Masbate

lalawigan ng Pilipinas
(Idinirekta mula sa Lalawigan ng Masbate)

Ang Masbate, opisyal na Lalawigan ng Masbate ay isang pulong lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Bikol. Binubuo ang lalawigan ng tatlong pangunahing mga pulo: Pulo ng Masbate, Ticao at Pulo ng Burias. Napagigitnaan ang lalawigan ng dalawang pangunahing mga pulo ng Pilipinas, sa timog ng pulo ng Luzon at ng mga kapuluan ng Kabisayaan. Pulitikal na kabahagi ng Kabikulan ang lalawigan subalit higit na malapit ang pagkakaugnay ng pulo sa Kabisayaan kung ang pagbabatayan ang bioheograpikal at pagkakalapit ng wika dito.

Masbate
Lalawigan ng Masbate
Watawat ng Masbate
Watawat
Opisyal na sagisag ng Masbate
Sagisag
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Masbate
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Masbate
Map
Mga koordinado: 12°16'N, 123°35'E
Bansa Pilipinas
RehiyonRehiyon ng Bikol
KabiseraLungsod ng Masbate
Pagkakatatag1864
Pamahalaan
 • UriSangguniang Panlalawigan
 • GobernadorAntonio Kho
 • Manghalalal566,578 na botante (2019)
Lawak
[1]
 • Kabuuan4,151.78 km2 (1,603.01 milya kuwadrado)
Populasyon
 (senso ng 2020)
 • Kabuuan908,920
 • Kapal220/km2 (570/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
187,299
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng lalawigan
 • Antas ng kahirapan20.20% (2021)[2]
 • Kita(2020)
 • Aset(2020)
 • Pananagutan(2020)
 • Paggasta(2020)
Pagkakahating administratibo
 • Mataas na urbanisadong lungsod0
 • Lungsod1
 • Bayan20
 • Barangay550
 • Mga distrito3
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigo postal
5400–5421
PSGC
054100000
Kodigong pantawag56
Kodigo ng ISO 3166PH-MAS
Klimatropikal na kagubatang klima
Mga wikaWikang Masbatenyo
Wikang Gitnang Bikol
Wikang Hiligaynon
Websaythttp://masbate.gov.ph/

Heographiya

baguhin

Mga Bayan

baguhin

Impormasyon tungkol sa mga bayan

baguhin

Milagros

baguhin

Ang Milagros ay unang naging silyo, baryo at munisipyo. Ang unang pangalan nito ay asid dahil malapit sa ilog ng asid ngunit pinalitan ito ng Milagros mula sa Kastilang salitang "Milagro" na ang ibig sabihin ay himala. Ito ay dahil sa isang himalang nangyari noong panahon. Ito ay may 27 na barangay. Ang pangunahing pinagkukunan ng ikabubuhay ay pangingisda, pagsasaka at pag–aalaga ng baka.

Mandaon

baguhin

Ang munisipyo ay nanggaling sa salitang "Mandaon" nanganguhulugan muhon. Ito ay ang bundok ng Elijan sa poblasyon na makikita ng pumapasok na manlalakbay kanit malayo pa. sa paglipas ng panahon. Ito na ang ginamit ng mga tao. Ang mandaon ay naging baryo ng Milagros at naging Munisipyo noong 1949.

Ang kasaysayan ng Mobo ay nagsmula noong ika-17 daantaon. Ito ang pinakamatandang bayan sa Masbate. Ito ang unang kapital ng Masbate sa kalagitnaang bahaging panahon ng Espanya. Nang ilipat ng governador ang kanayang tahanan sa Masbate, ang Masbate ang naging kapital. Noong 1910, ang Mobo ay naging baryo ng Masbate at naging munisipyo noong 1949. Ang Mobo ay mula sa kawayang panghuli sa alimango at hipon tinatawag na "bobo". Sa paglipas ng panahon ito ay naging Mobo.

Batuan

baguhin

Ang pook na ito ay nasa isla ng Ticao. Ito ay nagmula s pangalan ng bunga ng punong kahoy, "Batuan". Ito ay dating bahagi ng san Fernando at naging munispyo sa ilalalim ng RA 642 noong 11 Hunyo 1951. Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao at niyog ang kanilang produkto.

