Lansangang-bayang Maharlika

Ang Lansangang-bayang Maharlika (Ingles: Maharlika Highway),[1] na kilala rin sa pangalang Pan-Philippine Highway sa Ingles (AH26 AH26), ay isang pinag-ugnay na kalsada, tulay at mga serbisyo ng barko na umaabot sa 3,517 km (2,185 mi) ang haba na kumokonekta sa mga pulo ng Luzon, Samar, Leyte, at Mindanao sa Pilipinas, na sumeserbisyo sa pangunahing gulugod ng transportasyon.



Lansangang-bayang Maharlika
Pan-Philippine Highway
Lansangang Asyano Blg. 26
Palatandaang pang-katiyakan para sa AH26 sa bahaging Lungsod Quezon ng EDSA.
Impormasyon sa ruta
Haba3,517 km (2,185 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa hilagaLaoag, Ilocos Norte
Dulo sa timogLungsod ng Zamboanga
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Sa lungsod ng Laoag sa Ilocos Norte ang hilagang dulo ng daanan at sa Lungsod ng Zamboanga ang timog na dulo.

Kasaysayan

baguhin

Iprinisinta ang daanan noong 1965 at itinayo sa panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Ang mga tagaplano mula sa pamahalaan ay naniniwala na ang daanan ay magpapasigla sa agrikultural na produksiyon at magpapababa sa gastos sa transportasyon, mag-aanyaya sa panlipunan at pang-ekonomiya na pagbabago sa labas ng pangunahing sentrong urban, at magpapalawak ng industriyal na produksiyon para sa domestiko at dayuhang pamilihan. Sinusuportahan ito ng pautang para sa pamahalaan at tulong mula sa institusyong dayuhan, tulad na lamang ng Pandaidigang Bangko. Nang matapos ang proyektong ito, sinasabing isa ito sa mga pangunahing naabot ng bansa sa sektor ng transportasyon.

Inayos muli ang daanan at pinaunlad noong 1997 mula sa tulong ng pamahalaan ng Hapon, at matapos ang proyektong ito, tinawag rin itong Philippine-Japan Friendship Highway. Noong 1998, nagdesigna ang Kagawaran ng Turismo ng 35 seksiyon sa daanan bilang "Scenic Highways" na may pinaunlad na amenidad para sa mga manlalakbay at mga turista.

Ang bahagi ng Lansangang-bayang Maharlika sa loob ng Kamaynilaan sa hinaharap ay ang Skyway Stage 3 mula Balintawak, Lungsod Quezon hanggang Buendia, Lungsod ng Makati, kasama na ang bahaging ng Skyway Stage 1 na naroroon na (mula Abenida Gil Puyat hanggang Magallanes). Magsisilbi rin itong alternatibong ruta sa mga motorista upang maiwasan ang EDSA, mula North Luzon Expressway hanggang South Luzon Expressway at gayundin naman South Luzon Expressway hanggang North Luzon Expressway.

Pagtatakda sa Kalambatan ng mga Lansangang Asyano

baguhin

Itinakda ang Lansangang-bayang Maharlika bilang AH26 AH26 sa Kalambatan ng mga Lansangang Asyano (Asian Highway Network; AHN), isang proyektong kooperatiba na naglalayon ng pagbabago sa sistema at pamantayan ng mga daanan at lansangan sa kontinente ng Asya, noong 2009.[1] Ito ang kasalukuyang daanan na hindi umuugnay sa ibang mga daanan sa kalambatan — nakakonekta ang mga seksiyon ng AHN sa Hapon (AH1 AH1), Sri Lanka (AH43 AH43) at Indonesia (AH2 AH2) sa kontinente sa pamamagitan ng barko papuntang Timog Korea (AH1 AH1), India (Dhanushkodi), at Singapore.

Pangunahing ruta

baguhin
 
Abenida Hen. Segundo sa Laoag, ang hilagang dulo ng AH26
 
Ang Tulay ng San Juanico ay nagdadala ng AH26 sa pagitan ng Samar at Leyte.

Alternatibong ruta

baguhin

Balintawak, Lungsod Quezon - Monumento (Caloocan) - Navotas - Ermita, Maynila - Pasay - Magallanes, Makati

Mga sangandaan

baguhin

Ilocos Norte

baguhin

Cagayan

baguhin

Isabela

baguhin

Nueva Vizcaya

baguhin

Nueva Ecija

baguhin

Bulacan

baguhin

Kalakhang Maynila

baguhin

Silangang ruta

baguhin
  •   N129 sa Muñoz, Lungsod Quezon
  •    N171 / N173 sa North Triangle, Lungsod Quezon
  •   N170 sa Diliman, Lungsod Quezon
  •    N172 / N174 sa East Triangle, Lungsod Quezon
  •    N59 / N180 sa Cubao, Lungsod Quezon
  •   N185 malapit sa Kampo Crame, Lungsod Quezon
  •    N60 / N59 sa Ugong Norte, Lungsod Quezon
  •   N141 sa Mandaluyong
  •   N190 sa Makati

Kanlurang ruta

baguhin

Bahaging SLEx

baguhin

Kabite

baguhin

Laguna (unang bahagi)

baguhin
 
Palatandaang pang-katiyakan para sa AH26 sa bahaging Santa Rosa ng South Luzon Expressway

Batangas

baguhin

Laguna (ikalawang bahagi)

baguhin

Quezon

baguhin

Camarines Norte

baguhin

Camarines Sur

baguhin

Sorsogon

baguhin

Hangganang Luzon–Kabisayaan

baguhin

Hilagang Samar

baguhin

Hangganang Samar–Leyte

baguhin

Surigao del Norte

baguhin

Agusan del Norte

baguhin

Agusan del Sur

baguhin
 
Abenida Narra, bahagi ng AH26 sa Bayugan

Davao de Oro

baguhin

Davao del Norte

baguhin

Davao del Sur

baguhin

Timog Cotabato

baguhin

Sultan Kudarat

baguhin

Maguindanao

baguhin

Zamboanga del Sur

baguhin

Zamboanga Sibugay

baguhin

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Macairan, Evelyn (10 Mayo 2009). "Maharlika part of Asian Highway". The Philippine Star. Nakuha noong 27 Hulyo 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin