Kabuuang domestikong produkto

(Idinirekta mula sa Kabuuang produktong domestiko)

Ang kabuuang domestikong produkto (Ingles: gross domestic product o GDP) ang halagang pamilihan ng lahat ng pantungkuling kinikilalang huling mga kalakal at paglilingkod na nilikha sa loob ng isang bansa sa isang takdang panahon. Ang GDP bawat tao ay kadalasang itinuturing paghihiwatig ng pamantayan ng pamumuhay;[2] ang GDP bawat capita ay hindi isang sukat ng pansariling sahod. Sa ilalim ng teoriyang ekonomiko, ang GDP bawat tao ay ganap na katumbas ng kabuuang katutubong sahod (Gross domestic income o GDI) bawat tao. Ang GDP ay nauugnay sa mga pambansang kuwenta na isang paksa sa makroekonomika. Ang GDP ay hindi dapat ikalito sa Kabuuang Pambansang Produkto (gross national product o GNP) na naglalaan ng produksiyon batay sa pag-aari.

200 mga pigura ng CIA World Factbook ng kabuuang nominal GDP (taas) kumpara sa isinaayos na PPP-GDP (ibaba)
Mga bansa ayon sa 2015 CGDP (nominal) kada capita[1]
  > $64,000
  $32,000 – 64,000
  $16,000 – 32,000
  $8,000 – 16,000
  $4,000 – 8,000
  $2,000 – 4,000
  $1,000 – 2,000
  $500 – 1,000
  < $500
  hindi makukuha
GDP (PPP) kada capita

Pagtukoy ng GDP

baguhin

Ang GDP ay maaaring matukoy sa tatlong paraan na ang lahat ay dapat sa prinsipyo magbibigay ng parehong resulta. Ang mga ito ang pakikitungong produkto(o output), pakikitungong sahod at pakikitungong paggasta. Ang pinaka-direkta sa tatlong ito ang pakikitungong produkto na sumusuma ng mga output ng bawat klase ng negosyo upang dumating sa kabuuan. Ang pakikitungong paggasta ay gumagawa sa prinsipyong ang lahat ng mga produkto ay dapat bilhin ng isang tao at kaya ang halaga ng kabuuang produkto ay dapat katumbas ng kabuuang paggasta ng mga tao sa pagbili ng mga bagay. Ang pakikitungong sahod ay gumagawa sa prinsipyong ang mga sahod ng mga paktor na produktibo(mga prodyuser) ay dapat katumbas ng halaga ng kanilang produkto at tumutukoy sa GDP sa pamamagitan ng paghahanap ng suma ng mga sahod ng lahat ng mga prodyuser.[3]

Halimbawa: paraang paggasta:

GDP = pribadong konsumpsiyon + kabuuang pamumuhunan + paggasta ng pamahalaan + (mga niluluwas(exports) − mga inaangkat(imports)), o

 

Ang "Gross" ay nangangahulugang ang GDP ay sumusukat sa produksiyon ng hindi isinasaalang alang ang iba't ibang mga paggamit kung ang produksiyon ay maaaring ilagay. Ang produksiyon ay maaaring gamitin sa madaliang konsumpsiyon, para sa pamumuhunan sa bagong nakapirmeng mga asset o mga inbentoryo o sa pagpapalit ng depresiyadong nakapirmeng mga asset. Ang "domestiko" ay nangangahulugang ang GDP ay sumusukat ng produksiyon na nangyayari sa loob ng mga hangganan ng isang bansa. Sa ekwasyong paraang paggasta na ibinigay sa itaas, ang mga niluluwas na binawasan ng inaangkat ay kailangan upang iwalang saysay ang mga paggasta sa mga bagay na hindi nilikha sa bansa(mga inaangkat) at magdagdag ng mga bagay ngunit hindi itinitinda sa bansa(mga niluluwas).

Ang mga ekonomista simula kay Keynes ay piniling hatiin ang terminong pangkalahatang konsumpsiyon sa dalawang mga bahagi: pribadong konsumpsiyon at paggasta ng publikong sektor(o pamahalaan). Ang dalawang kapakinabangan sa paghahati ng kabuuang konsumpsiyon sa paraang ito sa teoretikal na makroekonomika ang:

  • Ang Pribadong konsumpsiyon ay isang sentral na pinag-uukulan ng ekonomikang kapakanan. Ang pribadong pamumuhunan at mga bahaging kalakal ng ekonomiya ay huling dinidirekta(sa nananaig na mga modelong ekonomiko) upang pataasin ang pang-matagalang pribadong konsumpsiyon.
  • Kung inihiwalay mula sa endohenosong pribadong konsumpsiyon, ang konsumpsiyon ng pamahalaan ay maaaring tratuhin bilang eksohenoso upang ang iba't ibang mga lebel ng paggasta ng pamahalaan ay maituturing na nasa loob ng isang makahulugang balangkas na makroekonomiko.

Pakikitungong produksiyon

baguhin

"Ang halagang pamilihan ng lahat ng mga huling kalakal at serbisyong kinukwenta sa loob ng isang taon."

Ang pakikitungong produksiyon ay tinatawag ring net na produkto o paraang idinagdag na halaga. Ang paraang ito ay binubuo ng tatlong mga yugto:

  1. Pagtatantiya ng kabuuang(gross) halaga ng domestikong output sa iba't ibang mga gawaing ekonomiko;
  2. Pagtukoy ng panggitnang konsumpsiyon, i.e. ang gastos ng materyal, mga suplay at serbisyo na ginamit upang lumikha ng huling mga kalakal o serbisyo
  3. Pagbabawas ng panggitnang konsumpsiyon mula sa kabuuang halaga upang makamit ang net na halaga ng domestikong output.

Sa simbolikong paglalarawan, Pangkalahatang halagang idinagdag = halaga ng output - halaga ng panggitnang konsumption

Halaga ng output = halaga ng kabuuang benta ng mga kalakal at serbisyo + halaga ng mga pagbabago sa mga inbentoryo

Ang suma ng kabuuang halagang idinagdaga sa iba't ibang mga gawaing ekonomiko ay tinatawag na GDP at factor cost.

Ang GDP sa gastos na paktor na dinagdagan ng hindi direktang mga buwis na binawasan ng mga subsidiya sa mga proudkto ang GDP at Producer Price.

