Ang Lambada ay isang Brasilenyong sayaw para sa magkatambal na lalaki at babae. Naging tanyag sa daigdig ang sayaw na ito noong hulihan ng dekada ng 1980, partikular na sa Amerikang Latina at mga bansa sa Karibe. Sinundan ng Lambada ang mga ninuno nitong sayaw na forró, salsa, merengue, maxixe, at carimbó.

Isa itong sensuwal at mapanukso o nakapagbubunsod na sayaw mula sa ilang mga pook sa Hilagang Brasil. Kilala ito bilang La Lambada ("Ang Lambada") sa mga Portuges ("latigazo"), at "coup de fouet") sa mga Pranses. Isa itong pinaghalong carimbó at merengue (ngunit may ilang mga impluho ng iba pang mga ritmo).

Ang salitang Lambada

baguhin

Nangangahulugan ang Lambada ng "malakas na hampas" o "palo" sa Portuges. Ngunit malabo ang pinagmulan o etimolohiya ng salitang Lambada. Sa wikang Portuges sa Brasil, tumutukoy ito sa isang parang along galaw na inuudyok ng isang pamitik o latigo. Ginagaya ng mga katawan ng mga mananayaw ng Lambada ang maindayog na galaw na ito, na isa sa pangunahing mga sangkap na ikinakaiba ng Lambada mula sa iba pang mga sayaw na Latina.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Lambada History - www.lambadamecrazy.co.uk". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-08-27. Nakuha noong 2009-10-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Sayaw ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.