Ishmael Bernal
Si Ishmael Bernal ay kinikilala sa Pilipinas bilang isa sa mga pinakamahusay na direktor sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino. Ngunit bukod sa kanyang mga nagawang pelikula, nagdirek din siya maging sa telebisyon, gumanap ng iba't ibang karakter sa mga palabas, at manunulat ng iskrip. Kung pag-uusapan naman ang kanyang mga pelikula, karamihan sa mga ito ay nagtatalakay ng mga isyu patungkol sa kababaihan at moralidad.
Ishmael Bernal | |
---|---|
Kapanganakan | Ishmael Bernal Ledesma 30 Setyembre 1938 |
Kamatayan | 2 Hunyo 1996 | (edad 57)
Nasyonalidad | Pilipino |
Larangan | Pelikula |
Pinag-aralan/Kasanayan | Pamantasan ng Pilipinas, Kalinangan ng Pelikula ng Indiya |
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas | |
Pelikula 2001 |
Talambuhay
baguhinIsinilang noong 30 Setyembre 1938 sa Lungsod ng Maynila, siya ay anak nina Elena Bernal at Pacifico Ledesma. Nag-aral siya sa Mababang Paaralan ng Burgos at pagkatapos ay sa Mataas na Paaralan ng Mapa. Pagdating sa dalubhasaan, nag-aral siya sa Pamantasan ng Pilipinas at kumuha ng Batsilyer ng Sining sa Panitikan. Habang siya ay nag-aaral dito, naging aktibo rin siya sa Pangkat Dramatiko ng UP. Nang siya ay magtapos sa UP, tumulak siya sa Pransiya at doo'y kumuha ng Lisensiya sa Panitikang Pranses at Pilosopiya sa Pamantasan ng Aix-en-Provence. Nag-aral din siya ng pagdidirek ng pelikula bilang isang iskolar ng Planong Colombo sa Kalinangan ng Pelikula ng Indiya sa Poona, Indiya. Naging miyembro siya ng Mga Nag-aalalang Artista ng Pilipinas (CAP) at isang aktibong kasali sa pakikipaglaban ng mga alagad ng sining sa kanilang mga karapatan at kapakanan.[1]
Larangan ng sining
baguhinMga Pelikula
baguhinKabilang sa mga naidirek niyang pelikula ay Daluyong (1971); Inspiration (1972); Till Death Do Us Part (1972); Now and Forever (1973); Zoom, Zoom, Superman (1973); Si Popeye Atbp. (1973); Sleeping Dragon (1974); Pito ang Asawa Ko (1974); Lumapit, Lumayo ang Umaga (1975); Babaing Hiwalay sa Asawa (1976); Walang Katapusang Tag-araw (1977); Lagi na Lamang ba Akong Babae? (1978); Isang Gabi sa Iyo, Isang Gabi sa Akin (1978); Menor de Edad (1978); at Bilibid Boys (1981).[1]
Ang kanyang pinakaunang idinirek at isinulat na iskrip, ang Pagdating sa Dulo (1971), ang nagbuo kay Bernal bilang isang mahusay na manggagawa ng pelikula na hindi nakukuntento sa kung ano lamang ang nakasanayan nang mga tuntunin sa paggawa ng pelikula dito sa bansa. Mayroon siyang malawak na hanay ng mga tema o paksa. Mayroon siyang pangkasaysayang drama kabilang na ang El Vibora (1972); at ang yugto ni Andres Bonifacio sa hindi naipalabas na Lahing Pilipino (1976). Mayroon rin siyang katatawanang mga pelikula na mataas naman ang kalidad, katulad ng Tisoy (1977); Pabling (1981); Working Girls (1984); at Working Girls 2 (1987). Mayroon din siyang mga eksperimental na mga pelikula kagaya na lamang ng Nunal sa Tubig (1976). At higit sa lahat, meron din siyang mga napapanahong mga drama na nagtatalakay ng mahirap maipaliwanag na pag-iisip ng tao at pati na rin ang relasyon nila sa lipunan, katulad na lamang ng Ligaw na Bulaklak (1976); Mister Mo, Lover Boy Ko (1978); Ikaw ay Akin (1978); Aliw (1979); at Relasyon (1982). Sa kanyang mga pelikula na umaabot nang mahigit limampu, nakapagtuklas si Bernal ng napakaraming paraan sa pag-atake sa mga pelikula at pati na rin mga panibagong tema. Ang mga ito ay nakatulong para mapayaman at mapalalim pa ang mga nagiging pamilyar at paulit-ulit na mga karakter at kuwentong ipinapalabas.
Sa Telebisyon
baguhinNagdirek din si Bernal ng mga palabas sa telebisyon, katulad ng Metro Magazine, Isip Pinoy, at Dear Teacher at mga yugto para sa PETABISYON, Lorna, at iba pang mga palabas. Gumanap din siya bilang bida sa iba't ibang mga pagtatanghal kagaya ng Kamatayan sa Anyo ng Isang Rosas (1991); at Bacchae (1992).
Nakapagbigay din siya ng pagtuturo tungkol sa pagtatanghal at nakapagdirek din ng mga dula para sa SINING, isang samahan ng iba't ibang dulaang organisasyon na binuo ng mga kabataan.
Mga Parangal
baguhinNagwagi siya sa Urian ng pinakamahusay na direktor nang apat na beses: para sa Dalawang Pugad, Isang Ibon (1977); Broken Marriage (1983); Hinugot sa Langit (1985); Pahiram ng Isang Umaga (1989); at best screenplay para sa City After Dark (1980). Ang kanyang pelikulang Nunal sa Tubig ay naparangalan naman bilang best picture sa 1977 Katolikong Gawad para sa Mediang Pangmadla (CMMA). Ang pelikulang Himala (1981) naman, na pinagungunahan ni Nora Aunor, ay nakakuha ng siyam na pangunahing karangalan sa Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila (MMFF). Kasama na rito ang pinakamahusay na pelikula, direksiyon, kuwento at aktres. Ang mismong direktor naman ng 1983 Pandaigdigang Paligsahan ng mga Pelikula ng Berlin ang siyang pumili sa pelikulang ito bilang panlaban ng Pilipinas. Nakatanggap din si Bernal sa Pangkat ng Pamamahayag sa Pelikulang Pilipino (PMPC) Gawad Star Direktor ng Taon para sa Pahiram ng Isang Umaga. Pinangalanan din siyang Direktor ng dekadang 1970s ng CMMA. Ang Manunuri ng Pelikulang Pilipino ay binoto ang lima niyang pelikula, kasama na ang Pagdating sa Dulo, Nunal sa Tubig, Manila by Night, Himala, at Hinugot sa Langit, bilang sampung pinakamahusay na pelikula ng dekada '70 at dekada '80.[1]
Noong Pebrero 1990, Nakatanggap si Bernal ng Gawad CCP para sa Pelikula para sa pag-angat mula sa nakilalang tema ng pelikula at sa paggawa ng mahuhusay at kakaibang mga pelikula. Taong 1993 nang makatanggap naman siya ng Gawad Pangkultura ng ASEAN para sa sining sa pakikipagtalastasan. Noong 1999 naman, ang kanyang mga pelikulang Nunal sa Tubig, Aliw at Relasyon, ay napasama sa 25 pelikulang Pilipino na napiling ipalabas sa Lungsod ng Bagong York mula Hulyo 31 hanggang Agosto.[1]
Ang buod na tala ng kanyang pelikula (1971 - 1994)
baguhin- [1971] Pagdating sa Dulo
- [1971] Daluyong
- [1972] El Vibora
- [1972] Inspirasyon
- [1972] Till Death Do Us Part (Hanggang sa Kamatayan Magkakasama Tayo)
- [1972] Si Popeye Atbp.
- [1973] Pito ang Asawa Ko
- [1973] The Sleeping Dragon (Ang Natutulog na Dragon)
- [1974] Scotch on the Rocks to Remember (Kalang sa mga Bato upang Maalala)
- [1974] Black Coffee to Forget (Itim na Kape upang Malimutan) (Di-napalabas)
- [1974] Mister Mo, Lover Boy Ko
- [1974] Lumayo...Lumapit ang Umaga
- [1975] Ligaw na Bulaklak
- [1975] Babaeng Hiwalay sa Asawa (Anna Karenina)
- [1976] Tisoy
- [1976] Nunal sa Tubig
- [1976] Dalawang Pugad, Isang Ibon
- [1976] Lahing Pilipino (Serye ng Bonifacio)
- [1976] Walang Katapusang Tag-araw
- [1977] Lagi Lamang ba Akong Babae?
- [1978] Isang Gabi sa Iyo, Isang Gabi sa Akin
- [1978] Ikaw ay Akin
- [1979] Menor de Edad
- [1979] Boy Kodyak
- [1979] Bakit may Pag-ibig Pa?
- [1980] Aliw
- [1980] Salawahan
- [1980] Good Morning Sunshine (Magandang Umaga Bukang-liwayway)
- [1980] Sugat sa Ugat
- [1980] City After Dark (Manila By Night) (Lungsod Pagkatapos ng Dilim, Maynila sa Gabi)
- [1980] Girlfriend (Kasintahang Babae)
- [1981] Pabling
- [1982] Ito Ba ang Ating mga Anak?
- [1982] Galawgaw
- [1982] Relasyon
- [1982] Hindi Kita Malimot
- [1982] Himala
- [1982] Broken Marriage (Wasak na Buhay Mag-asawa)
- [1984] Working Girls I (Mga Babaeng Naghahanapbuhay I)
- [1984] Shake Rattle and Roll - Pridyider Episode (Alog, Lagatok at Ikot - Seryeng Pridyider)
- [1985] Gamitin Mo Ako
- [1986] The Graduates (Mga Nagtapos)
- [1987] Hinugot sa Langit
- [1987] Working Girls II (Mga Babaeng Naghahanapbuhay II)
- [1987] Pinulot Ka Lang Sa Lupa
- [1988] Nagbabagang Luha
- [1989] Pahiram ng Isang Umaga
- [1992] Mahal Kita, Walang Iba
- [1994] Wating