Lalawigan ng Chanthaburi

Ang Chanthaburi (Thai: จันทบุรี, binibigkas [tɕān.tʰá(ʔ).bū.rīː]; Chong: จันกะบูย chankabui,[4] lit. na 'Ginang Chan, Na may kawali sa kaniyang ulo''[5]) ay isa sa pitong probinsya (changwat) sa silangang Taylandiya, sa hangganan ng Battambang at Pailin ng Camboya, sa baybayin ng Golpo ng Taylandiya. Ang mga karatig na lalawigan ay ang Trat sa silangan at ang Rayong, Chonburi, Chachoengsao, at Sa Kaeo sa kanluran at hilaga.

Chanthaburi

จันทบุรี
Pamayanang Chantaboon
Watawat ng Chanthaburi
Watawat
Opisyal na sagisag ng Chanthaburi
Sagisag
Palayaw: 
Mueang Chan
Bansag: 
"น้ำตกลือเลื่อง เมืองผลไม้ พริกไทยพันธุ์ดี อัญมณีมากเหลือ เสื่อจันทบูร สมบูรณ์ธรรมชาติ สมเด็จพระเจ้าตากสินมหาราช รวมญาติกู้ชาติที่จันทบุรี" ("Kilala sa talon, bayan ng Prutas, Mabuting paminta, masaganang hiyas, Banig Chanthaboon, mayaman sa kalikasan, muling pinagsama-sama ni Haring Taksin ng Dakila ang mga mamamayan at binawi ang ating kalayaan sa Chanthaburi")
Map of Thailand highlighting Chanthaburi province
Map of Thailand highlighting Chanthaburi province
CountryThailand
CapitalChanthaburi
Pamahalaan
 • GovernorSuthee Thongyam (simula 2020)
Lawak
 • Kabuuan6,338 km2 (2,447 milya kuwadrado)
Ranggo sa lawakIka-33
Populasyon
 (2018)[2]
 • Kabuuan536,496
 • RanggoIka-49
 • Kapal84.6/km2 (219/milya kuwadrado)
 • Ranggo sa densidadIka-57
Human Achievement Index
 • HAI (2017)0.5862 "average"
Ranked 38th
Sona ng orasUTC+7 (ICT)
Postal code
22xxx
Calling code039
Kodigo ng ISO 3166TH-22

Kasaysayan baguhin

 
Muog ng Tuek Dang, na itinayo ng mga tropang Pranses noong panahon ng krisis sa Paknam

Ang mga katutubo sa rehiyon ng Chantaburi ay ang Por. Ang mga Chong ay nanirahan sa lugar mula pa noong Kahariang Ayutthaya, at inaakalang mga unang naninirahan sa Camboya, posibleng nauna pa sa Khmer. Sa lalawigan ng Chantaburi, ang mga Chong ay higit na naninirahan sa mga distrito ng Khao Khitchakut, Pong Nam Ron, at Makham.[6]

Pagkatapos ng krisis sa Paknam noong 1893, sinakop ng kolonyal na tropang Pranses ang Chanthaburi, ibinalik ito noong 1905 nang isuko ng Taylandiya ang pagmamay-ari sa kanlurang bahagi ng Camboya. Ang isang makabuluhang minorya ng mga mamamayan ng Chanthaburi ay etnikong Biyetnames, na dumating doon sa tatlong alon: una noong ika-19 na siglo sa panahon ng mga anti Katoliko na pag-uusig sa Cochin China; isang pangalawang alon noong dekada '20 hanggang dekada '40 na tumakas sa Indotsinang Pranses; at ikatlong alon pagkatapos ng tagumpay ng komunista sa Vietnam noong 1975.[kailangan ng sanggunian] Ang bayan ng Chanthaburi ay naging luklukan ng isang Obispo ng Chanthaburi mula noong 1944.

Ang Chanthaburi ay dating mahalagang pinagmumulan ng mga hiyas, lalo na ang mga rubi at sapiro. Habang ang Katubigang Pamayanan ng Chanthaboon ay binuo mahigit tatlong siglo na ang nakalipas sa panahon ng paghahari ni Haring Narai sa pampang ng Ilog Mae Nam Chantaburi. Ito ay isang mahalagang lulan ng transportasyon at kalakalan. Sa paglipas ng mga taon, nawala ang ningning ng Katubigang Pamayanan ng Chanthaboon. Gayunpaman, sa nakalipas na dekada, ang mga lokal sa tulong ng mga opisyal na Taylandes ay nag-ambag sa muling pagkabuhay nito bilang isang pangunahing destinasyong kultural at panturismo.