Cataingan

baguhin

Ang pook ng bayang ito ay naging bahagi ng pastulan ni Don Jose Muñoz, isang Kastila na naninirahan sa Maynila. Ang kanyang administrador ay gumawa ng maraming koral na naging kulungan ng mga Baka sa gabi. Dahil dito nagkalat ang dumi ng baka. Tinawag ito ng mga tao na "tai". Dahil sa pangit na salitang ito, minabuti nilang palitan ang "Kataihan" sa Cataingan. Ang Cataingan ay dating bahagi ng palanas at sa pamumuno ni Alejandro Yanson ito ay naging munisipyo noong 7 Hulyo 1885.

Claveria

baguhin

Noong unang panahon, ang isla ng Burias ay di pa naaabot ng tao. Sa paglipas ng panahon, ilang Bicolano at Tagalog ang unang naninirahan doon. Dahil sa kaunti lang ang populasyon, ito ang naging taguan ng mga Muslim noong panahon ng Kastila. Isang Gobernador-Heneral ng Espanya na si Narciso Claveria ay nakarating sa pook na ito sa pagtugis ng mga Muslim. Upang karapat-dapat na binigyang halaga nag pagdaong niya, pinagalanan niyang Claveria ang lugar na ito. Ito ay naging Munisipyo noong 1 Setyembre 1959 sa bisa ng R.A. blg. 2187. Pagsasaka ang pangunahing industriya at ang mga produkto ay copra, mais at bigas.

Palanas

baguhin

Ang pangalang "Palanas" ay kinuha sa salitang ang ibig sabihin ay malat at lantay na bato. Noong panahon ng Kastila. Ang palanas ay isa nang "Cabeza De Barangay" na pinamumunuan ng taga-dimasalang at napilitang ilipat ang pamumunuan doon. Naging Cabeza De Barangay ang dimasalang at ang palanas ay isang maliit barangay na lamang. Noong 11 Hunyo 1951, ito ay naging munispyo.

Pio V. Corpus

baguhin

Ang bayan ng Pio V. Corpus ay mahigit na 100 kilometro mula sa Masbate. Ito ay isang baryong pinangalanang limbuhan mula sa salitang "Limbo" na ang ibig sabihin ay ipu-ipo. Ito ay naging munisipyo sa bias ng proklamasyon noong 1951. ang bagong pangalan ay mula sa nasirang Don Pio V. Corpus, isang mambabatas. Ang pook na ito ay may lawak na 11,400 ektarya at 3,420 nito ay may kapatagan sa pangangalaga ng baka.

San Pascual

baguhin

Ang San Pascual ay isa sa dalawang munisipyo na binubuo ng isla ng burias. Noong 1569, ay di inaasahang natuklasan nina Martin De Goiti at Juan Salcedo ang Burias. Pinakawalan nila ang mag bilanggo sa islang ito. Nang ang pamahalaan ng Espanya ay nagpadala ng mga misyonero sa iba't ibang kapuluan, sila ay nagdala ng mga imahin ng santo. At isa rito ay si St. Pascual Baylon na naging paborito ng mga tao. Sa pagdami ng tao, ang pamahalaan ng Espanya ay nagtayo ng Pamahalaang Politico–Militar sa isla ng Burias. Ito ay hinati sa 2 munisipyo: San Pascual at Claveria.

Aroroy

baguhin

Ang pook ng Aroroy ay binigyan ng pangalan ng mga mangagalakal na Intsik na mangunguha ng ginto sa Ilog Guinobatan. Mula sa salitang "el oro" ginawa itong "aloloy" ng mga Intsik dahil sa kahirapan sa pagbikas ng "r" sa katagalan ng panahon ito ay ginawang "aroroy". Ang lumang pook ay nasa Lanang noong 17 dantaon ayon sa dokumeto sa "Royal Grants" na ngayon ay nasa pag-iingat ng mga may-ari ng lupa. Ito ay inilipat sa lungib ngunit dahils a namamtay ang tatlong pari sa pook na iyon, ito ay muling inilipat sa San Agustin. Ang San Agustin ay mahirap abutin ng transportasyon kaya ang munisipyo ay itinatag sa aroroy. Ang unang alkalde ay si Florentino Vital noong 1901.

Ang pook na ito ay nakilala dahil sa malalaking kalapati na ang tawag ay "Balud". Ito ay matatagpuan sa Timog Kanluran bahagi ng Masbate. Ito ay paharap sa Panay kaya ang unang namumuhay dito ay galing sa islang iyon. Dahil dito, ang naging salita ay Hiligaynon. Noong 948, ito ay bahagi ng munisipyo Milagros at nagkaroon ng kasarinlan noong 19 Agosto 1949. Ito ay may 32 barangay na may lawak na 22, 363 ektarya. Ang pangunahin produkto ay bigas at mais.