Sa pagsukat ng kabuuang output ng domestikong produkto, ang mga gawaing ekonomiko(i.e. mga industriya) ay inuuri sa iba't ibang mga sektor. Pagkatapos uriin ang mga gawaing ekonomiko, ang kabuuang output ng bawat sektor ay kinukwenta ng anumang sumusunod na dalawang paraan:

  1. Sa pamamagitan ng pagpaparami ng output ng bawat sektor ng kanilang respektibong presyo sa pamilihan at idinagdag ng sama sama at
  2. Sa pagmamagitan ng pagtitipon ng datos sa kabuuang benta at mga inbentoryo mula sa mga rekord ng kompanya at idinagdag ang mga ito ng sama sama

Sa pagbabawas ng panggitnang konsumpsiyon ng bawat sektor mula sa kabuuang output, ating makukuha ang sektoral na kabuuang halagang idinagdag(Gross Value Added o GVA) sa gastos na paktor. Atin namang idadagdag ang kabuuang halaga ng lahat ng mga sektor upang makuha ang GDP sa gastos na paktor. Sa pagdadag ng hindi dirketang buwis na binawasan ng mga subsidiya sa GDP sa gastos na paktor, ating makukua ang GDP sa mga presyo ng prodyuser.

Pakikitungong sahod

baguhin

"Ang kabuuang suma ng mga sahod ng mga indbidwal na nabubuhay sa isang bansa sa loob ng 1 taon."

Ang isa pang paraan ng pagsukat ng GDP ay sukatin ang kabuuang sahod. Kung ang GDP ay kinwenta sa paraang ito, ito ay minsang tinatawag na Kabuuang Domestikong Sahod(Gross Domestic Income. GDI o GDP(I)). Ang GDI ay dapat magbigay ng parehong halaga ng paraang paggasta inilalarawan sa ibaba. Sa depinisyon, GDI = GDP. Gaynpaman, sa pagsasanay, ang mga pagkakamali ng sukat ay gagawa sa dalawang mga piguro ng medyo hindi tama kapag iniuulat ng pambansang mga ahensiyang estadistikal.

Ang paraang ito ay sumusukat ng GDP sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga sahod na binabayag ng mga negosyo sa mga sambahayan para sa mga paktor ng produksiyong kanilang inuupa- mga sahod para sa trabaho, interest para sa kapital, renta para sa lupain at mga tubo para sa entrepreneurship.

Ang "National Income and Expenditure Accounts" ng Estados Unidos ay naghahati ng mga sahod sa limang mga kategorya:

  1. Mga sahod at mga suplementaryong sahod ng trabaho W
  2. Mga tubo ng korporasyon
  3. Interes at iba ibang mga sahod ng pamumuhunan
  4. Sahod ng mga magsasaka
  5. Sahod mula sa hindi bukid na hindi korporasyong mga negosyo

Ang limang mga sangkap ng sahod na ito ay sumusuma sa net domestikong sahod sa gastos na paktor.

Ang dalawang pagsasaayos ay dapat gawin upang makuha ang GDP:

  1. Mga hindi direktang buwis na binawasan ng mga subsidiya ay idinagdag upang makuha mula sa gastos na paktor tungo sa mga presyo ng pamilihan.
  2. Ang Depresiasyon ( o Capital Consumption Allowance) ay idinagdag upang makuha mula sa net domestikong produkto tungo kabuuang domestikong produkto.

Ang kabuuang sahod ay maaaring hatiin ayon sa iba't ibang mga skema na tumutungo sa iba't ibang mga pormula para sa GDP na sinukat ng pakikitungong sahod. Ang isang karaniwan ay:

GDP = kompensasyon ng mga empleyado + Kabuuang pagpapatakbong surplus + kabuuang halong sahod + mga buwis na binawasan ng mga subsidiya sa produksiyon at mga inaangkat
GDP = COE + GOS + GMI + TP & M – SP & M
  • Ang Kompensasyon ng mga empleyado (COE) ay sumusukat ng kabuuang remunerasyon sa mga empleyadong para sa trabahong ginawa. Ito ay kinabibilangan ng mga sahod gayundin ang mga kontribusyon ng amo sa seguridad panlipunan(social security) at ibang gayong mga programa.
  • Ang kabuuang pagpapatkbong surplus (GOS) ang surplus sanhi ng mga may ari ng ininkorporang(incorporated) mga negosyo. Ito ay kadalasang tinatawag na mga tubo bagaman tanging isang pang ilalim na hanay lamang ng kabuuang mga gastos ang ibinawas mula sa kabuuang output upang makwenta ang GOS.
  • Ang kabuuang halong sahod(Gross mixed income o GMI) ang paehong sukat tulad ng GOS ngunit para sa mga hindi ininkorporang mga negosyo. Ito ay kadalasang kinabibilangan ng karamihan ng mga maliliit na negosyo.

Ang suma ng COE, GOS at GMI ay tinatawag na kabuuang paktor na sahod. Ito ang sahod ng lahat ng mga paktor ng produksiyon sa lipunan. Ito ay sumusukat sa halaga ng GDP sa paktor(basikong) mga presyo. Ang pagkakaiba sa pagitan ng mga basikong presyo at huling mga presyo(ang mga ginagamit sa pagkukwenta ng paggasta) ang kabuuang mga buwis at subsidiya na itinakda o binayaran ng pamahalaang sa produksiyong ito. Kaya ang pagdaragdag ng mga buwis na binawasan ng mga subsidiya sa produksiyon at mga inaangkat ay kumukonberte sa GDP sa gastos na paktor tungo sa GDP(I).

Ang kabuuang paktor na sahod ay minsan ring inihahayag bilang:

Kabuuang paktor na sahod - kompensasyon ng empleyado + mga tubo ng korporasyon + sahod ng may ari + sahod ng upa + net interes[4]

Ang isa pang pormula para sa GPD sa pamamagitan ng paraang sahod ang:

 

Kung saan ang
R : ang mga renta
I : ang mga interes
P : ang tubo(profit)
SA : mga pagsasaayos na estadistikal(statistical adjustments) (mga buwis ng sahod ng korporasyon, mga dibidende, hindi naipamahaging mga tubo ng korporasyon )
W : mga sahod(wages)
. Ang mnemonic nito ay "ripsaw".

Pakikitungong paggasta

baguhin

"Ang mga paggasta na nakamit ng mga indibidwal sa loob ng 1 taon."

Sa ekonomika, ang karamihang mga bagay na nilikha ay prinodyus para sa pagbebenta at binibenta. Kaya ang pagsukat ng kabuuang paggasta ng perang ginamit upang bumili ng mga bagay ay isang paraan upang masukat ang produksiyon. Ito ay kilala bilang paraang paggasta ng pagkukwenta ng GDP. Dapat mapansin na kung ay magsulsi ng isang damit panglamig, ito ay produksiyon ngunit hindi ibinibilang bilang GDP dahil hindi ito kailanman naibenta. Ang pagsusulsi ng damit panglamig ay isang maliit na bahagi ng ekonomiya ngunit kung kukwentahin ng isa ang ilang mga pangunahing gawain gaya ng pagpapalaki ng bata(na pangkalahatang hindi binabayaran) bilang produksiyon, ang GDP ay tumitigil na isang tiyak na indikator ng produksiyon. Gayundin, kung mayroon isang matagalang paglipat mula sa hindi pamilihang probisyon ng mga serbisyo(halimbawa ang pagluluto, paglilinis, pagpapalaki ng bata, pagkukumpuni sa sarili mo) tungo sa probisyon ng pamilihan ng mga serbisyo, kung gayon ang kagawiang ito tungko sa tumaas na probisyon ng pamilihan ng mga serbisyo ay maaaring magtakip ng isang malakas na pagbaba sa aktuwal na domestikong produksiyon na nagreresulta sa labis na optimistiko at inpladong iniulat GDP. Ito ay partikular na problema para sa mga ekonomiyang lumipat mula sa mga ekonomiyang produksiyon tungo sa mga ekonomiyang serbisyo.

