Kalye Dimasalang
Ang Kalye Dimasalang (Ingles: Dimasalang Street) ay isang pangunahing lansangan sa Lungsod ng Maynila, Pilipinas. May haba itong 1.9 kilometro (1.2 milya) na kumokonekta ng Kalye Laong Laan at Abenida Lacson sa Daang Blumentritt sa distrito ng Santa Cruz. Sa katimugang dulo nito matatagpuan ang Dangwa, isang kilalang pamilihan ng mga bulaklak.
Kalye Dimasalang Dimasalang Street | |
---|---|
Daang Dimasalang (Dimasalang Street) | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 1.9 km (1.2 mi) |
Bahagi ng | |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga | N160 (Daang Blumentritt) |
Dulo sa timog | N140 (Lacson Avenue) at Kalye Laong Laan |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | Maynila |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Itinakda ang Kalye Dimasalang bilang Pambansang Ruta Blg. 162 (N162) ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas at isa sa mga bahagi ng Daang Radyal Blg. 8 ng sistemang pamilang ng mga lansangan ng Kalakhang Maynila.
Maliban sa Bulaklakan ng Dangwa, ilan sa mga kilalang pook-palatandaan sa kalye ay ang Terminal ng Bus ng Dangwa at Pangkalahatang Ospital at Sentrong Medikal ng Tsino.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Transportasyon at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.