Baleno

baguhin

Ang Baleno ay orihinal na baryo ng Aroroy noong 1949. ayon sa nilikhang batas ito ay naging munisipyo ng lalawigan ng Masbate. Ito ay may 24 na barangay na may populasyon 20,000. Ang munisipyong ito ay mabundok at mga lawak ay 17,000 ektarya. Ang mga produkto rito ay kopra, bigas at mais. Pagsasaka at pangingisda ang kabuhayan ng mga tao.

Cawayan

baguhin

Ang mga tao na nagaling sa Cebu at Leyte ay naninirahan sa ilog Cawayan. Pinangalanan nila ang pook na ito ng "Corocawayan" mula sa isang halaman na kagaya ng Kawayan at tumutubo nang marami sa may ilog. Sa maraming taon, dumami ang populasyon ng corocawayan at noong 1937 ito ay naging baryo sa ilalim ng pamamahal ng Milagros. Pinaikli ang pangalan nito sa Cawayan, pagkatapos ng digmaan ito ay naging munisipyo noong 27 Agosto 1947 ayon sa EO blg. 662.

Dimasalang

baguhin

Noong 1875, may dalawang munisipyo lamang sa silangan bahagi ng Masbate. Ito ay ang Palanas at Uson. Sa pagitan nito ay ang Naro Bay naging dahilan ng di – pagkaunawaan ng dalawang lugar dahil sa hanggahan. Ang munisipyo ay pormal na inilipat sa Naro mula sa Palanas. Ang Naro ay pinalitan ng pangalan at ginawang Dimasalang, ang pangalang – panulat ni Dr. Jose Rizal.

Esperanza

baguhin

Nang naihiwalay ang Placer sa Cataingan at naging munisipyo noong 1948, ang Esperanza ay naging baryo nito. Sa panunungkulan ni Pangulong Carlos P. Garcia, ang Esperanza ay naging munisipyo ayon sa EO blg. 337 noong 7 Mayo 1959.

Monreal

baguhin

Ang Monreal ay isang Sityo ng Baranggay Famosa ng San Jacinto. Ang sityong ito ay tinawag na Ago dahil sa maraming tanim na "Agoho" rito. Ito ay mabilis na umunlad higit pa sa Famosa. Nang si Dr. Bernardo Monreal ito ay naging munisipyo noong 31 Agosto 1958 ayon sa EO blg. 236.

San Fernando

baguhin

Ang mga unang naninirahan dito ay dumating sa pamamagitan ng bangka at tinawag ito na Boro-barangay. Ang lugar ay umuunlad at naging bayan ng tabuan na mula sa "Tabon" – isang ibon. Sa panahon ng Kastila, ang unang paring Katoliko sa baying ito ay si Padre Fernando. Mabuti siyang pari at nang siya ay pumanaw, ang pook ay pinangalang San Fernando. Pagsasaka at pangingisda ang pinakamahalagang hanapbuhay ng mga tao.

San Jacinto

baguhin

Noong 1609, ilang muslim ang naninirahan sa bayan ng San Jacinto. Nang dumating ang mga Ingles, tinanong nila ang mga pangalan ng pook. Isang matanda ang nagbabayo ng "Tigao–tigao", isang halaman na ginagamit sa paglalason ng isda. Nang tanungin siya kung ano ang pangalan ng pook na iyon ang sagot niya ay “Tigao”. Nang ang Nueva Caceres ay ginawang bishopric ng ambus Camarines, ang Tigao ay sumailalim sa pamamahala nito. Ang isla ay pinangalanang Tigao-tigao at ang sityo ay San Jacinto, mula sa Kastilang pari.

Nakuha ang Uson ang pangalan sa "Uson-uson" na ang ibig sabihin ay mga lupain na hinugis ng alimango. Ito ay naging munisipyo sa bisang EO blg. 81 noong 1 Nobyembre 1911 kasabay ng Dimasalang. Pagkatapos ng pangalawang digmaan, ito ay naging munisipyo muli noong 18 Agosto 1949.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Province: Masbate". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "2021 Full Year Official Poverty Statistics of the Philippines" (PDF). Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 15 Agosto 2022. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)