Mga sangkap ng GPD ayon sa paggasta

baguhin
 
Mga sangkap ng U.S. GDP

Ang GDP (Y) ang suma ng Consumption (C)/Konsumpsiyon, Investment (I)/Pamumuhunan, Government Spending (G)/Paggasta ng pamahalaan at Net Exports (X – M)/Net na mga pagluluwas.

Y = C + I + G + (X − M)

Ito ang isang deskripsiyon ng bawat sangkap ng GDP:

  • Ang C (consumption)/Konsumpsiyon ay normal na pinakamalaking sangkap ng GDP sa ekonomiya na binubuo ng pribadong (sambahayang huling konsumpsiyong paggasta) sa ekonomiya. Ang mga personal na paggastang ito ay nahuhulog sa ilalim ng isa sa mga sumusunod na kategorya: mga matitibay na kalakal, hindi matitibay na kalakal at mga serbisyo. Ang mga halimbawa ay kinabibilangan ng pagkain, renta, alahas, at mga gastos medikal ngunit kabilang ang pagbili ng isang bagong bahay.
  • Ang I (investment)/Pamumuhunan ay kinabiblangan halimbawa ng pamumuhunan ng negosyo sa mga kasangkapan ngunit hindi kinabibilangan ng ng mga pagpapalit ng mga umiiral na asset. Ang halimbawa ay kinabibilangan ng konstruksiyon ng isang bagong mina, pagbili ng sopwer, o pagbili ng makinarya at kasangkapan para sa isang pabrika. Ang paggasta ng mga sambahayan(hindi ng pamahalaan) sa mga bagong bahay ay kabilang rin sa pamumuhunan. Sa salungat sa colloquial na kahulugan nito, ang investment sa GDP ay hindi nangangahulugang pagbili ng mga produktong pinansiyal. Ang pagbili ng mga produktong pinansiyal ay inuuri bilang pagtitipid na salungat sa pamumuhunan. Ito ay umiiwas sa dobleng pagbibilang: kung ang isa ay bumili ng mga bahagi(shared) sa isang kompanya, ang gagamitin ng kompanya ang pera upang bumili ng planta, kasangkapan, etc, ang halaga ay maibibilang tungo sa GDP kapag ginasta ng kompanya ang persa mga bagay na ito. Upang mabilang rin ito kapag ang isa ay nagbigay sa kompanya ay bibilang ng dalawang beses na halaga na tanging tumutugon sa isang pangkat ng mga produkto. Ang pagbili ng mga bono o mga stock ay pagpapalit ng mga deed na isang paglilipat ng mga pag-aangkin sa isang panghinaharap ng produksiyon at hindi direktang isang paggasta sa mga produkto. claims on future production, not directly an expenditure on products.
  • Ang G (government spending)/Paggasta ng pamahalaan ang suma ng paggasta ng pamahalaan sa mga huling kalakal at mga serbisyo. Ito ay kinabibilangan ng mga sahod ng mga publikong empleyado, pagbili ng mga sandata para sa militar at anumang pamumuhunang paggasta ng isang pamahalaan. Ito ay hindi kinabibilangan ng anumang mga kabayarang paglipat gaya ng seguridad panlipunan o benepisyo sa kawalang trabaho.
  • Ang mga M (imports)/Inaangkat ay kumakatawan sa kabuuang mga inaangkat. Ang mga inaangkat ay binawasan dahil ang mga inaangkat na kalakal ay kasama sa mga terminong G, I, or C at dapat bawasan upang maiwasan ang pagbilang ng dayuhang suplay bilang domestiko.

Ang isang buong katumbas na depinsiyon ay ang GDP (Y) ang suma ng huling konsumpsiyong paggasta(final consumption expenditure o FCE), kabuuang nakapirmeng kapital na pormasyon(gross fixed capital formation o GCF), at net exports (X – M)/net na mga iniluluwas.

Y = FCE + GCF+ (X − M)

Ang FCE ay maaari pang hatiin sa tatlong mga sektor(mga sambahayan, pamahalaan at hindi para sa tubong mga institusyong nagsisilbi sa mga sambahayan) at ang GCF sa limang mga sektor(hindi-pinansiya na mga korporasyon, mga pinansiyal na korporasyon, mga sambahayan, mga pamahalaan, at hindi para sa tubong mga institusyon na nagsisilbi sa mga sambahayan). Ang pakinabang ng ikalawang depinisyong ito ay ang paggasta ay sistemang nahati ayon sa uri ng huling paggamit(huling konsumpsiyon o kapital na pormasyon) at ikalawa ayon sa mga sektor na gumagawa ng paggasta samantalang ang unang depinisyon ay isang bahaging sumusunod sa isang halong delimitasyong konsepto ayon sa uri ng huling paggamit at sektor.

Dapat tandaan na ang C, G, ay I ang mga paggasta sa mga huling kalakal at serbisyo; ang mga paggasta sa panggitnang mga kalakal at serbisyo ay hindi binibilang(ang mga panggitnang kalakal at serbisyon na ginagamit ng mga negosyo upang lumikha ng ibang mga kalakal at serbisyo sa loob ng taong akawnting).[5]

Ayon sa U.S. Bureau of Economic Analysis na responsable sa pagkukwenta ng pambansang mga akawnt sa Estados Unidos, "Sa pangkalahatan, ang pinagkukunang datos para sa mga sangkap na paggasta ay itinuturing na mas maasahan kesa sa mga sangkap na sahod."[6]

Mga halimbawa ng mga bariabulong sangkap ng GDP

baguhin

C, I, G, at NX(net exports): Kung ang isang tao ay gumagasta ng persa upang magsagawa ng renobasyon sa isang hotel upang tumaas ang rate ng paggamit nito, ang paggasta ay kumakatawan sa pribadong pamumuhunan ngunit kung ito ay bibili ng mga bahagi(shares) sa isang konsorsiyum upang isagawa ng renobasyon, ito ay pagtitipiad. Ang una ay kinabibilangan kapag sinusukat ang GDP (sa I), ang huli ay hindi. Gayunpaman, kapat ang konsorsiyum ay nagsagawa ng sarili nitong paggasta sa renobasyon, ang paggastang ito ay mabibilang sa GDP.

