NEU.0000249284.54137.32. PMID 17327801.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  29. Bruner, Emiliano (2007). "Cranial shape and size variation in human evolution: structural and functional perspectives" (PDF). Child's Nervous System. 23 (12): 1357–1365. doi:10.1007/s00381-007-0434-2. PMID 17680251. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2012-03-02. Nakuha noong 2012-09-22.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. Potts, Richard. 2012. Evolution and Environmental Change in Early Human Prehistory. Annu. Rev. Anthropol. 41:151–67
  31. Leonard, William R. , J. Josh Snodgrass, and Marcia L. Robertson. 2007. Effects of Brain Evolution on Human Nutrition and Metabolism. Annu. Rev. Nutr. 27:311–27
  32. "06.14.99 - Meat-eating was essential for human evolution, says UC Berkeley anthropologist specializing in diet". Berkeley.edu. 1999-06-14. Nakuha noong 2012-01-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. "Meat in the human diet: an anthropological perspective. - Free Online Library". Thefreelibrary.com. 2007-09-01. Nakuha noong 2012-01-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. Organ, Chris (22 Agosto 2011). "Phylogenetic rate shifts in feeding time during the evolution of Homo". PNAS. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Abril 2020. Nakuha noong 17 Abril 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. April Nowell. 2010. Defining Behavioral Modernity in the Context of Neandertal and Anatomically Modern Human Populations. Annual Review of Anthropology Vol. 39: 437-452. DOI: 10.1146/annurev.anthro.012809.105113
  36. Francesco d'Errico and Chris B. Stringer. 2011. Evolution, revolution or saltation scenario for the emergence of modern cultures? Phil. Trans. R. Soc. B 12 April 2011 vol. 366 no. 1567 1060-1069. doi: 10.1098/rstb.2010.0340
  37. Wood, Bernard A. (2009). "Where does the genus Homo begin, and how would we know?". Sa Grine, Frederick E.; Fleagle, John G.; Leakey, Richard E. (eds) (pat.). The First Humans: Origin and Early Evolution of the Genus Homo. London, UK: Springer. pp. 17–27. ISBN 978-1-4020-9979-3. {{cite book}}: |editor-last= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga patnugot (link)
  38. Brown, Terence A. (8 April). "Human evolution: Stranger from Siberia". Nature. 464: 838–839. doi:10.1038/464838a. {{cite journal}}: Check date values in: |date= at |year= / |date= mismatch (tulong)
  39. "Denisova Admixture and the First Modern Human Dispersals into Southeast Asia and Oceania", The American Journal of Human Genetics, doi:10.1016/j.ajhg.2011.09.005, PMC 3188841, PMID 21944045
  40. Hebsgaard MB, Wiuf C, Gilbert MT, Glenner H, Willerslev E (2007). "Evaluating Neanderthal genetics and phylogeny". J. Mol. Evol. 64 (1): 50–60. doi:10.1007/s00239-006-0017-y. PMID 17146600.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  41. Wolman, David (Abril 3, 2008). "Fossil Feces Is Earliest Evidence of N. America Humans". news.nationalgeographic.com. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. Wood B (1996). "Human evolution". BioEssays. 18: 945–954. doi:10.1002/bies.950181204.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)