Ang Ikonoklasmo (Ingles: Iconoclasm), o Ikonoklasya, ay ang pagsira ng mga relihiyosong ikono at iba pang mga imahen o mga bantayog dahil sa mga motibong relihiyoso o politikal. Sa kalaunan, ang salitang ito, kadalasang nasa anyong pang-uri, ay tumukoy na rin sa mga agresibong pahayag o kilos laban sa kahit anong mahusay na status quo. Hindi nito sakop ang pagsira ng mga tiyak na imahen ng isang pinúnò matapos ang kaniyang kamatayan o pagkatanggal sa puwesto (damnatio memoriae).

Paninira ng mga relihiyosong imahen sa Zurich, 1524

Ang mga táong sumasali o sumusuporta sa ikonoklasmo ay tinatawag na "ikonoklasta" (iconoclast). Kasalungat naman nito, ang táong nagpipitagan o sumasamba sa mga relihiyosong imahen ay tinatawag na "ikonolador" (iconolater); sa kontekstong Bisantino, ang táong ito ay tinatawag na "ikonodulo" (iconodule) o "ikonopilo" (iconophile).

Ang ikonoklasmo ay maaaring gawin ng isang grupo ng mga tao sa ibang relihiyon, ngunit mas madalas itong mangyari dahil sa mga sektaryang alitan sa pagitan ng mga pangkatin sa loob ng iisang relihiyon. Sa Kristiyanismo, kadalasang nauudyok ang mga tao na mag-ikonoklasmo dahil sa literal na pagpapakahulugan sa Sampung Utos, na nagbabawal sa paglikha at pagsamba sa mga "nililok na imahen na kung ano man (Ingles: graven images or any likeness of anything)". Binansagang erehe ng mga paring pansimbahan ang mga hudyo sa Hudaismo. Nakakita sila ng mga paglihis mula sa Ortodoksong Kristiyanismo at pagtutol sa benerasyon ng mga imahen bílang mga erehe. Ang antas ng ikonoklasmo sa loob ng mga sangay ng Kristiyanismo ay lubhang magkakaiba. Ang Islam naman, sa kabuoan, ay mas ikonoklasta kaysa sa Kristiyanismo.

Relihiyosong ikonoklasmo

baguhin

Sinaunang kapanahunan

baguhin

Noong Panahon ng Bronse, ang pinakatanyag na pagsasagawa ng ikonoklasmo sa Ehipto ay noong Panahon ng Amarna, kung saan si Akhenaten, na nakabase sa kaniyang bagong kabisera na Akhetaten, ay nagpasimula ng kampanya ng intoleransiya sa mga tradisyunal na diyos; maraming templo at bantayog ang sinira.

Panahon ng Imperyong Bisantino

baguhin

Pangunahing artikulo: Ikonoklasmong Bisantino

Sa Silangang Imperyong Romano, isang ikonoklasmo na pinamunuan ng pamahalaan ang pinasimula ng Bisantinong emperador na si Emperador Leo III, matapos ang matagal na panahon ng namumuong oposisyon sa paggamit o maling paggamit ng mga imahen. Ang relihiyosong gusot na ito ay lumikha ng politkal at ekonomikal na pagkakahati-hati sa lipunan ng Bisantino. Malawakan itong sinuportahan ng mga Silanganan, mas mahihirap, at mga di-Griyegong tao sa imperyo, na kadalasang napapalaban sa mga pananalakay ng bagong Imperyong Muslim.

Repormasyong Protestante

baguhin

Pangunahing artikulo: Repormasyong Protestante

Ang ilang mga repormistang Protestante, partikular sina Andreas Karlstadt, Huldrych Zwingli and John Calvin, ay naghikayat sa pag-aalis ng mga relihiyosong imahen sa pananawagan na ipinagbabawal ng Dekalogo ang idolatriya at ang pagyayari ng mga nililok na imahen ng diyos. Nagbunga ito ng pag-atake ng mga tao sa mga rebulto at imahen. Gayon pa man, may mga awtoridad-sibil na nag-alis na ng mga imahen nang maayos sa mga bagong repormang lungsod at teritoryong Protestane sa Europa.

Nagkaroon ng daan-daang mga pag-atake kabílang ang pandarambong sa Monasteryo ni San Antonio matapos ang sermon ni Jacob de Buysere. Ang Beeldenstorm ang nagsimula sa himagsikan laban sa puwersa ng mga Espanyol at ng Simbahang Katoliko.

Ang paniniwala sa Ikonoklastiya ay nagdulot ng kaguluhuan sa buong Europa, at noong 1523, partikular dahil sa Suwisong repormista na si Huldrych Zwingli.

Ikonoklasmong Muslim

baguhin

Sa kasaysayan ng Islam, ang gawain ng pag-aalis ng mga ikono mula sa Ka'ba sa Mecca ay itinuturing ng lahat ng mananampalataya na isang makahulugan at makasaysayang kahalagahan.