Katedral ng Santa Maria ng Asuncion, Jakarta

Simbahan sa Indonesia

Ang Katedral ng Jakarta (Indones: Gereja Katedral Jakarta, Olandes: Kathedraal van Jakarta) ay isang Katoliko Romanong katedral sa Jakarta, Indonesia, na kung saan ito ang luklukan din ng Katoliko Romanog Arsobispo ng Jakarta, kasalukuyang si Arsobispo Ignatius Suharyo Hardjoatmodjo.[1] Ang opisyal na pangalan nito ay Gereja Santa Perawan Maria Diangkat ke Surga (mula sa Olandes, De Kerk van Onze Lieve Vrouwe ten Hemelopneming, sa Tagalog: Katedral ng Santa Maria ng Asuncion). Ang kasalukuyang katedral ay itinalaga noong 1901 at itinayo sa estilong neogotiko style, isang pangkaraniwang estilo ng arkitektura sa pagtatayo ng mga simbahan sa panahong iyon. Ang Katedral ng Jakarta ay matatagpuan sa Sentrong Jakarta malapit sa Plaza Merdeka at Palasyo Merdeka, at sa harap mismo ng katedral nakatayo ang Masjid Istiqlal.

Ang Simbahan ng Mahal na Ina ng Asuncion
Ang Simbahan ng Mahal na Ina ng Asuncion is located in Jakarta
Ang Simbahan ng Mahal na Ina ng Asuncion
Ang Simbahan ng Mahal na Ina ng Asuncion
6°10′09″S 106°49′59″E / 6.169257°S 106.833069°E / -6.169257; 106.833069
LokasyonSawah Besar Subdistrito, Sentrong Jakarta, DKI Jakarta, Indonesia
DenominasyonKatoliko Romano
Websaythttp://www.katedraljakarta.or.id/
Kasaysayan
ConsecratedAbril 21 1901
Arkitektura
EstadoKatedral
ArkitektoAntonius Dijkmans, SJ
IstiloNeogotiko
Pasinaya sa pagpapatayo1891
Natapos1901
Halaga ng konstruksiyon628,000 Gulden na Olandes (noong 1891)
Detalye
Haba60 metro (200 tal)
Lapad10 metro (33 tal)
Taas60 metro (200 tal)
Number of spires3
Spire height60 metro (200 tal)
Materyal na ginamitladrilyong tinapalan ng palitada, tekang kahoy para sa bubong, at asero para sa konstruksiyon ng espira
Pamamahala
DeanerySentrong Jakarta
ArkidiyosesisArchdiocese of Jakarta

Kasaysayan

baguhin
 
Ang katedral bandang 1870–1900

Matapos ang pagdating ng Dutch East India Company noong 1619, ang Simbahang Katolika Romano ay pinagbawalan sa Silangang Indiyas ng Olanda at nalimitahan sa Flores at Timor. Kilala ang Netherlands na suportahan ang Protestantismo at sinubukang limitahan ang impluwensiya at awtoridad ng Banal na Luklukan. Sa panahon ng Digmaang Napoleoniko, ang Netherlands, kasama ang Dutch East Indies at iba pang mga kolonya nito, ay nahulog sa ilalim ng kontrol ng Imperyo ng Pransiya. Noong 1806, itinalaga ni Napoleon Bonaparte ang kaniyang nakababatang kapatid na Katoliko na si Louis Napoleon (Olandes: Lodewijk) bilang Hari ng Netherlands. Simula noon, ang Simbahang Katolika ay malayang kumilos sa Dutch East Indies.[2]

Ang Komisyong Heneral ng Batavia, si Du Bus de Gisignies (1825-1830), ay kinilala sa pagbibigay ng lupain upang maitayo ang unang simbahang Katoliko sa Batavia. Ang dating tirahan ni General de Kock sa lugar ng Weltevredeen ay binago upang maging isang simbahan. Binasbasan at pinasinayaan ni Monseigneur Prinsen ang simbahan noong Nobyembre 6, 1829 at pinangalanan itong "Mahal na Ina ng Asuncion". Ang simbahan ay binago noong 1859, ngunit gumuho noong 9 Abril 1890.[2]

Ang kasalukuyang simbahan ay ang estrukturang itinayo sa pagitan ng 1891 at 1901. Si Pastor Antonius Dijkmans, SJ ay hinirang bilang arkitekto. Ang konstruksiyon ay natigil dahil sa kakulangan ng pondo, ngunit ang bagong obispo ng simbahan na si Mgr ES Luypen, SJ, ay nagtipon ng kinakailangang pondo mula sa Netherlands, at ipinagpatuloy ni arkitekto MJ Hulswit ang pagtatayo noong 1899.[3] Ang "De Kerk van Onze Lieve Vrowe ten Hemelopneming - Simbahan ng Mahal na Ina ng Asuncion" ay binasbasan at pinasinayaan ni Mgr Edmundus Sybrandus Luypen, SJ noong 21 Abril 1901. Ang simbahan ay binago sa pagitan ng 1988 at 2002.[2]

Isang lagusan na nag-uugnay sa simbahang ito at sa Masjid Istiqlal ang kasalukuyang ginagawa. Inaasahang magtatapos ito sa Abril 2020.[4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Museum Gereja Katedral, Sejuta Pesona Gereja Katedral Jakarta, diterbitkan oleh Gereja St. Maria Diangkat ke Surga, Paroki Katedral Jakarta, 2005.
  2. 2.0 2.1 2.2 "Perjalanan Iman Gereja Katedral" (sa Indones). Jakarta: Museum Katedral. 2008.
  3. "1891 – 1901". Paroki Katedral Jakarta. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Nobiyembre 2020. Nakuha noong 12 November 2020. {{cite web}}: Check date values in: |archivedate= (tulong)
  4. "Jokowi Bangun 'Terowongan Silaturahmi' Istiqlal-Katedral". nasional (sa wikang Indones). Nakuha noong 2020-02-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin