Kim Novak
Si Kim Novak (ipinanganak bilang Marilyn Pauline Novak noong 13 Pebrero 1933) ay isang Amerikanang aktres na pampelikula at pantelebisyon. Ang una niyang mga pagganap sa mga pelikula ay sa Pushover at Phffft! (kapwa noong 1954), at ang kanyang pambihirang pananagumpay sa larangan ay ang sa pelikulang Picnic (1955). Sa loob ng tatlong sumunod na mga taon, lumitaw siya sa The Man with the Golden Arm (1955), The Eddy Duchin Story (1956), Pal Joey (1957), at Bell, Book and Candle (1958). Higit na nakikilala siya dahil sa kanyang papel bilang Judy Barton sa pang-1958 na pelikula ni Alfred Hitchcock na Vertigo. Humina pagkaraan ang karera ni Novak, at lumitaw siyang manaka-naka sa mga pelikula hanggang 1991. Retirado na sa ngayon, siya ay namumuhay sa piling ng kanyang asawang beterinaryo sa isang rantso sa Eagle Point, Oregon. Noong 2011, napangalanan siya bilang isa sa "100 Hottest Women of All-Time" (100 Pinaka Maiinit na mga Babae sa Lahat ng Panahon) ng Men's Health.[1]
Kim Novak | |
---|---|
Kapanganakan | Marilyn Pauline Novak 13 Pebrero 1933 Chicago, Illinois, Estados Unidos |
Aktibong taon | 1954–1991 |
Asawa | Richard Johnson (1965–66) Dr. Robert Malloy (1976–kasalukuyan) |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "The 100 Hottest Women of All-Time". Men's Health. 2011. Nakuha noong 31 Marso 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Artista, Pelikula at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.