James K. Polk
Si James Knox Polk [bigkas sa apelyido: powk] (2 Nobyembre 1795 – 15 Hunyo 1849) ay ang ika-labing-isang pangulo ng Estados Unidos, nanilbihan mula 4 Marso 1845 hanggang 4 Marso 1849. Isinilang siya sa Mecklenburg County, North Carolina, subalit mas namuhay sa at kinatawan niya ang estado ng Tennessee. Bilang isang Demokrata, naglingkod siya bilang Tagpagsalita ng Kabahayan ng mga Kinatawan mula 1835 hanggang 1839, at bilang Gobernador ng Tennessee mula 1839 hanggang 1841 bago maging presidente.
James Knox Polk | |
---|---|
Ika-11 Pangulo ng Estados Unidos | |
Nasa puwesto 4 Marso 1845 – 4 Marso 1849 | |
Pangalwang Pangulo | George M. Dallas (1845-1849) |
Nakaraang sinundan | John Tyler |
Sinundan ni | Zachary Taylor |
Ika-11 Gobernador ng Tennessee | |
Nasa puwesto 14 Oktubre 1839 – 15 Oktubre 1841 | |
Nakaraang sinundan | Newton Cannon |
Sinundan ni | James Chamberlain Jones |
Ika-17 Tagapagsalita para sa Kabahayan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos | |
Nasa puwesto 7 Disyembre 1835 – 4 Marso 1839 | |
Pangulo | Andrew Jackson Martin Van Buren |
Nakaraang sinundan | John Bell |
Sinundan ni | Robert M. T. Hunter |
Kasapi ng Kabahayan ng mga Kinatawan ng E.U. mula sa ika-6 na distrito ng Tennessee | |
Nasa puwesto 4 Marso 1825 – 3 Marso 1833 | |
Nakaraang sinundan | John A. Cocke |
Sinundan ni | Balie Peyton |
Kasapi ng Kabahayan ng mga Kinatawan ng E.U. mula sa ika-9 na distrito ng Tennessee | |
Nasa puwesto 4 Marso 1833 – 3 Marso 1839 | |
Nakaraang sinundan | William Fitzgerald |
Sinundan ni | Harvey M. Watterson |
Personal na detalye | |
Isinilang | 2 Nobyembre 1795 Pineville, North Carolina |
Yumao | 15 Hunyo 1849 Nashville, Tennessee | (edad 53)
Kabansaan | Amerikano (US) |
Partidong pampolitika | Demokratiko |
Asawa | Sarah Childress Polk |
Alma mater | Pamantasan ng Hilagang Carolina sa Chapel Hill |
Trabaho | Abogado, Magsasaka (Plantero) |
Pirma |
Talambuhay
baguhinIsinilang si Polk noong 1795, at nakapagtapos ng pag-aaral mula sa Pamantasan ng North Carolina noong 1818. Natanggap siya sa bar ng mga abogado noong 1820 at nagsimulang magtrabaho bilang manananggol noong taong ding iyon sa Columbia, Tennessee. Noong 1823, nahalal siya sa Batasan ng Tennessee. Pinakasalan niya si Sarah Childress noong 1824. Mula 1825 hanggang 1839, naglingkod siya sa Kabahayan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos. Nanilbihan siya bilang gobernador ng Tennessee mula 1839 hanggang 1841. Nagsilbi naman siya bilang pangulo ng Estados Unidos simula 1845 magpahanggang 1849. Sumakabilang-buhay siya noong 1849, habang nasa Nashville, Tennessee.[1]
Larangan
baguhinSi Polk ang pinakaunang "maitim na kabayo" o hindi gaanong kilalang kandidato na nananalo sa pagka-pangulo ng Estados Unidos; hindi niya inaasahang magagapi niya si Henry Clay sa halalan ng 1844. Sa edad na 49, siya rin ang pinakabatang pangulo ng Estados Unidos sa kaniyang kapanahunan. Sa panahon ng kaniyang panunungkulan bilang pangulo, idinagdag niya sa Estados Unidos ang isang malawak na rehiyon ng lupaing mula sa Rocky Mountains ("Mabatong Bulubundukin") hanggang sa may Karagatang Pasipiko. Kinamuhan siya ng mga kalalakihang laban sa pang-aalipin noong kaniyang kapanahunan, sapagkat pinaniniwalaan nilang ibig lamang niyang palawigin ang nasasakop ng pang-aalipin. Subalit hindi ito tinatanggap ng mga dalubhasang gumawa ng pag-aaral hinggil kay Polk, at inihanay nila si Polk bilang isa sa sampung magigiting na mga pangulong Amerikano.[1]
Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "James K. Polk". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)