Kung ang hotel ay isang pribadong tahanan, ang paggasta sa renobasyon ay masusukat bilang consumption/konsumpsiyon ngunit kung ang isang ahensiya ng pamahalaan ay nagkonberte ng hotel sa isang opisina para sa mga empleyado nitong sibil, ang paggasta ay ibibilang sa paggasta ng publikong sektor o G.

Kung ang renobasyon ay kinasasangkutan ng pagbili ng isang chandelier mula sa ibang bansa, ang paggastang ito ay ibinibilang na C, G, o I (depende sa kung ang isang pribadong indibidwal, pamahalaan o isang negosyo ang gumagawa ng renobasyon), ngunit ibinibilang mula bilang inaangkat at binabawas mula sa GDP upang GDP ang bumilang lamang ng mga kalakal na nililikha sa loob ng isang bansa.

Kung ang isang prodyuser na domestiko ay binayaran upang gumawa ng chandelier para isang dayuhang hotel, ang kabayaran ay hindi mabibilang na C, G, o I ngunit mabibilang na isang iniluwas(export).

 
Mga rate ng real na paglagong GDP para sa 2010

Ang isang "hangganang produksiyon" na nagdedelimita kung ano ang mabibilang bilang GDP.

"Ang isa sa mga pundamental na tanong na dapat matugon sa paghahanda ng pambansang ekonomikong mga akawnt ay kung paano ilarawan ang produksiyong hangganan- na kung anong mga bahagi ng malaking mga gawaing pantao ay dapat isama o hindi isima mula sa sukat ng produksiyong ekonomika."[7]

Ang lahat ng output para sa pamilihan ay kahit papaano sa teoriya ay kasama sa loob ng hangganan. Ang output ng pamilihan ay inilalarawan na kung alin ang ibinibenta para sa "mahalaga sa ekonomikong" mga presyo. Ang mahalaga sa ekonomikong mga presyo ang "mga presyo na isang malaking impluwensiya sa mga halaga na handang isuplay ng mga prodyuser at mga nais bilhin ng mga mamimili. "[8] Ang eksepsiyon ay ang mga ilegal na kalakal at serbisyo ay kadalasang hindi isinasama kahit pa ang mga ito ay ibinibenta sa mahalaga sa ekonomikong mga presyo(Ang mga ito ay hindi isinasama ng Australia at Estados Unidos).

Ito ay nag-iiwan ng hindi pamilihang output. Ito ay isang bahaging hindi isinasama at isang bahaging isinasama. Una, ang "mga natural na proseso nang walang pakikilahok o direksiyon ng tao ay hindi isinasama.[9] Gayundin, dapat ay mayroong isang tao o institusyon na nag-aari o pinagkaloob ng kompensasyon para sa produkto. Ang isang halimbawa ng isinasama at hindi isinasama ng mga kriteryang ito ay ibinigay ng ahensiyang pambansang mga akwant ng Estados Unidos: "ang paglago ng mga puno sa isang hindi nalinang na gubat ay hindi kabilang sa produksiyon ngunit ang pag-aani ng mga puno mula sa gubat na ito ay isinama." [10]

Sa loob ng mga limitasyon na inilarawan, ang hangganan ay karagdagan pang nililimithan ng "mga pang tungkuling pagsasaalang alang". [11] Ipinaliwanag ng Australian Bureau for Statistics ito: "Ang pambansang mga akawnt ay pangunahing itinatayo upang tulungan ang mga pamahalaan at iba upang gumawa ng nakabatay sa pamilihang patakarang pagpapasyang makroekonomiko, kabilang ang analisis ng mga pamilihan at mga paktor na umaapekto sa pagganap ng pamilihan gaya ng inplasyon at kawalang trabaho." Kaya ang produksiyon na ayon sa kanila ay , "relatibong independiyente at hiwalay mula sa mga pamilihan", o "mahirap na bigyang halaga sa isang ekonomikong makahulugang paraan"(i.e. mahirap na lagyan ng presyo) ay hindi isinama.[12]

Kaya hindi kasama ang mga serbisyong ibinibigay ng mga tao sa mga kasapi ng kanilang pamilya na libre sa bayad gaya ng pagpapalaki ng bata, paghahanda ng pagkain, paglilinis, tranportasyon, pag-aaliw ng mga kasapi ng pamilya, suportang emosyonal, pag-aalaga ng mga matatanda.[13] Ang karamihan ng iba pang produksiyon para sa sariling(o sa sariling pamilya) paggamit ay hindi rin isinasama na may dalawang mga kilalang ekspesiyon.

Ang hindi pamilihang output na kasama sa loob ng hangganan ay itinatala sa ibaba. Dahil sa depinisiyon, ang mga ito ay walang presyo ng pamilihan, ang mga tagatipon ng GDP ay dapat magtakda ng isang halaga sa mga ito na karaniwang ang halaga ng mga kalakal o serbisyong ginamit upang lumikha ng mga ito o ang halaga ng parehong item na ibinibenta sa pamilihan.

