Indian Institute of Technology Bombay
Ang Indian Institute of Technology Bombay (dindaaglat na IITB o IIT Bombay) ay isang pampublikong institusyon sa mas mataas na edukasyon na matatagpuan sa kapitbahayan ng Powai, sa lungsod ng Mumbai, India. Ito ay ang pangalawang pinakamatandang (kasunod ng Indian Institute of Technology Kharagpur) instituto ng Indian Institute of Technology system.[1]
Ang IIT Bombay ay itinatag noong 1958.[2] Noong 1961, inatas ng Parlamento ang pagdedeklara sa mga IIT bilang Institutes of National Importance. Inirekomenda ng isang makapangyarihang komite ng Pamahalaan ng India noong 1946 ang pagtatatag ng apat na instituto ng teknolohiya upang iset ang direksyon para sa pag-unlad ng mga teknikal na edukasyon sa bansa. Ang pagpaplano para sa isang instituto sa Mumbai ay nagsimula noong 1957 at ang unang batch ng mga 100 mag-aaral ay tinanggap noong 1958.[3] Simula nang maitatag ito sa Powai, ang instituto ay lalong pinalawak sa higit sa 584 pangunahing gusali na may isang pinagsamang erya na 2.396 gross square feet (550 acres o 2.22 km2).[4]
Ang IIT Bombay ay merong komprehensibong programang gradwado na nag-aalok ng digring doktoral doktor sa Agham, Teknolohiya, Inhinyeriya, Matematika, at Agham Panlipunan. Sa kasalukuyan, ang IIT Bombay ay may kabuuang 14 akademikong kagawaran, 6 sentro, 1 paaralan, at 3 programang interdisiplinaryo.
-
Olympic-size Swimming Pool SA IIT Bombay
-
Tanawin mula sa Boat House, Powai lake, IIT Bombay
-
Powai Lake
-
Paglubog ng araw sa Powai Lake, IIT Bombay
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Technology Incubation & Development of Entrepreneurs (TIDE) in the areas of Electronics and ICT" (PDF). Ministry of Communications and Information Technology, Government of India. Nakuha noong 3 Oktubre 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ "How was IIT Bombay set up". IIT Bombay. Nakuha noong 3 Oktubre 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Growth of an Institute for Higher Technological Education". IIT Bombay. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Disyembre 2012. Nakuha noong 3 Oktubre 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Information Booklet" (PDF). IIT Bombay. Nakuha noong 3 Oktubre 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
19°08′01″N 72°55′01″E / 19.1336°N 72.9169°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.