Krus ni San Andres
Ang krus ni San Andres ay isang sagisag na krus na hugis ekis ( × ). Karaniwang may dalawang matalas na anggulo ito at dalawang anggulong bika na malawakang ginagamit sa heraldika at Beksilolohiya . Kinakatawan nito ang pagkamartir ni San Andres ang Apostol. Ayon ito sa isang sinaunang tradisyon na nagsasabing ang apostol ay ipinako sa krus sa Patras, kabisera ng lalawigan ng Achaia, sa Gresya . Itinali nila siya sa isang hugis X na krus at doon siya nagdusa nang tatlong araw. Ginamit niya ang mahabang panahong ito upang mangaral at magturo ng relihiyon sa lahat ng mga malalapit sa kanya.
Ito ay isang representasyon ng kababaang-loob at pagdurusa. Sa heraldika, ito ay sumasagisag sa walang talo at matapang na mandirigma sa labanan.
Ang isa pang anyo na magkaiba mula sa krus ni San Andres ay ang Krus ng Borgonya .
Gamit sa watawatBaguhin
Watawat ng Estado ng Burgundian
Bandila ng Imperyo ng Espanya .
Bandila ng Himagsik na Quito .
Bandila ng Estado ng Quito .
Unang Bandila ng Peru, 1821
Watawat pandigma ng Confederate States of America
Nova Scotia ( Canada )
Amsterdam ( Netherlands )
Breda ( Netherlands )
Wijchen, Gelderland ( Netherlands )
Fuenterrabía ( Espanya )
Peñamellera Baja, Asturias, ( Spain )
Arrigorriaga, Vizcaya ( Espanya )
Esparraguera, Barcelona ( Espanya )
Gamit sa heraldikaaBaguhin
Coat of arm ng Amsterdam ( Netherlands )
Shield ng Guadalajara ( Mexico )
Kalasag ni Haring Juan Carlos I ng Espanya .
Coat of arm ng Saint-Maudan ( Pransya )
Coat of arm ng Mussy-sur-Seine ( Pransya )
Shield ng Esparraguera ( Espanya )
Pulis ng Casas de Miravete ( Espanya ), dating kilala bilang Las Ventas de San Andrés
Iba pang paggamitBaguhin
- Ang Krus ni San Andres, ay ang simbolong "ekis" ( × ) sa multiplikasyon . [1]
- Magagawa ang simbolong ito sa Windows sa pamamagitan ng Alt + 1 5 8.