  • Ang mga kalakal o serbisyong ibinigay ng mga pamahalaan at ang mga hindi para sa tubong mga organisasyon na libre sa bayad o para sa hindi mahalaga sa ekonomikong mga presyo ay isinasama. Ang halaga ng mga kalakal at serbisyong ito ay tinatantiya na katumbas sa gastos ng kanilang produksiyon. Ito ay hindi nagbibigay pansin sa surplus ng konsumer na nilikha ng maigi at epektinong sinuplay ng pamahalaang inprastraktura. Ang ironiko dito, ang kawalan ng gayong mga inprastraktura na magreresulta sa mas mataas na mga presyo ng tubig(at malamang mas mataas na paggasta ng hospital at mga gamot) ay marereplekta sa isang mas mataas na GDP. Ito ay maaari ring magsanhi ng pagkiling na maling papabor sa hindi maiging pribatisasyon dahil ang ilang mga surplus ng konsumer mula sa mga pagbabenta ng mga kalakal at serbisyo ng mga pribatisadong entitad ay talagang rumireplekta sa GDP.[14]
  • Ang mga kalakal at serbisyong nilikha para sa sariling paggamit-ang paggamit ng mga negosyo ay tinatangkang isama. Ang isang halimbawa ng uring ito ang produksiyon ang isang makinang niliha ng isang negosyong inhinyerya para sa paggamit sa sarili nitong planta.
  • Ang mga renobasyon at pagmamantine ng indbidwal sa isang bahay na kanyang pag-aari at tinitirhan ay isinama. Ang halaga ng pagmamantine ay tinatantiya bilang renta na siya ay pagbabayarin para sa bahay kung hindi siya mismong tumira rito. Ito ang pinakamalaking item ng produksiyon para sa sariling paggamit ng isang indbidwal (na salungat sa isang negosyo) na ang mga tagatipon ay isinasama sa GDP.[14] Kung ang sukat ay gumagamit ng mga presyong historikal o aklat para sa real estate, ito ay mababang magtatantiya ng halaga ng real sa mga pamilihang real estate na nakaranas ng mahalagang pagtaas ng presyo(o mga ekonomiya na may pangkalahatang inplasyon). Sa karagdgan, ang mga skedyul ng depresiasyon para sa mga bahay ay kadalasan nagpapabilis ng itinuturing na depresiasyon na relatibo sa aktuwal na depresiasyon(ang isang mahusay na naitayong bahay ay maaaring tirhan ng ilang mga daang taon- isang napakahabang panahon pagkatapos ay buong na depresiyado). Sa buod, ito ay malamang pangkalahatang mababang matantiya ang halaga ng umiiral na stoc ng bahay sa aktuwal na konsumpsiyon o sahod ng mga konsumer.
  • Ang produksiyong agrikultural para sa konsumpsiyon ng sarili o sambahayan nito ay isinama.
  • Ang mga serbisyong(gaya ng pagmamantine ng akwante ng tseke at mga serbisyo sa mga humihiram) na ibinigay ng mga bangko at iba pang mga institusyong pinansiyal nang walang kabayaran o para sa isang bayad na hindi rumiriplekta sa kanilang buong halaga ay may halagang itinakda sa mga ito ng mga tagatipon at isinama. Ang mga institusyong pinansiya ay nagbibigay ng mga serbisyong ito sa pamamagitan ng pagbibigay sa kustomer ng isang kulang sa mapapakinabangang rate ng interest kesa kung ang mga serbisyong ito ay hindi umiiral. Ang halagang itinakda sa mga serbisyong ito ng mga tagatipon ang pagkakaiba sa pagitan ng rate ng interest ng akawnt sa mga serbisyon at ang rate ng interest ng isang katulad na akawnt na walang mga serbisyo. Ayon sa United States Bureau for Economic Analysis, ito ang isa sa pinakamalaking itinakdang mga item sa GDP.[15]

GDP vs GNP

baguhin

Ang GDP ay maaaring salungatin ng Kabuuang pambansang produkto(GNP) o Kabuuang pambansang sahod(GNI). Ang pagkakaiba ay ang GDP ay naglalarawan ng saklaw nito ayon sa lokasyon samantalang ang GNP ay naglalarawan ng saklaw nito ayon sa pag-aari. Sa isang pandaigdigang konteksto, ang ang GDP at GNP ng daigdig ay kaya magkatumbas na mga termino. Ang GDP ay produktong nilikha sa loob ng mga hangganan ng isang bansa. Ang GNP ay produktong nalikha ng mga mamamayan ng isang bansa at ang mga mamamayang ito ay hindi nag-ari ng produktibong mga negosyo sa anumang ibang mga bansa. Gayunpaman, sa kasanayan, ang pag-aaring dayuhan ay gumagawa sa GDP at GNP na hindi magkatulad. Ang produksiyon sa loob ng mga hangganan ng isang bansa ngunit ang isang negosyong pag-aari ng isang tao na nasa labas ng bansa ay nabibilang bilang bahagi ng GDP nito ngunit hindi ng GNP. Sa kabilang dako, ang produksiyon ng isang negosyong matatagpuan sa labas ng bansa ngunit pag-aari ng isa sa mga mamamayan nito ay nabibilang bilang bahagi ng GNP ngunit hindi ng GDP. Kung kukunin ang Estados Unidos bilang isang halimbawa, ang GNP ng Estados Unidos ang halaga ng output na nalikha ng mga pag-aari ng mga Amerikanong negosyo ng hindi isinasaalang alang kung saan matatagpuan ang mga negosyo. Gayundin, kung ang isang bansa ay nagiging tumataas sa utang at gumugol ng malaking mga halaga ng sahod upang bayaran ang utang na ito, ito ay makikita sa isang bumabang GNP ngunit hindi isang bumabang GDP. Ito ay gumagawa sa paggamit ng GDP na mas atraktibo para sa mga politiko sa mga bansang may tumataas na pambansang utang at bumababang mga asset. Ang Kabuuang pambansang sahod(GNI) ay katumbas ng GDP na dinagdagan ng mga resibo ng sahod mula sa natitirang mga bansa sa daigdig na binawasan ng mga kabayaran ng sahod sa natitirang mga bansa sa daigdig. [16]

Noong 1991, ang Estados Unidos ay lumipat sa paggamit ng GNP tungo sa paggamit ng GDP bilang pangunahing sukat nito ng produksiyon.[17] Ang relasyon sa pagitan ng GDP at GNP ng Estados Unidos ay ipinapakita sa tablang 1.7.5 ng National Income and Product Accounts.[18]

Mga pamantayang internasyonal

baguhin

Ang pamantayang internasyonal sa pagsukat ng GDP ay nilalaman sa aklat na System of National Accounts (1993) na inihanda ng mga kinatawan ng International Monetary Fund, European Union, Organization for Economic Co-operation and Development, United Nations at World Bank. Ang publikasyong ito ay normal na tinutukoy bilang SNA93 upang itangi ito mula sa mga nakaraang edisyong inilimbag noong 1968 (na tinawag na SNA68) [19]

Ang SNA93 ay nagbibigay ng hanay ng mga patakaran at pamamaraan para sa pagsukat ng mga pambansang akawnt. Ang mga pamantayan ay dinisenyo na mababago upang payagan ang mga pagkakaiba sa mga pangangailangang lokal na estadistikal at mga kondisyon.

Pambansang sukat

baguhin

Sa loob ng bawat bansa, ang GDP ay normal na sinusukat ng ahensiyang estadistikal ng pambansang pamahalaan dahil ang mga organisasyong pribadong sektor ay normal na walang paglapit sa impormasyong kinakailangan (lalo na ang paggasta at produksiyon ng mga pamahalaan).

Mga rate ng interes

baguhin

Ang net na gastos na interes ay isang kabayarang paglilipat sa lahat ng mga sektor maliban sa sektor na pinansiyal. Ang net na mga gastos na interest sa sektor pinansiyal ay nakikita bilang produksiyon at halagang idinagdag at idinadagdag sa GDP.

