Instrumentong tanso

(Idinirekta mula sa Instrumentong brasa)

Ang instrumentong tanso, instrumentong tumbaga, o instrumentong tansong-dilaw (Ingles: brass instrument, brasswind instrument, o kaya labrosone na may literal na kahulugang "instrumentong pinanginginig ng labi"[1]) ay uri ng instrumentong pangtugtog na hinihipan. Ang tunog nito ay nalilikha sa pamamagitan ng pagkatig o simpatetikong panginginig ng hangin (simpatetikong resonansiya) sa loob ng isang parang tubong resonador na may simpatiya sa pangangalog ng mga labi ng tagatugtog. May ilang mga bagay-bagay na kasangkot sa paglikha ng iba't ibang katindihan o kasidhian ng tono ng isang instrumentong tanso: Isa ang pagbago ng tensiyon ng labi ng manunugtog (ang embouchure), at ang isa pa ay ang daloy ng hangin. Gayon din, ginagamit ang mga padulas o mga balbula upang baguhin ang haba ng tubo, kaya't nababago ang seryeng harmoniko inihaharap ng instrumento sa manunugtog. Hindi gawa sa tanso o tansong-dilaw ang lahat ng mga instrumentong tanso. Yari sa kahoy ang instrumentong tanso na alphorn, kornet, at serpiyente. Sa kabilang banda, mayroon namang instrumentong kahoy-hangin na gawa sa tanso, katulad ng saksopon.

Mga instrumentong brass

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Baines, Anthony (1993). Brass instruments: their history and development. Dover Publications. pp. 300. ISBN 0486275744.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.