Hupiter (mitolohiya)

Sa relihiyon ng Sinaunang Roma at mitolohiyang Romano, si Hupiter o Jupiter (Latin: Iuppiter) o Jove ang hari ng mga diyos at diyos ng kalangitan at diyos ng kulog. Si Hupiter ang pangunahing Diyos ng relihiyong pang-estado ng Roma sa buong Republikang ROmano at mga panahong Imperyong ROmano hanggang sa pamumunong Kristiyano ni Dakilang Constantino. Sa Mitolohiyang Romano, siya ay nakipagayos sa ikalawang hari ng Roma na si Numa Pompilius upang itatag ang mga prinsipyo ng relihiyong Romano bilang handog.

Marble statue of Jupiter, late 1st century AD, Hermitage, St Petersburg. (With 19th-century additions of drapery, scepter, eagle, and Victory)

Itinuturing ng mga Romano si Hupiter na katumbas ng punong Diyos sa Mitolohiyang Griyego na si Zeus. Sa naimpluwensiyahan ng Griyegong tradisyon, si Hupiter ang kapatid ni Neptun at Pluto. Ang bawat is ay nangasiwa sa isa sa mga tatlong sakop ng uniberso:kalangitan, mga katubigan at mundong ilalim. Ang Italikong Diespiter ay isa ring diyos na kalangaitan na nagpapamalas ng kanyang sarili sa liwanag ng araw ngunit hindi karaniwang kinikilala kay Hupiter. [1] Ang kontraparteng Etruskano ni Hupiter ay si Tinia at sa mitolohiyang Hindu ay si Indra.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Diespiter should not be confused with Dis pater, but the two names do cause confusion even in some passages of ancient literature; P.T. Eden, commentary on the Apocolocyntosis (Cambridge University Press, 1984, 2002), pp. 111–112.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.