Heograpiya baguhin

 
Tulay Taksin Maharat, isang bahagi ng Daang Chaloem Burapha Chonlathit, mga DIstrito ng Laem Sing at Tha Mai

Habang ang katimugang bahagi ng lalawigan ay nasa baybayin ng Golpo ng Taylandiya at sa gayon ay halos baybayin na alubyan na kapatagan, ang loob ng lalawigan ay bulubundukin. Ang Kabundukang Chanthaburi sa hilaga ay may pinakamataas na elebasyon sa lalawigan, ang 1,675 m mataas na bundok Khao Soi Dao Tai. Ang pangunahing ilog ng lalawigan ay ang Ilog Chanthaburi. Ang kabuuang lugar ng kagubatan ay 2,076 square kilometre (802 mi kuw) o 32.4 porsyento ng lugar panlalawigan.[7]

Kasama ang kalapit na lalawigan, ang Trat, ang Chanthaburi ay isang sentro ng pagmimina ng batong-hiyas, lalo na ang mga rubi at sapiro.[8] Ang mga tropikal na prutas ay kabilang din sa mga pangunahing produkto ng lalawigan. Noong 2000, naglinas ito ng halos 380,000 tonelada ng durian, na 45.57 porsiyento ng produksiyon ng durian ng Taylandiya, humigit-kumulang 27 porsiyento ng produksiyon ng buong mundo.[9][10]

Nasa loob ng mga hangganan ng lalawigan ang tatlong pambansang lalawigan: Pambansang Liwasan ng Namtok Phlio,[11] Pambansang Liwasan ng Khao Khitchakut,[12] at Pambansang Liwasan ng Khao Sip Ha Chan.[13] Ang lalawigan ay tahanan din ng Santuwaryong Ilahas ng Khao Soi Dao.

Mga pagkakahating pampangasiwaan baguhin

 
Mapa ng Chanthaburi na may 10 distrito

Pamahalaang panlalawigan baguhin

Ang lalawigan ay nahahati sa 10 distrito (mga amphoe). Ang mga ito ay hinati pa sa 76 na mga subdistrito (mga tambon) at 690 na mga nayon (muban).

  1. Mueang Chanthaburi
  2. Khlung
  3. Tha Mai
  4. Pong Nam Ron
  5. Makham
  6. Laem Sing
  7. Soi Dao
  8. Kaeng Hang Maeo
  9. Na Yai Am
  10. Khao Khitchakut

Mga sanggunian baguhin

  1. Advancing Human Development through the ASEAN Community, Thailand Human Development Report 2014, table 0:Basic Data (PDF) (Ulat). United Nations Development Programme (UNDP) Thailand. pp. 134–135. ISBN 978-974-680-368-7. Nakuha noong 17 January 2016, Data has been supplied by Land Development Department, Ministry of Agriculture and Cooperatives, at Wayback Machine.{{cite report}}: CS1 maint: postscript (link)[patay na link]
  2. "ร่ยงานสถิติจำนวนประชากรและบ้านประจำปี พ.ศ.2561" [Statistics, population and house statistics for the year 2018]. Registration Office Department of the Interior, Ministry of the Interior. stat.bora.dopa.go.th (sa Thai). 31 December 2018. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2 April 2019. Nakuha noong 20 June 2019.
  3. Human achievement index 2017 by National Economic and Social Development Board (NESDB), pages 1-40, maps 1-9, retrieved 14 September 2019, ISBN 978-974-9769-33-1
  4. องค์ บรรจุน. สยามหลากเผ่าหลายพันธุ์. กรุงเทพฯ: มติชน, 2553, หน้า 128 (sa Thai)
  5. ชอง จันทะบูย ฤาลมหายใจเฮือกสุดท้าย. OK Nation (sa Thai). 19 October 2012. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 10 Agosto 2016. Nakuha noong 20 May 2016.
  6. Pholdhampalit, Khetsirin (22 June 2019). "Chantaburi on the table". The Nation. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 22 Hunyo 2019. Nakuha noong 22 June 2019.
  7. "ตารางที่ 2 พี้นที่ป่าไม้ แยกรายจังหวัด พ.ศ.2562" [Table 2 Forest area Separate province year 2019] (sa Thai). 2019. Nakuha noong 6 April 2021, information, Forest statistics Year 2019{{cite web}}: CS1 maint: postscript (link)
  8. Chao Khong Ran. "ตำนานพลอยเมืองจันท์" [Legend of Chan rubies]. luckyjewelista (sa Thai).
  9. "Archived copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-03-16. Nakuha noong 2008-08-18.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link)
  10. "Archived copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-03-16. Nakuha noong 2008-08-18.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link)
  11. "Namtok Phlio National Park". Department of National Parks (Thailand). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 22 May 2013. Nakuha noong 25 September 2015.
  12. "Khao Khitchakut National Park". Department of National Parks (Thailand). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 22 May 2013. Nakuha noong 25 September 2015.
  13. "Khao Sip Ha Chan National Park". Department of National Parks (Thailand). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 26 September 2015. Nakuha noong 25 September 2015.

Mga panlabas na link baguhin

12°36′37″N 102°06′10″E / 12.61028°N 102.10278°E / 12.61028; 102.1027812°36′37″N 102°06′10″E / 12.61028°N 102.10278°E / 12.61028; 102.10278