Nominal na GDP at mga pagsasaayos sa GDP

baguhin

Ang hilaw na pigura ng GDP gaya ng ibinigay ng mga ekwasyon sa itaas ay tinatawag na nominal, historikal o kasalukuyang GDP. Kapag kinukumpara ng isa ang mga pigura ng GDP mula sa isang taon hanggang sa isa, kanais nais na tumbasan para sa mga pagbabago sa halaga ng salapi, i.e para sa mga epekto ng inplasyon o deplasyon. Upang gawin itong mas makahulugan para sa mga taon-sa-taong mga paghahambing, ito ay maaaring paramihin ng rasyo sa pagitan ng halaga ng salapi sa taong ang GDP ay sinukat at ang halaga ng salapi sa basehang taong. Halimbawa, ipagpalagay na ang GDP ng isang noong 1990 ay $100 milyon at ang GDP nito noong 2000 ay $300 milyon. Ipagpalagay na ang inplasyon ay nahati sa kurensiya nito sa loob ng panahong ito. Upang makahulugang maikumpara ang GDP noong 2000 sa GDP nito noong 1990, maaari nating paramihin ang GDP noong 2000 ng kalahati(1/2) upang gawin itong relatibo sa 1990 bilang basehang taon. Ang resulta ay ang GDP noong 2000 ay katumbas ng $300 milyon × isang-kalahati = $150 milyon, noong 1990 mga terminong pang-salapi. Makikita nating ang GDP ng bansa ay realistikong tumaas sa 50 porsiyento sa loob ng panahong ito hindi 200 porsiyento kung paano it lilitaw mula sa hilaw na datos ng GDP. Ang isinaayos na GDP para sa mga pagbabago sa halaga ng salapi sa paraang ito ay tinatawag na real o konstanteng GDP. Ang paktor na ginamit upang konbertehin ang GDP mula sa kasalukuyan tungo sa mga halagang konstante sa paraang ito ay tinatawag na deplador ng GDP. Hindi tulad ng index ng presyo ng konsumer na sumusukat sa inplasyon at deplasyon sa presyo ng mga kalakal ng sambahayang konsumer, ang deplador ng GDP ay sumusukat ng mga pagbabago sa mga presyo ng lahat ng nilikha ng domestikong mga kalakal at serbisyon sa isang ekonomiya kabilang ang mga kalakal na pamumuhunan at mga serbisyo ng pamahalaan gayundin ang mga kalakal ng konsumpsiyon ng sambahayan.[20]

Ang konstanteng mga pigurang GDP ay pumapayag sa atin na kwentahin ang rate ng paglago ng GDP na nagpapakita kung gaano karami ang produksiyon ng bansa ay tumaas(o bumagsak kung ang rate ng paglago ay negatibo) kumpara sa nakaraang taon.

Ang real na rate ng paglago ng GDP para sa taong n = [(Real GDP sa taong n) − (Real GDP sa taong n − 1)] / (Real GDP sa taong n − 1)

Ang isa pang bagay na maaaring kanais nais na ipaliwanag ang paglago ng populasyon. Kung ang GDP ng isang bansa ay dumoble sa loob ng isang panahon, ngunit ang populasyon nito ay trumiple, ang pagtaas sa GDP ay hindi maaaring mangahulugang ang pamantayan ng pamumuhay ay tumaas para sa mga residente ng bansa. Ang aberaheng tao sa bansa ay lumilikha ng kaunti kesa bago nito. Ang kada kapitang GDP ay isang sukat upang ipaliwanag ang paglago ng populasyon.

Ang paghahambing ng magkahalong hangganan at PPP

baguhin

Ang lebel ng GDP sa iba't ibang mga bansa ay maaaring ikumpara sa pamamagitan ng pagkokonberte ng kanilang halaga sa pambansang kurensiya sa kasalukuyang rate ng palitan o ang rate ng palitan ng paridad ng kapangyarihang pagbili.

  • Ang rate ng palitan ng kurensiya ang rate ng palitan sa internasyonal na pamilihan ng kurensiya.
  • ang rate ng palitan ng paridad ng kapangyarihang pagbiling ang rate ng palitan batay sa paridad ng kapangyarihang pagbili(PPP) ng isang kurensiyang relatibo sa isang napiling pamantayan(karaniwang ang dolyar ng Estados Unidos). Ito ay isang komparatibo at teoretikal na rate ng palitan. Ang tanging paraan upang direktang matanto ang rate na ito ay ibenta ang buaong basket na CPI sa isang bansa, konbertehin ito sa cash sa pamilihan ng kurensiya at pagkatapos ay muling bilhin ang parehong basket ng mga kalakal sa ibang bansa(ng may kinonberteng cash). Sa pagpunta mula sa bansa sa bansa, ang distribusyon ng mga presyo sa loob ng basket ay mag-iiba. Sa karaniwa, ang mga hindi maikakalakal na mga binili ay kokonsumo ng isang mas malaking proporsiyon ng kabuuang gastos ng basket sa bansang may mas mataas na GP kasa epektong Balassa-Samuelson. Ang pagraranggo ng mga bansa ay maaaring labis na iba batay sa kung anong paraan ang ginamit.
  • Ang paraang kasalukuyang rate ng palitan ay kumokonberte sa halaga ng mga kalakal at serbisyo gamit ang pandaigdigan mga rate ng palitan ng kurensiya. Ang paraang ito ay maaaring magbigay ng mas mabuting mga indikasyon ng internasyonal na kapangyarihang pagbili ng isang bansa at ang relatibong lakas ekonomiko nito. Halimbawa, kung ang 10% ng GDP ay ginugugol sa pagbili ng mga sandatang high tech ng dayuhan, ang bilang ng mga sandatang binili ay buong pinangangasiwaan ng kasalukuyang mga rate ng palitan dahil ang mga sandata ay isang kinakalakal na produktong binili sa pamilihang internasyonal. Walang makahulugang presyong lokal na natatangi mula sa presyong internasyonal para sa mga kalakal na high tech.
  • Ang paraang paridad ng kapangyarihang pagbili ay nagpapaliwanag ng relatibong epektibong kapangyarihang pagbili ng aberaheng prodyuser o konsumer sa loob ng isang ekonomiya. Ang paraan ay maaaring magbigay ng isang mas mabuting indikador ng mga pamantayan ng pamumuhay ng hindi maunlad na mga bansa dahil ito ay nagpupuno sa kahinaan ng mga lokal na kurensiya sa mga pamilihang internasyonal. Halimbawa, ang India ay nirangguhan na ika-10 sa nominal na GDP ngunit ikatlo sa PPP. Ang paraang PPP ng konbersiyon ng GDP ay mas mahalaga sa mga hindi kinakalakal na mga kalakal at serbisyo.

May isang maliwanag na paterno ng paraang paridad ng kapangyarihang pagbili na nagpapababa ng disparidad sa GDP sa pagitan ng mataas at mababang sahod na mga bansa kumpara sa paraang kasalukuyang rate ng palitaan. Ang pagkakatuklas na ito ay tinatawag na epektong Penn.

