Ika-88 na Hiwalay na Brigadang Riple

Ang Ika-88 na Hiwalay na Brigadang Riple (Ruso: 88-я отдельная стрелковая бригада, Koreano: 제88독립보병여단, Tsino: 苏联远东方面军独立第88步兵旅), ay isang pandaigdigang yunit ng militar ng Pulang Hukbo ng Mga Manggagawa at Magsasaka na ginawa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kakaiba ito na sinama sa mga mamamayan ng Korea, Tsina, at Sobyetikong Gitnang Asya sa mga ranggo nito.[1]

Ika-88 na Hiwalay na Brigadang Riple

Mga sundalo ng Ika-88 na Hiwalay na Brigadang Riple
Active 22 Hulyo 1942 – 12 Oktubre 1945
Bansa Unyong Sobyet Unyong Sobyet
Pagtatapat Korea Korea
Partido Komunista ng Tsina
Uri Hukbong-lakad
Palayaw Militar na Yunit 8461
Mga pakikipaglaban Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Digmaang Sobyet-Hapones
Mga komandante
Natatanging
mga komandante
Kumander Heneral Zhou Baozhong

Itinatag ito noong Hulyo 22, 1942, upang tanggapin ang natitirang puwersa ng Hilagang-silangang Kontra-Hapon na Nagkakaisang Hukbo, na pinatapon sa Unyong Sobyetiko pagkatapos pinadpad ng Hukbong Imperyal ng Hapon sa Manchuria noong panahon ng digmaan.[2][3] Pinunan ang brigada ng mga mamamayang Sobyetiko na may lahing Tsino at Koreano, na umabot sa 1,500 katao. Bagaman isang yunit militar na Sobyetiko, pinanatili nito ang orihinal na organisasyon na mayroon na sa NAJUA. Nakalokasyon sa Malayong Silangan, nasa ilalim ng kontrol ito ng ika-25 Hukbong Sobyetiko. Ang Tsinong Tenyente Koronel Zhou Baozhong ang unang kumander.[4][5][6] Binubuo ang brigada ng mga Tsino at Koreano, na ipinakalat sa mga kampo "A" at "B" sa arabal ng Kerki sa Turkmen SSR. Pinamunuan ni Kapitan Kim Song-ju, na kalaunang kilala bilang Kim Il Sung, ang Unang Batalyong Koreano. Nakaestasyon ang brigada sa nayon ng Vyatskoye sa Ilog Amur sa Khabarovsk Krai. Noong 1943, si Heneral Iosif Apanasenko ang nagbigay sa brigada ng opisyal na bilang ng yunit.[6] Hindi nailagay sa labanan ang brigada, yayamang may tungkulin itong tapusin ang mga gawaing intelihensiya-pagsabotahe laban sa Hapon, na may maliit na armadong pangkat na nilapat sa Manchuria at Korea.[2]

Kumander

baguhin

Si Zhou Baozhong (1902 - Abril 22, 1964) ay isang kumander ng Ika-88 na Hiwalay na Brigadang Riple at Hilagang-Silangang Nagkakaisang Hukbong Kontra-Hapones na lumalaban sa pagpapahinahon ng Manchukuo ng Imperyo ng Hapon. Siya ay naging bise gobernador ng Yunnan pagkatapos ng Digmaang Sibil ng Tsina.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Легендарная восемьдесят восьмая бригада. Аргументы времени - военно-патриотическое издание. 3.02.2016 (sa Ruso)
  2. 2.0 2.1 О 88-й отдельной стрелковой бригаде Красной армии. harbin.mid.ru (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-02-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "СОВЕТСКО-КИТАЙСКОЕ ВОЕННОЕ СОТРУДНИЧЕСТВОВ ДАЛЬНЕВОСТОЧНОМ ПРИГРАНИЧЬЕ РСФСРВ ГОДЫ ВТОРОЙ МИРОВОЙ ВОЙНЫ" (PDF) (sa wikang Ingles).
  4. 寸麗香 (2011-12-23). 金日成父子與周保中父女的兩代友誼 (sa wikang Ingles). 中国共产党新闻网. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Hunyo 2019. Nakuha noong 2019-06-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Fyodor Tertitskiy (4 Pebrero 2019). "How an obscure Red Army unit became the cradle of the North Korean elite" (sa wikang Ingles). NK News. Nakuha noong 1 Hunyo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 Легендарная восемьдесят восьмая бригада | Аргументы времени. svgbdvr.ru (sa wikang Ruso). Nakuha noong 2021-02-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)