Kagawaran ng Repormang Pansakahan
Ang Kagawaran ng Repormang Pansakahan ng Pilipinas (Ingles: Department of Agrarian Reform, o DAR) ay isang kagawarang tagapagpaganap ng Pamahalaan ng Pilipinas na itinakdang magsagawa ng lahat ng mga programang reporma sa lupa (partikular ang repormang pansakahan) sa bansa, na may layuning itaguyod ang katarungang panlipunan at industriyalisasyon.
Kagawaran ng Repormang Pansakahan Department of Agrarian Reform | |
---|---|
Inilunsad | 1 Setyembre 1971 |
Kalihim | Conrado Estrella III |
Salaping Gugulin | PHP1.762 bilyon (2008)[1] |
Websayt | www.dar.gov.ph |
Kasaysayan
baguhinNagtapos ang reporma sa lupa sa Pilipinas noong 1963 nang kinailangang likhain ang Pangasiwaan sa Lupa dahil sa Seksiyon 49 ng Batas Republika Blg. 3544, o ang Kodigo sa Pansakang Reporma sa Lupa (Agricultural Land Reform Code). Tinakdaan ang ahensiyang ito ng gawaing ipatupad ang mga panuntunan na nakalahad sa Batas Republika Blg. 3844 at nilikha noong 8 Agosto 1963. Binago ng Batas Republika Blg. 3844 ang kahanayan ng mga ahensiyang kaugnay sa mga takdang gawain na pang-reporma sa lupa at itinuwid ang kanilang mga kaatasan tungo sa pagkakamit ng mga karaniwang layunin ng programang pang-reporma sa lupa.
Noong 10 Setyembre 1971, nilagdaan ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Batas Republika Blg. 6389 bilang batas, na kilala rin sa tawag na Kodigo ng Repormang Pansakahan ng Pilipinas (Code of Agrarian Reform of the Philippines). Ipinatutupad ng ika-49 Seksiyon ng batas na ito ang pagtatatag ng bagong kagawarang may sariling-kakayahan, ang Kagawaran ng Repormang Pansakahan, at epektibo itong pumalit sa Pangasiwaang Panlupa. Noong 1978, sa ilalim ng batasang porma ng pamahalaan, pinalitan ang pangalan ng DAR na naging Ministro ng Repormang Pansakahan.
Noong 26 Hulyo 1987, inorganisa ang kayarian at gawain ng departamento sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 129-A.
Noong 1988, nilagdaan ang Batas Republika Blg. 6657, kilala rin bilang Pinalawak na Batas sa Repormang Pansakahan (Comprehensive Agrarian Reform Law o CARL), at naging saligang-batas para sa pagpapatupad ng Pinalawak na Programa sa Repormang Pansakahan (Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP). Isa ring itong batas na nagbubunsod sa CARP na may layuning itaguyod ang katarungang panlipunan at industriyalisasyon. Ibinibigay din ng RA 6657 ang isang mekanismo para sa pagpapairal nito. Nilagdaan ito ng dating pangulong Corazon C. Aquino noong 10 Hunyo 1988.