Mga eksternalidad

baguhin

Ang GDP ay malawak na ginagamit ng mga ekonomista upang sukatin ang resesyonng ekonomiko at paggaling at ang pangkalahatang kakayahang pang-salapi ng isang ekonomiya na tugunan ang mga eksternalidad. Ito ay hindi para sukatin ang mga eksternalidad. Ito ay nagsisilbi bilang isang pangkalahatang metriko para sa nominal na pang-salaping pamantayan ng pamumuhay at hindi isinasaayos para sa mga gastos ng pamumuhay para sa isang rehiyon. Ang GDP ay isang neutral na sukat na tanging nagpapakita ng pangkalahatang kakayahan ng isang ekonomiya na magbayad para sa mga eksternalidad gaya ng mga pagkabahalang panlipunan at pangkapaligiran. [21] Examples of externalities include:

  • Distribusyon ng kayaman  – Ang GDP ay hindi nagpapaliwanag para sa mga bariansa sa mga sahod ng iba't ibang mga pangkat demograpiko.
  • Mga transaksiyong hindi-pamilihan– Ang GDP ay hindi nagsasama ng mga gawain na hindi ibinibigay sa pamamagitan ng pamilihan gaya ng produksiyon ng sambahayan at boluntaryo o hindi binabayarang mga serbisyo. Bilang resulta, ang GDP ay nalilimitahan. Ang hindi nabayarang trabaho na isinagawa sa malayang sopwer gaya ng GNU/Linux ay hindi nag-aambag sa GDP ngunit tinantiyang magkakagastos ng higit sa isang bilyong US dolyar para sa isang kompanyang pangkalakalan (commercial) na umunlad. Gayundin, kung ang malayang sopwer ay naging katulad ng kapilas nitong proprietaryong sopwer, at ang bansang lumilikha ng proprietaryong sopwer ay tumigil sa pagbili ng proprietaryong sopwer at lumipat sa malaya at libreng sopwer, kung gayon ang GDP ng bansang ito ay liliit. Gayunpaman, walang pagbabawas sa produksiyong ekonomiko o pamantayan ng pamumuhay. Ang trabaho ng ekonomista ng New Zealand na si Marilyn Waring ay nagbigay ng diin na kung ang isang magkaisang pagtatangka na paktor ay isinagawa, kung gayon ito ay sa isang bahagi mag-aalis ng mga kawalang hustisya ng hindi nabayarang (sa ilang mga kaso ay alipin) trabaho at magbibigay rin ng transparensiyang pampolitika at akawntabilidad na kailangan para sa demokrasya. Sa paglalaglag ng ilang duda sa pag-aangkin ito gayunpaman ay isang teoriya na nagpanalo sa ekonomistang si Douglas North ng Gantimpalang Nobel para sa ekonomika noong 1993. Ikinatwiran ni North na ang paghikayat ng pribadong inbensiyon at negosyo sanhi ng paglikha at pagpapalaks ng sistemang patento ay naging katalistang pundamental sa Himagsikang Industriyal sa Inglatera.
  • Ekonomiya sa ilalim ng lupa– Ang mga opisyal na pagtatantiya ng GDP ay maaaring hindi magsaalang alang ng ekonomiya sa ilalim ng lupa kung saan ang mga transaksiyon na nag-aambag sa produksiyon gaya ng ilegal na kalakalan at mga gawaing umiiwas sa buwis ay hindi naiuulat na nagsasanhi sa GDP na mababa.
  • Halagang asset – Ang GDP ay hindi nagsasaalang alang ng halaga ng lahat ng mga asset sa ekonomiya. Ito ay tulad ng hindi pagpansin sa balanseng sheet ng isang kompanya at hinahatulan lamang ito sa basehan ng pangungusap ng sahod.
  • Ekonomiyang hindi pang-salapi– Ang GDP ay nag-aalis ng mga ekonomiya kung saan walang salapi ang nasasangkot na reresulta sa hindi tiyak o abnrmal na mababang mga pigurang GDP. Halimbawa, sa mga bansang may pangunahing mga transaksiyong negosyo na nangyayari ng hindi pormal, ang mga bahagi ng lokal na ekonomiya ay hindi madalang narerehistro. Ang pagbabarter ay maaaring mas kilala kesa sa paggamit ng salapi at kahit nagpapalawig ng mga serbisyo(Tinulungan kitang itayo ang bahay mo 10 taon na nakalilipas kaya ako naman ang tulungan mo ngayon).
  • Ang GDP ay hindi rin pumapansin sa subsistensiyang produksiyon.
  • Mga pagpapabuti ng kalidad at pagsasama ng mga bagong produkto - Sa pamamagitan ng hindi pagsasaayos ng mga pagpapabuti ng kalidad at mga bagong produkto, ang GDP ay nagpapababa ng tunay na paglagong ekonomiko. Halimbawa, bagaman ang mga kompyuter ngayon ay hindi mas mahal at mas makapangyarihan kesa sa mga kompyuter sa nakaraan, tinatrato ng GDP ang mga ito na parehong mga produkto sa pamamagitan ng pagsasaalang alang lamang ng halagang pang-salapi. Ang pagpapakilala ng bagong mga produkto ay mahirap ring masukat at hindi makikita sa GDP sa kabila ng katotohanan na ito ay magpataas ng pamantayan ng pamumuhay. Halimbawa, kahit ang pinakamayamang tao mula 1900 ay hindi makabili ng mga pamantayang produkto gaya ng mga antibiotiko at cell phone na ang mga aberaheng konsumer ay nabibili ngayon dahil ang gayong mga modernong kaginhawaan ay hindi pa umiiral noon.
  • Kung ano ang nalilikha– Binibilang ng GDP ang trabahong hindi lumilikha ng net na pagbabago o ang nagreresulta mula sa pagkukumpuni ng mga ito. Halimbawa, ang muling pagtatayo ng pagkatapos ng isang natural na sakuna o digmaan ay maaaring lumikha ng isang malaking halaga ng gawaing ekonomiko at kaya ay magpataas ng GDP. Ang halagang ekonomiko ng pangangalaga ng kalusugan ay isa pang klasikong halimbawa. Ito ay maaaring magpataas ng GDP kung maraming mga tao ay may sakit at ang mga ito ay tumatanggap ng mamahaling paggamot ngunit ito ay hindi isang kanais nais na sitwasyon. Ang alternatibong mga pagtatantiyang ekonomiko gaya ng pamantayan ng pamumuhay o diskresyonaryong sahod kada capita ay sumusubok na sukatin ang utilidad pang tao ng gawaing ekonomiko.
  • Pagtutustos ng paglago– Ang GDP ay isang sukat ng historikong gawaing ekonomiko at hindi kinakailangang isang prodyeksiyon. Ang isang bansa ay maaaring magkamit ng isang temporaryong mataas na GDP mula sa paggamit ng mga natural na mapagkukunan o sa pamamagitan ng maling paglalaan ng pamumuhunan.
  • Ang Nominal na GDP ay hindi sumusukat ng mga bariasyon sa kapangyarihang pagbili o mga gastos ng pamumuhay ayon sa are kaya kapag ang pigura ng GDP ay nadeplado sa loob ng panahon, ang paglagong GDP ay maaaring labis na magbago batay sa basket ng mga kalakal at ang relatibong mga proporsiyong ginagamit upang ideplado ang pigura ng GDP.
  • Ang mga paghahambing ng magkahalong hangganan ng GDP ay maaaring hindi tumpak dahil ang mga ito ay hindi nagsasaalang alang mga lokal na mga pagkakaiba sa kalidad ng mga kalakal kahit pa ito ay isinaayon para sa paridad ng kapangyarihang pagbili. Ang uring ito ng pagsasaayos sa rate ng palitan ay kontrobersiyal dahil sa mga kahirapan ng paghahanap ng mga maihahambing na mga basket ng mga kalakal upang ikumpara ang kapangyarihang pagbili sa mga bansa. Halimbawa, ang mga tao sa bansang A ay maaaring kumonsumo ng parehong bilang ng mga lokal na prinodyus na mansanas gaya ng sa bansang B ngunit ang mga mansanas sa bansang A ay ng isang mas malasang uri. Ang pagkakaiba sa materya ay hindi makikita sa estadistika ng GDP. Ito ay lalong totoo para sa mga kalakal na hindi kinakalakal ng pandaigdigan gaya ng pabahay.
  • Bilang isang sukat ng mga aktuwal na presyo ng pagbebenta, ang GDP ay hindi kumukuha ng ekonomikong surplus sa pagitan ng presyong binayaran at ang subhektibong halagang natanggap at kaya ay mababang matatantiya ang utilidad.

Si Simon Kuznets sa kanyang pinaka unang ulat sa Kongreso ng Estados Unidos noong 1934 ay nagsaad na:[22]

...ang kapakanan ng isang bansa ay, kaya salat na mahihinuha mula sa isang sukat ng pambansang sahod...

Noong 1962, isinaad ni Kuznets na:[23]

Ang mga distinksiyon ay dapat panatilihin sa isip sa pagitan ng kantidad at kalidad ng paglago, sa pagitan ng mga gastos at pagbabalik, at sa pagitan ng maikli at mahabang pagtakbo. Ang mga layunin para sa mas maraming paglago ay dapat tumukoy ng mas maraming paglago ng ano at para sa ano.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Kung walang bilang ang magagamit para sa isang bansa mula sa IMF, ang mga pigura ng World Bank ang ginamit.
  2. French President seeks alternatives to GDP, The Guardian 14-09-2009.
    European Parliament, Policy Department Economic and Scientific Policy: Beyond GDP StudyPDF (1.47 MB)
  3. World Bank, Statistical Manual >> National Accounts >> GDP–final output Naka-arkibo 2010-04-16 sa Wayback Machine., retrieved Oktubre 2009.
    "User's guide: Background information on GDP and GDP deflator". HM Treasury.
    "Measuring the Economy: A Primer on GDP and the National Income and Product Accounts" (PDF). Bureau of Economic Analysis.
  4. United States Bureau of Economic Analysis, A guide to the National Income and Product Accounts of the United StatesPDF, page 5; retrieved Nobyembre 2009. Another term, "business current transfer payments," may be added. Also, the document indicates that Capital Consumption Adjustment (CCAdj) and Inventory Valuation Adjustment (IVA) are applied to the proprietor's income and corporate profits terms; and CCAdj is applied to rental income.
  5. Thayer Watkins, San José State University Department of Economics, "Gross Domestic Product from the Transactions Table for an Economy" Naka-arkibo 2012-08-25 sa Wayback Machine., commentary to first table, " Transactions Table for an Economy". (Page retrieved Nobyembre 2009.)
  6. Concepts and Methods of the United States National Income and Product Accounts, chap. 2.
  7. BEA, Concepts and Methods of the United States National Income and Product Accounts, p 12.
  8. Australian National Accounts: Concepts, Sources and Methods, 2000, sections 3.5 and 4.15.
  9. This and the following statement on entitlement to compensation are from Australian National Accounts: Concepts, Sources and Methods, 2000, section 4.6.
  10. Concepts and Methods of the United States National Income and Product Accounts, page 2-2.
  11. Concepts and Methods of the United States National Income and Product Accounts, page 2-2.
  12. Australian National Accounts: Concepts, Sources and Methods, 2000, section 4.4.
  13. Concepts and Methods of the United States National Income and Product Accounts, page 2-2; and Australian National Accounts: Concepts, Sources and Methods, 2000, section 4.4.
  14. 14.0 14.1 Concepts and Methods of the United States National Income and Product Accounts, page 2-4.
  15. Concepts and Methods of the United States National Income and Product Accounts, page 2-5.
  16. Lequiller, François; Blades, Derek (2006). Understanding National Accounts. OECD. p. 18. ISBN 978-92-64-02566-0. To convert GDP into GNI, it is necessary to add the income received by resident units from abroad and deduct the income created by production in the country but transferred to units residing abroad.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. United States, Bureau of Economic Analysis, Glossary, "GDP" Naka-arkibo 2018-01-29 sa Wayback Machine.. Retrieved Nobyembre 2009.
  18. "U.S. Department of Commerce. Bureau of Economic Analysis". Bea.gov. 2009-10-21. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-21. Nakuha noong 2010-07-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "National Accounts". Central Bureau of Statistics. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-04-16. Nakuha noong 2011-06-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. HM Treasury, Background information on GDP and GDP deflator
    Some of the complications involved in comparing national accounts from different years are explained in this World Bank document Naka-arkibo 2010-06-16 sa Wayback Machine..
  21. "Eric Zencey-G.D.P. R.I.P." Nytimes.com. Agosto 2009. Nakuha noong 2011-01-31.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Congress commissioned Kuznets to create a system that would measure the nation's productivity in order to better understand how to tackle the Great Depression.Simon Kuznets, 1934. "National Income, 1929–1932". 73rd US Congress, 2d session, Senate document no. 124, page 5-7 Simon Kuznets, 1934. "National Income, 1929–1932". 73rd US Congress, 2d session, Senate document no. 124, page 5-7 Simon Kuznets, 1934. "National Income, 1929–1932". 73rd US Congress, 2d session, Senate document no. 124, page 5-7. https://fraser.stlouisfed.org/title/971
  23. Simon Kuznets. "How To Judge Quality". The New Republic, 20 Oktubre 1962