Noong 27 Setyembre 2004, nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Kautusang Tagapagpaganap (Executive Order) Blg. 364, at muling pinangalan ang Kagawaran ng Repormang Pansakahan bilang Kagawaran ng Reporma sa Lupa. Pinalawak ng kautusang ito ang sakop ng kagawaran, na nagtatakda ng pangangamahala para sa lahat ng mga pagbabagong panglupain sa bansa. Ito rin ang naglalagay sa Komisyon sa Urbanong Mahihirap ng Pilipinas (Philippine Commission on Urban Poor o PCUP) sa ilalim ng pangangasiwa at kapangyarihan nito. Naging sakop din ng pangangasiwa ng bagong departamentong ito ang pagkilala sa pagmamay-ari ng dominyong makaninuno ng mga katutubong mamamayan, sa ilalim ng Pambansang Komisyon sa mga Katutubong Mamamayan (National Commission on Indigenous Peoples o NCIP).[2]
Noong 23 Agosto 2005, nilagdaan ni Pangulong Arroyo ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 456, at muling pinangalanan ang Kagawaran ng Reporma sa Lupa pabalik sa dating pangalang Kagawaran ng Repormang Pansakahan, sapagkat "sumasakop ang Batas ng Komprehensibong Repormang Pansakahan hindi lamang sa reporma sa lupa kundi maging sa kabuoan ng lahat ng mga nauugnay at sumusuportang palingkurang dinisenyo upang iangat ang katayuang pangkabuhayan ng mga tatanggap ng benepisyo."[3][4]
Tala ng mga Kalihim/Ministro ng Repormang Pansakahan
baguhin(*) Pansamantalang Tagapamalakad (**) Ad Interim
Bilang | Pangalan | Buwang nagsimula | Buwang nagtapos | Pangulong pinaglingkuran | |
---|---|---|---|---|---|
Kalihim ng Repormang Pansakahan | |||||
1 | Condrado F. Estrella | Setyembre 10, 1971 | Hunyo 1978 | Ferdinand Marcos | |
Ministro ng Repormang Pansakahan | |||||
Conrado F. Estrella | Hunyo 1978 | Pebrero 25, 1986 | Ferdinand Marcos | ||
Pebrero 25, 1986 | Abril 30, 1986 | Corazon Aquino | |||
Kalihim ng Repormang Pansakahan | |||||
2 | Heherson T. Alvarez | Mayo 1, 1986 | Marso 7, 1987 | Corazon C. Aquino | |
3 | Philip Ella Juico | Hulyo 23, 1987 | Hulyo 1, 1989 | ||
4 | Miriam Defensor-Santiago | Hulyo 20, 1989 | Enero 4, 1990 | ||
5 | Florencio B. Abad | Enero 4, 1990 | Abril 5, 1990 | ||
6 | Benjamin T. Leong | Abril 6, 1990 | Hunyo 30, 1992 | ||
7 | Ernesto D. Garilao | Hunyo 30, 1992 | Hunyo 30, 1998 | Fidel V. Ramos | |
8 | Horacio R. Morales | Hunyo 30, 1998 | Enero 20, 2001 | Joseph Ejercito Estrada | |
Enero 20, 2001 | Pebrero 11, 2001 | Gloria Macapagal-Arroyo | |||
9 | Hernani A. Braganza | Pebrero 12, 2001 | Enero 15, 2003 | ||
10 | Roberto M. Pagdanganan | Enero 20, 2003 | Enero 20, 2004 | ||
* | Jose Mari B. Ponce | Pebrero 20, 2004 | Agosto 24, 2004 | ||
11 | Rene C. Villa | Agosto 26, 2004 | Setyembre 27, 2004 | ||
Kalihim ng Reporma sa Lupa | |||||
Rene C. Villa | Setyembre 27, 2004 | Hulyo 8, 2005 | Gloria Macapagal Arroyo | ||
12 | Nasser C. Pangandaman | Hulyo 8, 2005 | Agosto 23, 2005 | ||
Kalihim ng Repormang Pansakahan | |||||
Nasser C. Pangandaman | Agosto 23, 2005 | Hunyo 30, 2010 | Gloria Macapagal Arroyo | ||
13 | Virgilio Gil R. de los Reyes | Hunyo 30, 2010 | Hunyo 30, 2016 | Benigno S. Aquino III | |
** | Rafael V. Mariano | Hunyo 30, 2016 | Setyembre 6, 2017 | Rodrigo Roa Duterte | |
* | Rosalina Bistoyong | Setyembre 12, 2017 | Nobyembre 30, 2017 | ||
14 | John Castriciones | Disyembre 1, 2017 | Oktubre 8, 2021 | ||
* | Bernie F. Cruz | Oktubre 28, 2021 | Hunyo 20, 2022 | ||
David D. Erro (OIC) | Hunyo 22, 2022 | Hunyo 30, 2022 | |||
15 | Conrado Estrella III | Hunyo 30, 2022 | Kasalukuyan | Bongbong Marcos |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Salaping Gugulin ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan-2008[patay na link]
- ↑ "Kautusang Tagapagpaganap Blg. 364". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-05-24. Nakuha noong 2008-08-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kautusang Tagapagpaganap Blg. 456". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2010-01-10. Nakuha noong 2008-08-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Salin mula sa Ingles na: "the Comprehensive Agrarian Reform Law goes beyond just land reform but includes the totality of all factors and support services designed to lift the economic status of the beneficiaries."